-35-

502 12 0
                                    

..

Daniel


Napahinga ako ng malalim pagkatapos kong ibagsak sa lupa yung mga tuyong sanga ng puno para sa gagawin naming pampalingas ng apoy. Dito namin balak magluto ng makukuha naming isda.

Hindi rin kami nagtagal ng pahinga kanina at nagsimula kaming magkuha ng makakain. Sinabi ni Caile na siya na raw ang bahalang manguha ng isda at ako na lang daw sa mga sanga ng puno na gagamiting gatong pero anong nangyayari ngayon?

Nakataas ang kilay kong pinapanood si Caile sa mababaw na parte ng ilog na nangunguha ng isda at ano ang gamit? Yung natitirang tela ng tuxedo niya, anong magagawa non?

Naririnig ko rin ang pagmumura niya, minumura niya yung mga isda kesyo napaka choosey raw. Siya na raw itong nanghuhuli sa kanila ayaw pa sa kaniya, gwapo naman daw siya.

Napapasapo na lang ako sa noo ko dahil sa mga pinagsasasabi niya, kapag hindi niya nahuhuli nagpapapadyak pa siya sa tubig na akala mo'y bata.

Naiiling na lang akong umalis sa pwesto ko at naghanap ng sanga na pwedeng gawing sibat. Mabuti na lang at naturuan ako ng tatay ko noon dahil sa tuwing wala kaming maulam noon ay isinasama ako ni tatay sa paghuli ng mga isda, tinuruan niya ako ng ganito dahil kapag wala raw akong panghuli ng isda magagamit ko raw ito.

Saka tinuruan din ako ni tatay na kapag wala raw akong matalim na bagay na pwedeng pampatilos ng kahoy ay pwede ko raw iyon ikaskas sa bato hanggang sa tumilos ito.

At iyon ang ginagawa ko ngayon.


"Tabi ka nga." Saad ko pagkalusong ko sa tubig kaya natigilan si Caile sa katangahang ginagawa niya.

Napakunot ang noo niya, "What's with that?" Tanong niya.

"Ano pa ba edi panghuli ng isda, gamit gamit mo yang tela na yan eh akala mo nan may mahuhuli ka." Sagot ko sa kaniya at sinimulan ko na ang paghahanap ng isdang mahuhuli.

"And you can catch a fish with that?" Tanong niya ulit kaya walang gana akong tumingin sa kaniya.

"Ano pang silbi nitong tilos na to?" Sarkastikong tanong sa kaniya at hindi na siya pinansin dahil nakakita na ako ng mahuhuli.

Nagbilang pa ako ng kaunti bago ko marahas na binatos ang hawak ko sa isdang nakita ko at nang kuhanin ko yung kahoy ay nakita kong nakatusok na roon ang isda.

"Ayunnn! Sa wakas!" Natutuwa kong sabi at kinuha kay Caile ang telang hawak niya at ginawa kong lagayan ng isda saka ibinigay sa kaniya, "Hawakan mo at ako'y manghuhuli na ulit." Sabi ko sa kaniya pero hindi niya kinukuha yon kaya tiningnan ko siya.

"Teach me how to do it, so, I can catch some fish." Sabi niya sa seryosong mukha kaya napakurap kurap ako sa kaniya.

"Ha? Okay... Sige, makinig ka na lang maigi." Sabi ko at sinimulan ko siyang turuan.

"Okay! I think I can do it." Sabi niya pagkatapos ko siyang turuan kaya binigay ko na yung kahoy sa kaniya.

Lumayo ako sa kaniya dahil sa tangkad niya eh baka mahagip pa ako. Pinanood ko ang ginagawa niya at nang ibato niya yung kahoy eh nabigla pa ako dahil sa lakas ng impact non.

Naguguluhan ako sa nangyari kasi iba talaga yung lakas nang pagkakabato niya. Umangat pa ng kaunti yung tubig sa ginawa niya, parang nahawi yung tubig.

"Fuck! I got you!" Sigaw ni Caile at pinakita sakin yung sibat na may dalawang isda ang nakatusok kaya napanganga ako.

Napatitig ako sa kaniya na may malaking ngiti habang inaalis sa kahoy yung isda. Naguguluhan ako pero nung lumapit siya at kinuha yung ginawa kong lagayan ng isda ay natauhan ako.

"Ang bilis mo matuto." Sabi ko at nakita ko naman ang pagmamalaki niya at kumindat pa sa akin. Shet! Pogi!

"Since marunong na ako rito, punta ka na roon at simulan na yung pagpapadingas ng apoy para makapag grill na tayo." Sabi niya kaya napatango na lang ako at naglakad pabalik sa pwesto namin kanina habang dala yung isda.


Habang siya ay nanghuhuli ay nagpapadingas ako ng apoy. Pinagkikiskis ko yung dalawang kahoy para makapagpalingas at sinasabi ko sa inyo hindi madali ang ginagawa ko! Pawis na pawis na ako ha.


"I'm done! Wala pa bang apoy?" Tanong niya pagkalapit sa akin at ibinagsak yung mga isdang huli niya sa damuhan.


Napatingin ako sa nahuli niya dahil sa gulat. Ang dami non kaya napatingin ako sa kaniya na nakangisi habang nakapamewang. Ang gwapo niya sa wet look! Potaena!


"Ang hirap magpalingas." Reklamo ko at binitawan na yung kahoy.

Nasundan niya ako ng tingin bago siya tumingin sa kahoy, "Bakit kasi di ka gumamit ng lighter?" Tanong niya kaya nakangiwi ko siyang tiningnan.

"Boang ka ba? Mukha ba akong may lighter?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya na ikinatawa naman niya ng bahagya.

"You could've ask me." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko at napaawang na lang ang labi ko dahil sa paglalabas niya ng lighter.

"Meron ka naman pala niyan bakit hindi mo na lang inilabas? Pinahirapan mo pa ako." Sabi ko at nagpunta sa may puno at naupo roon.

"You didn't ask naman." Sagot niya at nagsimula sa pagpapalingas ng mga kahoy.

"Malay ko ba." Sagot ko na lang at pinanood na lang siya sa ginagawa niya, "Teka, tuhugin ko lang yung mga isda." Saad ko at tatayo na sana pero nagsalita siya.

"Huwag na. Magpahinga ka na lang diyan at ako na ang gagawa." Sabi niya kaya natigilan ako.

Anong nakain nito? Bakit ang bait bait ngayon?

Kahit nagtataka ay nanatili na lang ako sa pagkakaupo ko at pinanood siya. Pagkatapos niya magpalingas ay nagtuhog na siya ng mga isda, sinabihan ko rin siya na maglagay ng dalawang kahoy sa magkabilang dulo ng apoy para hindi na mangalay sa paghawak ng kahoy kung saan nakatuhog yung isda.

Tahimik lang siya sa ginagawa niya kaya malaya ko siyang napagmasdan. Kakaiba talaga yung kagwapuhan niya sa totoo lang. Parang kahit bihisan siya bilang pulubi ay aakalain mong diwata na nagpapanggap lang na pulubi.

At yung mamutok mutok niyang biceps at maugat niyang kamay ay talaga namang takaw pansin, sa puti at kinis ng kutis niya ay mamamangha ka talaga lalo na sa mukha niya.

Mas nakakaakit ang side profile niya, kitang kita ang mahabang pilik mata niya at ang matangos niyang ilong. Para siyang hindi purong pinoy kung titingnan.


"May luto ng isda. Kumain ka na." Sabi ni Caile kaya natauhan ako.

"Okay. Salamat sa pagkain!" Saad ko at lumapit sa kaniya para magsimulang kumain.

Nagsimula kaming kumain habang nagiihaw pa siya ng iba dahil sabi niya para raw iyon mamaya dahil ngayon ko pang napansin na hapon na pala. Hindi na pala matutulog ang pagba-baybay namin sa ilog para mahanap kung saan kami nahulog dahil magga-gabi.

Kailangan naming magpalipas ng gabi rito para bukas masimulan namin ang balak namin.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam akong mangunguha ng mga kahoy at malalaking dahon ng saging para makagawa kami ng masisilungan, at kung hindi niyo naitatanong, yung puno ng saging walang bunga kaya hindi kami nakakain ng ibang pagkain.

Paalis na san ako pero nagsabi siya na sasama siya para siya na lang ang kumuha ng mga kahoy at ako sa mga dahon para mapabilis ang trabaho namin dahil hapon na rin naman.

Hindi naman nagtagal ang ginawa namin dahil madali lang kaming nakakuha dahil sa nadaanan ko sa pangunguha ng mga pang gatong.

Ngayon magkatulong kami ni Caile sa paggawa ng maliit na parang bahay. Bahay-bahayan kung tawagin ng mga bata sa probinsya, kakailanganin namin ito para ngayong gabi, mahirap na baka biglang may umatakeng mabangis na hayop.

______<35>______

The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon