Chapter 13

24 1 0
                                    

“I can't believe it,” she said, almost whispering. 

“B—Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Yung sayo lang ang nawawala pero ang kay Harem ay kumpleto, bakit ganito?” she sounded nervous and tensed. 

Naririnig ko rin ang tunog ng paghalughog siya sa kabilang linya marahil hanggang ngayon ay naghahanap pa rin siya. 

I tried to form a word because I felt my throat just dried. Kinakabahan ako dahil hindi sa wala akong masusuot, kinakabahan ako para sa kanya dahil hiram lang namin yun sa tita niya.

“Uhm. .” I tried to think. “Isipin mo kung saan mo nailagay, baka na-misplace mo lang.”

“There's no way I put it somewhere else. I believe nasa closet ko lang ‘yon, kasama ng kay Harem!” halos pumiyok na ang boses niya.

“W—Wala bang pumasok sa loob ng kuwarto? Yung bintana ba nakabukas? Baka pinasok kayo ng magnanakaw.”

“I rather it would happen rather than taking the traje de mestiza! It's my tita’s. Isa pa, wala kang susuotin. Nagkandaletse na. Shit, wala akong lakas na loob na sabihin ‘to kahit kanino.”

Pumikit ako nang mariin upang pigilan ang sarili. Naramdaman ko ang paglapit ni Karen sa aking gilid, nagtatanong ang tingin. I made a wait-gesture then she nodded, walking back in our booth.

“A—Anong sasabihin natin kay Karen? Magagalit yun. You know how furious she will get if she finds this,” Tabitha's voice is shaking, she's half-crying.

Pinakalma ko muna ang babae. 

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa babae na problema dahil paniguradong sasabog ito. 

I sighed heavenward. “I’ll take care of it,” 

“A—Are you sure?” pakiramdam ko ay alalang-alala siya sa akin but I still insisted I'll handle it.

“Oo, ako ang bahala basta hanapin mo at imensahe mo ako agad kung wala talaga.”

“T—Tatawagan kita agad ‘pag nahanap ko, Zel. Hindi ako dadating d'yan nang wala kayong susuotin.” pahabol niya. “I'm sorry, Zel. Ipapadala ko  kay Aira yung kay Harem.”

“O—Okay. . thank you.”

I dropped the call and reached Karen who is now wating for me. Nakafaciltate siya sa mga kagrupo namin na nagkakanya-kanyang kilos. Nasa tabi niya rin si Justin na bitbit ang make-up kit. 

“Parating na ang damit,” maikling anunsyo ko nang ilapag ang phone sa monoblock chair.

“Thank God!” Karen muttered.

“Tara, Zel ayusan na kita,” litanya ni Justin, hinawakan ang palapulsuhan ko pero mabilis ko siyang pinigilan.

Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. “Unahin mo muna si Harem. Tawagin ko lang siya.”

“Ha? Pero—”

Mabilis kong iniwan ang dalawa para tunguhin ang lalaki, kausap si Chie. The girl's wearing the Ibong Adarna’s costume in a cute and sexy way. No doubt why guys are turning their heads to her kapag napapadaan sa venue. 

Nang makalapit ay sandali kong tinabig nang marahan ang lalaki para makuha ang atensyon niya. He noticed I'm trying to say something but I'm struggling on how to deliver it. He turned his head to me with a puzzled look. 

“Ano? Kamusta yung damit?” he asked with concern.

“Umuna ka na mag-ayos doon, dali,” hinila ko ang braso niya pero mas malakas ang lalaki kaya bumalik ako sa puwesto namin kanina.

Embracing the Wind of Change (Batchmate Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon