Chapter 4

96 4 0
                                    

#siyewp_4

Bwesit na suprianto.

Inis ko naman na binalingan ng tingin si brody
na kagat kagat ang kutsara na nakatitig saakin,
hinintay ko itong magsalita kung ano ba ang sasabihin, Pero wala naman na lumabas sa
bibig niya.

"What?"

"Wala naman, I was just wondering what was
going on between you and Rick" aniya. Pero
nagkibit balikat lang ito bago ipagpatuloy ang
kinakain. I frowned at what he said. Hindi ba halatang kinamumuhian namin ang isa't isa?

Sapakin ko 'to e.

"Why, What happened?" tanong ni amelie na
ikinatawa bigla ng dalawa. Kanina seryuso ang
kumag ngayon pinagtawanan na yata ako.

"Nag debate lang naman sila ng sagot ni
suprianto kanina" ani ni brox bago humalakhak
na ikinatingin sakin ni Amelie at Veronica even
Dynver.

"Bwesit kasing suprianto! Nagmamagaling."

Inis kung sabi dahil nabubwesit talaga ako
sakanya dahil sa nangyare kanina. Nananadya
na talaga ang bwesit na 'yon, gustong gusto
niya talagang binabara ang mga sagot ko. Anoba ang problema nya? Suntokan ba ang gusto nya, ayain ko pa 'e, sigurado naman akong kaya ko
sya kahit na mas malaki pa siyang tingnan sakin, balian ko pa nga ng leeg ng makita nya.

Nakakaasar lang 'e.

"ohh! at ikaw iyong talo based on your face" Dynver's mouth authomatic form 'ohh' na mas lalong ikinalukot ng mukha ko. Nababanas lang
ako dahil kuhang kuha niya talaga ang inis ko
sa katawan. Gaganti ako sa hambog na 'yon.

"Obvious naman sa mukha nya"

I threw a piece of french fries on brody's face.

"Good luck to you if you want to get revenge
on Rick" Nangingiti na saad ni dynver bago ito
tumayo "Mauna na ako sainyo, May gagawin
pa ako" paalam nito.

"What do you mean?" tanong ko na ikina-kibit
balikat nya. Bakit pakiramdam ko kilala niya si Roderick, Base sa mukha niyang nakangisi.

"Sasabay na ako" ika naman ni Veronica "Good
luck Chico, patumbahin mo si Rick. Kakampi
mo ako, gugulpihin ko 'yan" sabi naman niya habang ipinapakita pa ang kamao sakin.

Nailing nalang ako sakanya.

"Huwag na baka sa hospital ka pulotin" sabat
ni brox kaya nakatanggap sya ng sapak.

"Aray! napaka sadista talaga!"

"Sabat ka kasi ng sabat, Hindi ikaw ang kausap
ko!" singhal naman niya kay brox na ikinailing
ni Amelie at Dynver. Napansin kung aso't pusa
ang dalawang 'to, lagi nalang nagbabangayan.

"Tama na 'yan, Umalis nanga kayo!" awat ni
Amelie, ipinagtulakan pa si Veronica.

Inirapan naman ni Veronica si brox bago sakin
ito tumingin "Sabihin mo 'lang kung uupakan
naba natin si Rick" Natatawang tumango ako
sa sinabi nya "Don't laugh, I'm serious about
what I said, let's kill him!"

"Baliw kana." Brox murmured.

Natatawang hinila naman ito ni Dynver "Let's
go! Vica" sabi niya bago mag-paalam ulit samin
at hilain na paalis si Veronica.

"Just tell me Chico!" Sigaw pa niya.

Naiiling na ibinalik naman ni Brox ang tingin
sa pagkain "Nababaliw na ang babaeng 'yon"
aniya. "Hey Chico, diba may practice ka?"

Tumango ako.

"For what?" Tanong ni Amelie.

"Choreography dance" Sagot ko.

Stars In Your Eyes Where stories live. Discover now