Chapter 4

12 2 0
                                    

A week passed

Natapos na rin ang training at final demo namin. It was fun and nakakapagod at the same time pero worth it kasi I got to know other trainees, staff ng company, the management and the company as a whole. Base sa orientation namin, mainly yung magiging students namin are Korean so expected na iba't-ibang level of English speaking skill ang ma-eencounter namin.

The result just came out and na-isend iyon thru our respective gmail account. Fortunately I got a passing score.

"Oh, ate. Kamusta? Na-ace ba?", narinig kong tanong ni Ri-ki mula sa likod. I was busy peering at my laptop screen kaya hindi ko na-sense yung presence niya.

A playful idea just popped in. I faked my expression, kunyari I am frustrated and turned to face him. "H-Hindi eh."

Ri-ki showed his empathy but mentally I was laughing my ass off because of his reaction. Ang gullible talaga ni bunso. 🤣 "Okay lang yan teh. May mga ibang job opportunities pa naman eh", he consoled and pats my shoulder.

I started bursting into laughter. "Napaka-naive mo naman , bunso. Of course, naipasa ko yung training and final demo. Prinaprank lang kita."

Gumanti rin siya ng tawa at napailing-iling lang. "Galing mong umarte, ate. Pwede ka na sa The Voice."

"Bukas na yung start ng shift ko. Schedule ko will start from 10-6 AM", I smiled happily as a clam and face to my laptop. "Kumain ka na doon. Bumili ako ng chicken burger tsaka fries"

"Naks naman! Thanks ate! Ikaw teh kumain ka na rin. Sabay na us."

"Tapos na ako. Hindi kita hinintay kasi kumakalam na yung sikmura ko kaya umorder ako ng Mcdo online kasi may coupon pa 'ko", tugon ko naman. In good and bad times talaga, kami ni Ri-ki yung magkasangga. Ngayon na may work na ako na may magandang compensation, I'll be his support system. Syempre, babawi rin ako kina tito't tita sa pagtulong sa 'ming magkapatid kahit hindi kami biologically mga anak nila.

Nag-ayos muna ako ng hihigaan habang hinihintay matapos si Ri-ki na kumain. Double deck bed yung hinihigaan namin. Ako yung nasa taas na part, si Ri-ki naman nasa baba. Ang likot niya kasing matulog. Kapag nasa taas siya nakahiga, baka mahulog lang siya.

Mga bandang alas dyes na ako nakatulog. Mas maagang natulog si Ri-ki. Nag-ooverthink ako sa mga posibleng mangyayari for my first day of work tomorrow. First time kong magwork sa ganitong klaseng trabaho na hindi pa in-line sa natapos kong major. Science major ako but I landed as an ESL teacher.

I'll be handling different kinds of students although I'm aware that they're Koreans but of course kailangan mag-aadjust ka depende sa level of speaking nila. Some of them might be well-conversant sa English language while others have zero foundation at all. Yun yung medyo nakakakabado at nakaka-tense.

May rating system din yung ESL company. Five stars kapag satisfied si student. The least of course is one star kaya kailangan lagi kong gagalingan. Fixed naman yung salary and may added benefits regardless of how many bookings you have so I think nasa tamang company ako.

_____________________

The next day

Two hours before my shift. Naisipan ko munang dumaan sa 7/11 para bumili ng snack. Habang binabaybay ang kanto papunta sa convenience store, nakaramdam ako ng parang may sumusunod sa 'kin. At first, naisip ko baka guni-guni ko lang.

Sumasabay sa bawat yapak ng mga paa ko ang yapak ng mga paa ng kung sino mang sumusunod sa akin.

Binilisan ko ang paglalakad kasabay din nito ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nang malapit na ako sa convenience store, na hinahabol ang hininga, bigla akong hinablot sa may braso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Language 101: Heartstrings and High FivesWhere stories live. Discover now