Chapter 1
Envelope
Solestino State University
Congratulations for passing! Soloruez, Serene Ilithyia E.
Basa ko sa email mula sa isa sa mga university na pinag-exam-an ko. I sighed. Hindi talaga ito ang gusto kong pasukan pero sa rami ng sinubukan kong entrance exam sa iba't ibang university, ito lamang ang nag-email sa 'kin na pumasa ako.
"Anong balita?" tanong ni ate sa tabi ko. Kahit narito siya sa tabi ko ay hindi siya tumingin o nakibasa sa email. Ako na raw mismo ang magbalita sa kaniya.
Ibinaba ko ang cellphone ko at tumingin sa kaniya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at. . . pag-asa.
I smiled at her to assure her that it was a good news.
"Ano? Anong ngiti 'yan?" halos hindi siya mapakali kaya natawa ako ng konti.
"Relax, ate. I passed." ani ko.
" 'Yon naman pala e. E'di goods-what?!" napatalon siya sa kaniyang pagkakaupo nang mapagtanto ang sinabi ko at tumalon-talon.
"Talaga? OMG!" hinila niya ako para yakapin at isinabay sa pagtalon-talon niya.
Napatawa tuloy ako lalo at pinigilan siya ng konti. Ang sakit niya yumakap, ipit na ipit ako.
"Ate, stop," I chuckled as I removed my arms from hugging her. Hindi naman niya binitawan ang kamay ko at hinimas-himas iyon.
"I'm so proud of you, Thyia." alam kong totoo ang sinabi niya dahil tinawag niya ako sa nickname niya para sa akin.
I only rolled my eyes on her.
"OA talaga nito." ani ko naman.
"Anong OA? Proud nga ako, pumasa ka kaya! That's something to be proud of! Tara magcelebrate! Sa'n mo gusto?"
Umiling ako ng bahagya, " 'Wag na ate, gastos na naman." Ngumiti ako ulit sa kaniya.
No'ng graduation ko gumastos din siya pang-celebrate namin, tapos ngayon gagastos na naman. Hindi naman kami mayaman.
"Worth to gastos naman! Ano ka ba!" pangangatuwiran niya.
" 'Wag na nga," laban ko naman.
Nabigla ako nang hawakan ni ate ang magkabila kong pisngi para iharap sa kaniya.
"What's with the sad smile, hm?" kita ko ang pag-aalala sa kaniya.
Iniwas ko ang aking mukha, "Wala, ate. Anong sad? Masaya ako 'no." ani ko at ngumiti nang sobra na halos mawala ang mata ko.
She only poked my cheeks and rolled her eyes on me.
"Gaya-gaya," ani ko.
"Ako pa lokohin mo, 'di mo 'ko maloloko."
Now, I smiled genuinely.
Kilalang-kilala niya talaga ako. Siguro ito ang isa sa superpowers niya. She knows when I'm truly happy, she knows when I'm sad, she knows when I'm mad, she just knows everything about me.
Siguro ganoon talaga, kapag matagal mo nang kasama ang isang tao, makikilala mo siya ng sobra. Makakabisado mo lahat tungkol sa kaniya.
Hinila ko para mayakap si ate.
Honestly, I don't know what to feel right now.
"I'm not sad, ate," paninigurado ko sa kaniya.
"But you're also not happy, right?"
See? She knows me. That's because she's my mother and father, my parent.
Tumngo lang ako. Pinalandas niya ang kaniyang kamay sa mahaba kong buhok.
"Why? I wanna know,"
"It's not my dream university. Pero 'yon lang din naman ang pinasahan ko." nahihiyang amin ko.
"It's alright, baby. Remember, everything happens for a reason. There's a reason why you didn't pass on your dream univ. And there's something waiting for you in SSU."
Maganda ang araw na iyon, natuloy ang gala namin ni ate as a celebration. Huwag ko raw isipin ang gastos dahil pinag-ipunan naman daw niya ang gastusin para rito. Sinabihan ko lang siya na ang OA niya talaga.
May ngiti sa labi akong natulog sa tabi ni ate.
Kinabukasan, tanghali na nang magising ako kaya wala na si ate. 7:00 AM ang pasok habang quarter to 10 na ako nagising. Hindi tuloy ako nakapagluto para sa kaniya.
Niligpit ko ang aking pinagkainan saka nagsimulang maglinis ng bahay. Una kong nilinis ang kwarto ni ate. Dito kami natulog kami. May sarili naman akong kwarto, pedo kagabi gusto ko lang talaga tumabi sa kaniya.
Lumaki kami ni ate na kaming dalawa lang kaya ganoon na lamang ang closeness namin. Wala akong alam sa mga magulang o kamag-anak namin. Hindi na rin namin iyon pinag-uusapan ni ate at ayaw ko rin.
Nilinis ko nang maigi ang vanity niya dahil ito ang pinakapaborito niyang parte sa bahay, mahilig kasi siya magmake-up. Pagbukas ko ng huling drawer ay tumambad sa 'kin ang isang envelope. Kulay brown iyon at may nakasulat na 'Welcome' sa itaas ng seal.
"Taray ng design, ka-vogue."
Kahit na gusto ko itong buksan ay hindi ko na lamang pinansin, hindi iyon akin kaya hindi ko dapat usisain.
Nagpatuloy nalang ako sa paglilinis. Isa-isa kong tinanggal ang nakalagay rito para mas mapunasan ang drawer. Umagaw sa pansin ko ang isang maliit na box na elegante ang disenyo. Parang may kung anong hipnotismo itong epekto sa akin para buksan ko ito.
Nakalagay rito ang isang gold necklace na may pendant na maliit na susi. Inusisa ko ito nang maigi dahil parang may kinang akong nakikita. Parang may glitters ito dahil kumikinang kapag tinitingnan.
"Totoong gold kaya 'to?"
Anong pakialam mo, Serene! Hindi naman iyo 'yan!
Para akong natauhan kaya mabilis kong ibinalik ito sa box at nagpatuloy na lamang sa ginagawa.
YOU ARE READING
Arcanius Academy
FantasyWelcome, We are pleased to inform you that you have been chosen to be one of the students in Arcanius Academy. Come and Join. Let us unleash and hone the sleeping special abilities within you. Arcanius Academy: School for Special Abilities