..
Daniel
"Anong oras na, Kevin?" Tanong ko sa tauhan ni sir Caile pagkatapos kong lumabas ng dressing room ng salon na pinagdalhan sa akin ni Kevin.
Pagkarating kasi ni Kevin kanina rito sa mall ay kaagad niya akong inaya kung saan ako dapat dadalhin ni sir Caile. Ilang oras din yung itinagal dahil sabi nung staff dito ay kailangan daw muna ng skin care kaya ayun natagalan, tapos pati buhok ko inayos na rin nila, ginupitan din nila ako ng kaunti sa haircut na babagay sa akin.
Pagkatapos nila ako ayusan ay minakeup-an nila ako, yung tatama lang sa mukha ko dahil sabi nila hindi ko na kailangan ng heavy make up.
Ngayon ay nakabihis na ako ng damit na binili namin ni sir Caile kanina, at pagtingin ko palang sa salamin ay talagang natutuwa na ako.
"It's still 8pm, gusto niyo po ba kumain muna?" Tanong ni Kevin sa akin pero umiling naman ako.
Si Kevin ay mabait. Ang malumanay niya magsalita at palaging nakangiti sa akin, he has this soft feature but manly. Soft spoken din siya kaya nakakagaan sa loob siya kausap at kasama kaya kahit wala rito si sir Caile ay maayos ang pakiramdam ko.
"May pwede ba muna tayong puntahan bago pumunta sa venue? Hindi rin kasi ako nagugutom." Tanong ko sa kaniya at mukha naman siyang napaisip.
"Hmm may malapit na park dito, ayos na ba yun?" Suggest niya kaya tumango na lang ako.
Pagkatapos don ay inaya na niya ako, hindi na kami sumakay ng kotse dahil kaya namang lakarin saglit yung park na sinasabi niya. Nauuna si Kevin dahil siya naman ang may alam nung park pero sumusulyap naman siya sa akin para tingnan kung nakakasunod ba ako.
Ilang saglit lang ay narating na namin ang park na sinasabi niya. May mangilan ngilang tao at marami ang mga bata, maraming iba't ibang ilaw rito na nagpapaganda ng lugar kaya hindi boring, may kalamigan din ang hangin kaya presko sa katawan.
Nakakita ako ng mini bridge dito at may mga iba't ibang kulay ng isda rito, may mga bata ang nandito at nagpapakain ng isda, nagpunta ako ron habang nasa likuran ko si Kevin nakasunod lang at tahimik.
"Ang ganda." Sambit ko habang nakatingin sa mga isda na lumalangoy, ito yata yung mga chinese fish, hindi ko alam basta nakikita ko to sa mga chinese movies eh. Hindi naman to isda sa pilipinas.
"Daniel?"
Napabaling ako sa tumawag sa pangalan ko out of nowhere at nagulat ako nang makita ko si Zayche sa may dulo ng mini bridge, may kasamang babae. Hindi ko kilala yung babae, baka date niya.
Nakakapanibago rin na hindi si Chloe ang kasama niya dahil palagi namang sila ang magkasama pero baka nga date niya talaga si ate mo girl.
"Zayche." Pagbanggit ko sa pangalan niya.
"Ikaw nga iyan, anong ginagawa mo rit—— bakit ganiyan ang suot mo?" Napakunot noo si Zayche nang makita niya ang suot ko, lumapit kasi silang dalawa.
Napangiti ako, "Ganda diba? Pupunta akong party mamaya." Masigla kong sagot sa kaniya.
"Party? Saan? Hindi mo nabanggit na may pupuntahan ka palang party." Pagtatanong niya pa.
"Bakit mo siya tinatanong? Super close ba kayo?" Pagsingit na tanong nung babae kaya sa kaniya kami napatingin lahat.
Hindi nakasagot si Zayche sa tanong nung babae, kahit naman ako hindi ko masasagot yun dahil hindi ko naman alam ang tamang sagot para sa tanong na yon.
"Ahh kaibigan kasi siya ng kapatid ko at nagw-work din siya sa kainan namin kaya naitanong ko yon." Nakangiting sagot ni Zayche sa babae na tumango tango saka tumingin sa akin.

BINABASA MO ANG
The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy Caile × Daniel ⚠️Credits to the real owner of the photo⚠️