“Naniniwala ka ba sa parallel world?” Mabilis na napabaling ang tingin ko sa kaibigan nang tanungin niya ’yon.
Tumaas ang kilay sa akin ni Hailey habang nakangiti, tila ba’y abang na abang talaga sa magiging sagot ko.
“Hindi, imposible namang may lugar dito sa mundo para sa ganiyang pantasya.” Sagot ko sakaniya na mabilis niyang ikinasimangot.
Umirap ito sa akin, pinapakita na hindi nagustuhan ang naging sagot ko sakaniya. Parallel World? Ano ba ’yon, kathang isip ng mga tao kung saan nandoon daw ang isang ikaw o may mga ibang nilalang naninirahan doon?
Kung ano man ’yon ay hindi ako naniniwala, purong gawa-gawa lang ’yon at wala talagang katotohanan.
“Malay mo totoo pala, baka nasa tabi-tabi lang ang lagusan.” Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi ni Hailey.
Masyado siyang nagiging delusyonal.
Hindi ko siya masisisi kung bakit naniniwala siya sa mga ganitong bagay. Mahilig ba namang mag basa ng fictional book, na nailalagay na niya sa tunay niyang buhay. Na hindi naman dapat niya gawin. Masyado na siyang nakakain.
Mas lalong humaba ang nguso nito dahil sa pagtawa ko. “Hindi na kita pipilitin. Pero malakas talaga ang pakiramdam ko na totoo ang ganong lugar.”
Nakibit balikat na lang ako at hindi siya pinansin, kasalukuyan kasi kaming nasa bahay ngayon. Bahay ko ang ginawa niyang tambayan at tulugan kapag pagod na siya. Hindi naman ako tumatanggi sakaniya dahil kailangan din niya ng sapat na pahinga.
Tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa malaking salamin katabi ng kama ko. Hindi ko alam kung saan ’to galing, basta ang alam ko ay akin ito. Kulay kayumangging gawa sa kahoy, mukhang luma pero matibay pa.
Hindi ko alam kung anong meron at itong bagay na ’to ang unang pumasok sa isip ko ng tanungin ako ni Hailey kanina tungkol sa mundong pinaniniwalaan niya.
“Vanessa, nagugutom na ako.” Ang akmang paghaplos ko sa salamin ay natigil dahil sa ginawang pag tawag sa akin ni Hailey.
Bumuntong hininga ako at lumapit sakaniya. May inabot naman itong limang daang papel na pera sa akin na kinuha ko ’agad.
“Mag grab na lang tayo,” sabi nito.
Tumango naman ako at sinimulan ng um-order ng makakain namin sa Mang Inasal. Sabay kaming kumain, paniguradong mamayang alas syete pa ng gabi ang uwi niya tulad lang ng dati.
Walang naging ganap buong mag hapon dahil ang pinunta lang naman talaga niya rito ay matulog. Inasikaso ko na lang ang mga kailangang ayusin sa loob ng bahay.
Kinagabihan pag-uwi nito ay mag isa na lang ako sa bahay. May kung ano akong nararamdaman. Tila ba’y nangungulila ako sa isang bagay na hindi ko alam kung ano.
Nararamdaman ko naman ’to pero hindi madalas. Ngayon lang din ako nag taka kung bakit ko ito nararamdaman bigla. Siguro dahil mag-isa lang ako, maaaring na-mi-miss ko lang din ang presensya ng mga tumayong magulang ko.
Napahawak ako sa dibdib nang may hapding humplos doon. Nakaramdam ako ng lungkot sa dahilan na hindi ko alam. Isinawalang bahala ko na lang ’yon at humiga na sa aking kama para matulog.
Umiilaw ang salamin, nakasisilaw na liwanag ang nagmumula rito. Bigla akong napaupo sa pagkakahiga ko dahil dito. Ni hindi ko na rin maigalaw ang binti para sana tumayo at lumayo.
Napapikit na lang ako at kasabay non ang pagkawala ng liwanag mula sa salamin. Unti-unti kong idinilat ang mga mata.
Umawang ang bibig ko kasabay ang pag singhap ng makitang may nakatayo na sa harapan ng salamin habang nakatitig sa akin. Isang matangkad at maputing lalaki, hindi madilim sa k’warto ko kaya kitang-kita ko siya. Ang mapupula niyang labi ay binibigyan ako ng matamis na ngiti.
Parang may kung anong humaplos sa puso ko nang makita ang pangungulila sa mga mata nito.
“Ang tagal kong hinintay na muli kang makita. Mabuti na lang ay hindi ako naniwalang patay ka na, mahal ko.” Lumalapit sa akin ang lalaki habang sinasabi ang mga ’yon.
Kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya kahit madali lang naman iyong maintindihan.
Malakas ang pag tambol ng puso ko, kulang na lang ay kumawala ito sa dibdib ko. Marahan ang pag atras ko sakaniya. Kinakapa ko ang sariling ala-ala, pero hindi ko mahanap ang lalaking nasa harap ko.
Bumulagta ang gulat sa mga mata niya dahil sa ikinilos ko, kaya napatigil ito sa paglapit.
“Sino ka?” Puno ng pagtataka kong tanong.
Kasabay ng pag tanong ko ang pagkita kong kumislap ang mga mata niya dahil sa lungkot. Umilaw ulit ang salamin at parang may pwersang humila sa lalaki papasok dito.
Sa huling pagkakataon ay nakita ko ang pag tutol sa mukha niya. Nakaamba pa ang kamay niya sa pag-abot sa akin.
“Babawiin kita.”
Habol hininga kong naimulat ang mga mata. Mabilis akong napaupo at tumingin sa salamin. Nakahinga ako nang maluwang nang makitang wala namang bago rito.
Nang dahil sa tanong ni Hailey ay kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko. At talagang hinabol pa ako nito hanggang sa pag tulog.
Bumuntong hininga ako at napatingin sa bitnana, umaga na pala at sikat na sikat na ang araw, napsobra pa ata ang tulog ko.
Muli kong sinulyapan ang salamin na nasa kwarto ko, parang totoo sa pakiramdam ang nangyari, ngunit. . . panaganip lang pala.
BINABASA MO ANG
Glitching Memories
Romance: ̗̀➛ "nais mo bang matikman ang iyong mga nakalimutang alaala?"