The Beginning

0 0 0
                                    

Masayang nagsasalo-salo ang buong pamilya namin habang malayang pinag-uusapan ang tungkol sa kapangyarihan na nananalaytay sa aming dugo.

Sa angkan ng mga Gravenreuth.

"Hindi ko inaasahang magiging malakas ka anak ko."
Nakangiting ani ng aking ina.

"Hindi ko rin po kasi inaasahan na napakagaling ng nilalang na magsasanay sa akin."
Malumanay ngunit pabirong ani ko pa.

Matapos ko pang sabihin iyon ay sabay kami ni Ina na tumingin kay Ama.

Kakatwang isipin na para bang siya'y nagugulumihanan pa kahit na batid niyang siya itong sumanay sa aking taglay na kakayahan at kapangyarihan.

"Bakit ganyan ang inyong tingin? Ako ba ay gumawa ng nalalabag sa batas ng ating angkan?"
Pabirong aniya.

"Dahil ikaw lamang po ang nag-iisang nilalang na naniwala na may ihuhusay pa siya."
Ani ng nilalang na ngayon ay naglalakad na papalapit sa amin, sa aming hapag-kainan.

Nang makalapit ito sa amin ay agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at sabik na yumakap dito.

"Kuya!! Bakit ngayon ka lamang tumungo rito sa ating tahanan? Kay tagal naming nangulila sa iyong presensya."
Ani ko habang mahigpit na nakayakap sa aking nakatatandang kapatid.

"Gustohin ko mang kayo'y dalawin tuwing ikalawang araw ng Linggo ay hindi maaari. Alam mo kong ano ang aking pinagkakaabalahan, Zyr."
Ani ng aking kapatid matapos kumalas sa aking yakap.

"Tama na iyan, ika'y umupo na nang makakain ka."
Ani ni Ina.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita si Ama.

"Ako'y nagagalak na makitang iyo nang nagagamit ng maayos ang iyong taglay na kapangyarihan."
Nakatingin si Ama sa aking kapatid.

"Marapat lamang Ama sapagka't pakiwari ko'y kamuntikan ng mabali ang napaka-kapal na bakal maituro mo lamang sa akin ang tamang paggamit ng kapangyarihan."
Ang aking kapatid.

"Ilang siglo na ang nagdaan simula nang madiskobre ng ating mga ninuno ang tinataglay nilang kapangyarihan. Ilang siglo na rin ang nagdaan simula nang matuklasan ng ating mga ninuno na namamana ang kapangyarihan ng ating angkan. Ilang dekada ko na ring patuloy na pinipilit buhayin ang kapangyarihang isang beses lamang nakadapoang palad ng ating ninuno."
Malamin ang iniisip na ani ng aking Ama.

"Iyan ba ang tungkol sa napaka makapangyarihang nilalang na naging parte ng ating angkan, Ama?"
Walang muwang na tanong ko habang patuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain.

"Oo, Anak. Isang nilalang na pinilit gayahin ng ilan sa ating mga ninuno. Isa sa nakasanayan ng ating angkan ay ang pagsasanay sa ating katawan at  kakayahan sa pagbabakasakaling may isang nilalang mula sa ating angkan ang muling magtataglay ng napakalakas na kapangyarihan."
Ani ng aking Ama sabay tingin sa aming dalawa ng aking kapatid.

"Huwag mo sanang mamasamain Ama, ngunit ni isa ay walang nagawang buhaying muli ang kakaibang kapangyarihang iyon. Tama ba?"
Ani ng aking kapatid.

"Nakakalungkot mang isipin ngunit wala. Walang sino man ang nagawang lampasan o pumantay manlang sa lakas at kakayahan ng nag-iisang ninuno natin na nagtaglay ng kakaibang kapangyarihan."
Malungkot na ani ni Ama.

"Inabuso ng ating mga ninuno ang kanilang mga sarili upang maabot ang natatanging lakas at kakayahang kinakailangan ng kanilang katawan upanag makamit ang inaasam na kapangyarihan. Ngunit sa kasamaang palad ay wala ni isa sa mga sumubok ang nagawang buhaying muli ang kapangyarihang iyon."
Dagdag pa ng aking Ama.

"Ngunit Ama, likas na malakas si Kuya magmula nang magsimula siyang magsanay. Hindi kaya si Kuya ang maaaring tumupad sa kahilingang ilang siglo ng nais makamtan ng ating mga ninuno?"
Tanong ko.

"Maaari, ngunit maaari ring hindi. Ilang ninuno na natin ang naging napakagaling sa pakikipag laban at nanguna sa katalinuhan ngunit maski sila ay hindi pinagkalooban ng kakaibang kapangyarihan. Pakiwari ko'y wala pa sa kanilang kalingkingan ang taglay kong kakayahan."
Ang aking kapatid ang sumagot.

"Ngunit Kuya."
Naiinis na ani ko sapagka't nakahiligan niyang sirain ang bawat pag-asang binubuo ko sa aking isipan.

Pag-asang balang araw ay masisilayan ko ang kakaibang kapangyarihang paulit-ulit na binabanggit ni Ama sa tuwing kami'y kanyang sinasanay.

Imbes na magsalitang muli ay ginulo na lamang ng aking nakatatandang kapatid ang aking buhok.

"Sa pagdatal mo sa wastong gulang ay iyong maaarok ang aking tinuran."
Ani Kuya.

"Ano? Hindi ko mawari ang kahulugan ng iyong sinambit aking Ado."
Tanong ko sa aking nakatatandang kapatid.

"Aniya ay pagtungtong mo sa wastong gulang ay maiintindihan mo na ang kanyang sinasabi."
Ani ni Ina.

"Iyong pagpasensyahan ang iyong Ado sapagka't nasanay siyang matatanda ang kanyang nakahahalubilo kong kaya't napakalalim ng kanyang kaalaman sa ating wika."
Natatawa't nang-aasar na ani ni Ina habang nakatingin kay Kuya.

"Ina. Batid ninyo kong bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon."
Seryosong ani ni Kuya na saglit pang tumigil sa pagsubo para tumingin sa deritso sa mga mata ng aming mga magulang.

"Ako'y nagbibiro lamang Anak."
Si Ina.

"Nalalapit na pala ang kaarawan ng ating bunso, hinihiling kong sana'y dumalaw ka sa mismong kaarawan ng iyong kapatid aming anak."
Ani ni Ama.

"Marapat lamang Ama. Espesyal ang kaarawan ng ating bunso sapagka't iyon ay ika-dalawampong kaarawan niya kong kaya't makakaasa kayong darating ako."
Ani ni Kuya.

Napangiti naman ako dahil dito.

Alam kong hindi hahayaan ng aking kapatid na wala siya sa espesyal na araw na iyon. Ang araw na nagsasaad na maaari na akong magsanay upang subukang buhayin ang kakaibang kapangyarihan.

Isa lang ang ibig sabihin ng aking kaarawan, iyon ay ang aking nakatatandang kapatid na ang makakasama ko sa mas matinding pagsasanay.

Hinihiling kong makuha ng kapatid ko ang kapangyarihang iyon kong kaya't kong makatutulong ako upang palaguin ang kanyang kakayahan ay taos puso ko itong gagawin.

Nagpatuloy ang hapunang iyon ng masaya.

Hanggang sa matapos kaming kumain ay walang humpay ang naging palitan namin ng ngiti at tawa.

Akala ko hanggang sa umaga ay gigising ako ng masaya.

Nakalimutan kong minsan ang akala ay nagiging mali rin pala.

Dahil ang inakala kong gabing magtatapos ng masaya ay naging malungkot ng matapos ito sa trahedya.

Ako si Zyr Gravenreuth, AT ITO ANG KWENTO KO.





©ALL RIGHTS RESERVED 2024.











You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Masked (Hysteria)Where stories live. Discover now