01

18 3 0
                                    

Shoot

"Lauv, what was that?" Kausap sa akin ni Mayi nang umalis na ang mga kliente. Kaming apat na lamang ang natira sa conference room at lahat sila ay nakapalibot sa akin.


"What do you mean?" Sagot ko naman dito hindi alam ang dahilan. 


Shems! Ngayon lang ata nag sink-in sa akin ang pinasok kong trabaho. We'll be creating a freaking billboard within a week! It usually takes 2-3 weeks to accomplish it but I agreed to finish it within a week! What a dummy!


"Anong what do you mean Lauren ha? A billboard takes weeks to finish! Yet you agreed to finish it within a week? Ano namang pumasok sa isip mo at tinanggap mo agad ang trabaho." Giit naman ni Gwenn.


"Lauv ano nga bang nangyari sayo at pumayag ka agad? We could've consulted first." Tanong naman ni Walter.


"Okay, first I'm sorry! Ngayon ko lang na-realize kung gaano pala kalaking project ang billboard." I pursed my lips, feeling guilty.


"Buti knows mo," singit ni Gwenn.


"Pero hear me out, okay?" I pleaded.


"Siguraduhin mo na maganda ang dahilan mo Lauren Velle, kundi mahahampas talaga kita!" Nagtatampo na sabi ni Mayi.


"Bayolente talaga 'to eh," pang-aasar ni Walter. Ayan sumagot pa si gago, siya tuloy ang nahampas.


"Kalmahan niyo naman, so ito na nga. Kanina kasi, I've felt na parang minamaliit tayo nung kliente natin eh—"


"Ay alam mo oo nga!" Singit na naman ni Gwenn.


"Sandali lang naman boi 'di pa nga tapos eh," sinamaan naman ng tingin ni Gwenn si Walter ngunit dinilaan lang siya nito.


"Oh so 'yun na nga, it felt like he's belittling us, na parang hindi nating kakayanin ang gagawin. Pwes. kayang kaya natin, 'diba?" Nginitian ko sila.


"Yun naman pala. Pero alam mo Lauv... tangeks sa part na 'yun," nahampas ko tuloy si Walter sa balikat dahil sa sinabi niya. 


"Aray! Hoy, yung muscles ko napipisa na dahil sa kakapalo ninyo sa akin!" Ayan na naman siya, nagreklamo pa nga.


"As if naman may muscles ka talaga." Pamababara ni Gwenn habang naiirita sa katabi niya.


"Luh, flex ko pa sa'yo eh!" Habol pa ni Walter.


"Tse," pagkatapos ay inirapan pa ni Gwenn ito.


"Tama na nga kayo, ang gugulo eh. Pag-untugin ko kayong dalawa dyan," Napabuntong-hininga naman si Mayi.


"Okay, may point naman si Lauren pero hindi sa lahat ng oras ganyan ang gagwin natin ha. HIndi madali mag-trabaho. Pero right now, mag-focus muna tayo humanap ng paraan para matapos ng mabilis 'yang billboard na 'yan." Mahinahong saad ni Mayi. I'm lucky to have her... to have them.

Indescribable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon