MIKHA'S POV
It is 3:00AM already and currently our breaktime and because i am so sleepy na on our shift so naisipan kong pumunta dito sa 7/11 sa malapit para bumili ng iced coffee.
But nung bubuksan ko na ang ref para kumuha ay biglang sulpot naman ng isang babae sa tabi ko.
Ohhh sht i'm so surprised dahil sobrang ganda at hot nya.
Pero she is crying, and i don't know why. Nakayuko lang siya habang humihikbi.
.
.
.
"Hey m-miss, why are you crying??" tanong ko. I can't think of any reason why kasi she looks so fine naman and well-dressed, siguro heart broken lang ito.She didn't answered yet she keeps on sobbing.
"Miss, ano bang nangyari sayo? Are you heart broken?? Who hurt you?" usisa ko pa.
At nagulat ako nang hawakan na nya ako, at sabay tingin sakin. Mas lalo ko tuloy napagmasdan ang ganda nya, myghad!
"Miss, i'm sorry ha if i'm acting like this to you i just can't help it eh." pauna nya. Omg englishera pala, auto crush tuloy ako hehe.
"Naaahhh it's fine miss, ano ba kasing nangyari??" tanong ko uli. So kumuha na ako ng iced coffee sa ref at kinuhanan ko na rin siya ng para sa kanya at binuksan na rin nang mainom na nya.
"Ganito kasi yun, you wouldn't believe it pero kasi you looked like my ex girlfriend eh. Sobrang magkamukha kayo as in! Kaya nung nakita kitang pumasok eh sinundan agad kita." kwento nya at nagulat ako syempre.
"Ohhh really kamukha ko ex mo?? Langya yun ha bakit ka iniwan?? Siguro kasi para ako sa future mo. HAHAHAHA." banat ko sabay tawa pero mas lalo syang umiyak.
"Halaaaa. Sorry miss!" sabi ko.
"Hindi kasi naging maganda ang huling pag-uusap namin eh. I broke up with her at iniwan ko mag-isa sa kalsada tapos ay di ko alam na hinabol nya pala ako at narinig ko nalang ang pagtawag nya sakin pero huli na ang lahat dahil nasagasaan siya at dead on arrival. Hindi man lang ako nakapagsorry sa kanya." humihikbi nyang ikinwento.
Hindi ko na napigilan at hinawakan ko na ang kamay nya.
"I'm so sorry to hear that miss. Now i understand you, sorry tinawanan pa kita. Wish i can make you feel better?" sabi ko naman.
"Alam mo usually pag sinusundo nya ako sa work ay nagpapaalam siya sakin, she used to say "Bye Hon" at sasakay na ako ng taxi pauwi. I missed it! Siguro gagaan lang ang loob ko if maririnig ko uli yun even from you since magkamukha kayo. So pwede ba na paglabas ko dito sa 7/11 ay mag goodbye ka sakin??" pakiusap nya with her pleading eyes na sobrang cute parang pusa.
"Ahhmmm does it make you feel fine?? If that so edi sure why not!" mabilis ko namang sagot at sa wakas ay ngumiti na siya sabay lagok ng iced coffee na binili ko.
"Thanks so much miss, you're so bait naman pala." pa cute nyang sinabi at natuwa naman ako.
So sabay na kaming lumakad, ako ay pa counter at siya naman ay palabas na.
At gaya ng pakiusap nya sakin paglabas nya ay nagpaalam na ako.
.
.
.
"BYE HON! TAKE CARE..I LOVE YOU!" sigaw ko habang nakangiti. Hinabol ko pa siya ng tingin hanggang makalayo na siya.Nang di ko na siya makita ay eto bumaling na ako sa cashier.
"How much po ate??" tanong ko.
"2,580 po mam." sagot nyang ikinabigla ko.
"W-what??? 2,580 for the two bottles of Iced coffee?? Ano yan gold??" gulat ko.
"Two iced coffee kasama na rin po ang pinamili ng girlfriend mo." kalmado nyang sinabi.
"Girlfriend?? Sino?? Nakikita mo bang may kasama ako?? Ang harsh mo ha alam kong no girlfriend since birth ako pero wag mo namang personalin ah." kunot-noo kong sinabi.
"Naku miss lumang style na yan. Diba girlfriend mo yung babaeng kakalabas lang kanina? Nag bye hon ka pa nga eh. Di mo ako maloloko miss, gusto mong ipapulis kita? Bayaran mo nalang." sabi pa nito.
And i finally realized everything.
Nabudol ako! Nung babaeng yun!
That ribbon chick!
Aaaaarrrggggghhh! Budget ko ito for the whole week eh.
Wala na akong nagawa kundi bayaran nalang ang bill.
.
.
.
.
"HONNNNN!!!!" sigaw ko.
YOU ARE READING
MIKHALOI Oneshot Collection (Converted)
FanfictionMIKHALOI TO BEH SO IF YOU DON'T LIKE THE SHIP EDI DON KA SA FAR