Chapter 3
Arcanius Academy
Ginising ako ng mga tapik sa akin.
Pinagbuksan lamang ako ng pinto ng driver saka ibinaba ang mga gamit ko. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na pipi ang driver dahil hindi man lang nagsasalita. Kahit Welcome man lang, wala?
Pagbaba ko sa sasakyan ay nag-unat-unat ako, pakiramdam ko iyon lamang ang totoo kong tulog sa sobrang sarap kahit nakaupo lang. Siguro ganoon talaga kapag mamahaling kotse.
Nang maibigay sa akin ng driver ang gamit ko ay saka ko lamang na aninag ang lugar kung saan kami tumigil.
Luminga-linga ako sa iba't ibang direksyon ngunit puro puno lamang ang nakikita ko. Ngunit sa kinatatayuan ko ngayon ay ang mahabang pavement na puno ng halaman at bulaklak sa gilid. Itatanong ko sana sa driver na nakatayo sa gilid ko kung saanh parte na kami ng Pilipinas ngunit may nagsalita mula sa gilid ko.
"Serene Ilithyia Soloruez,"
Nang lingunin ko ito ay isang babae na nasa mid 30s. Bahagya akong nagbow sa kaniya, tanda ng pagbati ko.
"Ah, ako nga po."
"I am Riona Melville. I'm in charge of assisting you."
Nakasuot ito ng isang fitted skirt at coat. Naka-bun naman ang itim na itim nitong buhok. Mahahaba ang earrings at mataas ang takong ng heels.
Sa sobrang pormal niya napa-stand straight, stomach in at chest out ako. Grabe, sobrang sophisticated niya.
Elite school ata 'to e.
Napasapo ako ng noo sa realization.
Paano nga kung elite school? Edi puro mayayaman dito? Tapos baka halos maaarte at bully?
Juicecolored. Have mercy on me.
Bago pa ako makapagtanong kung elite school ba ang napasukan kong ito ay muli siyang nagsalita.
"Follow me." aniya saka nagsimulang maglakad sa pavement.
Hila-hila ang dalawa kong bagahe at isang backpack ay tahimik na sumunod ako sa babae.
Maraming tanong na tumatakbo sa isip ko pero hindi ko maisaboses dahil nahihiya ako. Ang mga tunog ng takong ni Ma'am Riona ay tila sumisigaw nang pagka-elegante.
Sa patuloy naming paglalakad sa pavement ay tanging halaman lamang ang nakikita ko. Siguro kung mahilig ako sa mga halaman ay abot langit ang tuwa ko ngayon dahil sa mga nakikita. Buhay na buhay ang mga halaman sa paligid at iba't iba ang kulay. Ang kaninang mga puno ng Pine Trees ay hindi ko na natatanaw, tila nagsilbi lamang iyon na gate sa bungad.
Pagkatapos ng limang minutong paglalakad ay tumigil si Ma'am Riona kaya napatigil din ako.
Pero malayo pa ah? Tanaw ko pa na mahaba pang lakarin kung patuloy na babaybayin ang pavement.
Napatingin ako kay Ma'am Riona nang itaas niya ang kaniyang kanang kamay at tila may hinawi sa hangin. Pagkatapos noon ay may lumitaw na kulay brown na animoy hamog. Malawak ito at parang may pinapalibutan. Sa tapat namin kung saan may hinawi si Ma'am Riona ay doon lamang ang parte na walang hamog, parang nagsilbing lagusan para sa amin. Dumagdag na naman ito sa mga tanong sa aking isipan.
Nagpatuloy ang si ma'am sa paglalakad kaya sumunod muli ako. Pagkalampas namin doon ay lumingon ako sa likod. Halos mapamura ako nang mawala ang lagusan kanina.
YOU ARE READING
Arcanius Academy
FantasyWelcome, We are pleased to inform you that you have been chosen to be one of the students in Arcanius Academy. Come and Join. Let us unleash and hone the sleeping special abilities within you. Arcanius Academy: School for Special Abilities