Chapter 31

54 1 1
                                    

H-in-apon na kami ng araw na iyon, kami na lang ang naiwan ng lalaki sa shop. The half of the shop is in process. Talagang sinunod ng lalaki na i-balance ang kulay ng interior.

I snorted at that idea. 

“Should I get you a coffee?” alok ko sa lalaki nang minsan siyang napagawi sa cupboard.

Naka-squat siya sa ibaba, may sinusuri yata. 

“I already had a coffee,” abala niyang saad. He tilted his head to see me from there. “Can you get the sledgehammer, instead?”

“Where is it?” 

“Sa toolbox, thanks.” 

I surveyed the whole area but the toolbox is nowhere. “And where's the toolbox?”

“Sa compartment ng kotse.”

My face suddenly crumpled. “Are you serious? Lalabas pa ako?”

He stopped from what he's doing and sighed before facing me. “Kaya mo ba'ng pahabain ang kamay mo para abutin ang toolbox? Of course, you have to go outside to get it.”

“Arte,” bulong ko. Inirapan ko muna siya bago lumabas ng shop.

Lumabas ako para puntahan ang kotse na nakapark lang sa tapat ng shop. I got the toolbox in the compartment and headed inside. 

Nag-offer pa ako ng tulong sa lalaki ngunit inilingan niya lang ako. Mabigat daw ang ginagawa niya kaya huwag na raw ako tumulong. 

It was already 7 p.m when I decided to check him. Patapos na rin daw siya, hintayin ko na lang siya matapos doon pero lumipas ang trenta minuto, ako na ang bumili ng hapunan namin. 

Hindi naman malayo ang fast food chain sa shop kaya doon na lang ako bumili ng takeouts.

“I’m done,” he announced when I opened the door and stepped inside.

“Thank God. I thought I would wait for a thousand years,” I said.

Sa two-seater table kami umupo. Inilatag ko ang pagkain sa mesa, tanaw ang labas mula sa glass wall. Ang ganda lang ng pwesto, sakto lang para matanaw namin ang madilim na langit.

“You should order the large fries for me. Tignan mo, medium size lang ‘to.”

Tinabi niya pa ‘to sa fries ko na halata nga na mas malaki ang akin kesa sa kanya.

“Ang reklmador mo ngayon. Kumain ka na nga. Hindi na nga kita siningil, e!” I pouted before I took a bite on my burger.

“Wala akong cash,” aniya sa hindi na bagong linya.

I rolled my eyes at him. “Wala ka na naman pera. .” I teased, kahit alam kong barya lang ang sahod ko kumpara sa kanya.

May hinugot siya na card mula sa leather wallet niya, inilapag ang black card. He even pushed it towards me while I'm eyeing it, almost wide-eyed.

“Is this for real?!”

“Why? You don't believe it? Use it,” hamon niya.

Dinampot ko iyon. I scanned it thoroughly na para ba’ng ignorante sa bagay na iyon. 

“Magkano ang laman nito?” tanong ko sa kanya.

He shrugged his shoulders. Kumagat siya sa fries sa kanyang daliri. “I don't know, basta may pera.”

“Hindi mo binibilang? Hindi mo chinecheck?”

“Hindi. Ang mahalaga may pera,” he said again before he sipped on his drink.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Embracing the Wind of Change (Batchmate Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon