Chapter VI

12 16 1
                                    

Gising na ang mahal na prinsesa, na handang mag lingkod para sa kaniyang prinsepe Uazeier. Nako crush na crush ko talaga siya!!

Nasa classroom kami ngayun at nag uusap-usap sa eleksiyon na magaganap ngayun sa aming classroom.

Nasa harapan ngayun si Ma'am Capaycay at nag didiscuss ng mga posisyon at kung ano ang mga tungkulin nito, ewan ko ba diyan ang tungkulin ko lang naman ay ang maging asawa in the future ni Uazeier!!

"Now class, lets elect some classroom officers. I open the nomination" ani ma'am.

"I nominate Irise Santilla ma'am for president" wika ng isa naming kaklase

"I nominate Uazeier Villafranca ma'am for president" magiliw na ani ko

"Sorry ihja but mr. Villafranca is already our SSG president baka hindi niya kayanin lalo na't graduating student kayo ngayun" napa nguso naman ako sa wika ng aming guro

" No ma'am it's ok, I can handle it kaya ko naman po, I can just manage my time" magalang na ani Uazeier at malamig na tumitig sakin

Grabe naman to makatingin nahahalata na patay na patay sakin eh!!

"I close the nomination" One of my classmate said

"I second the motion" ani naman ng isa

"Ok itaas ang kamay kung sino ang inyong iboboto"

"Itaas ang kamay ng gustong iboto si Ms. Santilla" ani ma'am, meron namang nag si taas ng kanilang mga kamay ngunit hindi gaano karami halos hindi sumobra sa kinse ang bumoto sa kaniya.

"Itaas naman ang kamay ng gustong bumoto kay Mr. Villafranca"

Halos lahat kami ay naka taas ng aming mga kamay kaya napagkasunduan na wag ng bilangin dahil isang tingin palang may nanalo na!

"Now lets proceed for the vice president"

"I nominate Alice Gomez ma'am"

"I nominate Cathy Kalon ma'am"

"I close the nomina-" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil biglang umungot ang aking kaibigan

"I nominate Jealy Asquin ma'am para kay mr. president- este for vice president ma'am" Lokong wika ng kaibigang kong si Chassy

Enebe weg kenemeng genyern!! Kenekeleg ako!!

At inuna ko pa talaga ang kilig at huli nang pumasok ang bad side, ayaw ko ng obligasiyon!! dibali hindi rin naman sigurado na ako yung mananalo.

Patay na majority win ko pa!! pano na  to? Pero kung iisipin naman ay mabuti nga ito mas mapapalapit ako kay Uazeier marami kaming oras na pwedeng magkasama!!

Nasa canteen ako ngayun at kumakain ng mahagip nga mata ko si Uazeier kaya naman dali dali ko siyang nilapitan at inalok ng niluto ko kaninang umaga.

"Uazeier here, I'd made this just for you. I heard you liked leche flan so i cooked for you" magiliw na ani ko

Tinanggap niya naman iyon, walang sinabi at madilim ang mukha, ewan ko ba dito! laging bad mood! ganda ko kaya

"Uazeier!!" sigaw ko at napaligon na sa akin lahat ng tao sa cafeteria maliban sa kaniya.

"Pag lumingon ka crush mo ko!!" sigaw ko ulit, at hindi siya lumingon. Kaya naka isip agad ang mataba kung utak ng follow up banat.

"Pag hindi ka lumingon patay na patay ka sakin!!" at ayun hindi parin siya lumilingon.

"Ouy patay na patay siya sakin, ikaw ha aminin mo na kasi na crush mo rin ako!" wala akong sagot na natanggap kundi umalis lang siya ng tahimik, kaya ayon nagsimula na naman ang mga bulong bulungan parang mga bubuyog lang!!

"Tibay mo dun ahh hindi na ikaw ang dating chubs na kilala ko!" ani ng lalaki sa harapan ko andito parin ako ngayun sa cafeteria pinagpatuloy ang pagkain.

Sino ba tong lalaking-

"Hala gago kalansay, walangheya laki nang pinagbago mo ahh dati mukha kang palito ng posporo ngayun para ka ng barbeque stick!!" biro ko dito hindi naman kasi totoo yung sinabi kong parang barbeque stick yung katawan niya dahil kung titignan mo ngayun at para siyang model ng Forbes yummy! Pstt marupokpok tumigil ka loyal ka sa nag-iisang Uazeier Villafranca!!

At saka mas macho ang katawan ng bebeloves ko kisa sa kanya, sa braso pa lang eh panalo na!! pa headlock nga!!

"Yeah ako nga ito si Kalansay, dati ang taba taba mo pa ah, ngayun mukha ka nang si peppa" bawi naman nito sa akin

"Wow ano yan pasalubong mo ba sakin yan?" kita ko kasing may box siyang hawak mga chocolates!!

"Syempre, kanino pa nga ba? ikaw lang naman yung swapang dito"

"Yung bibig mo sarap salsalin"ani ko

"Uyy may pa flowers ka pa ahh para kanino yan?" tanong ko

"Sayo yan, lamay mo na kasi sa susunod inadvance ko lang" kaya ayon di na ko maka pag pigil sinakal-sakal ko na!! kakagigil

Kaibigan ko siya, Arcel short for Arcello Haust Valdemor. Bata pa lang ay magkaibigan na kami, siya lagi yung kasama ko sa mga katarantaduhan. Lumipat kasi sila ng Maynila nung grade 7 pa lang kami tsaka ngayun lang kami nagkita ulit matapos ang limang taon. Na miss ko rin tong kumag na to ehh, naalala ko pa noon lagi kaming umuover da bakod para mag laro ng dota.

Well nag lalaro pa rin naman ako ngayun pero minsan na lang wala kasing kasabay eh!!

"kumusta na chubs? na miss kita" sabi nito

"pwes ako, hindi kita na miss" nalukot naman yung pagmumukha nito

"Ito naman biro lang, masaya ako syempre, may chocolates ehh hehe biro ulit" halos sakalin na ako nito sa inis

"Dito kana mag-aara ulit?"

"Fortunately yes and for good na siguro may business kasing aasikasuhin dito si mommy, ohh pinapasabi pala niya, gusto ka raw niyang makita pinaayos niya na yung bahay namin noon ilang taon rin yong walang tao pero malinis na doon ngayun dahil doon na kami ulit titira"

"Ayos yan, lika na kuha mo na ba yung section mo? anong section ka? baka mag kaklase tayo" ani ko

"12-A"

"Ayun! mag kaklase nga tayo"

"kailan ka pala papasok? next week pa ba?"

"yes, sabi nung dean" sagot niya sa tanong ko

"Chubs! una na pala ako may pinapasuyo pa si mommy, give me your cellphone number I'll just message you" ani Kalansay

Agad ko naman yung tinype sa kaniyang cellphone, bakit ramdam kong parang may nakatingin sakin kanina pa, inalibot ko ang ulo ko at na kita ang isang tao, tangina ang talim ng titig sa ni Uazeier! Galit na naman ba to? tungkol ba ito sa leche flan na ibinigay ko sa kanya. Bahala na nga babalik na ako sa classroom baka masabihan pa na nagcu-cutting class.









Under the same skyWhere stories live. Discover now