Dates
"Guys, hindi pa ba kayo antok? Ang dami ninyong tinapos na works kanina ah," saad ko sa kanila pagkatapos magpunas ng mukha.
Katatapos ko lang kasing maghilamos at mag-toothbrush. Kaya naman nagtungo na ako sa kwarto.
Umupo ako sa aking kama at sumandal sa headboard. Isinuot ko ang aking salamin at muling napatingin sa aking telepono. Dalawang oras na rin kasi kaming apat na nasa video call.
[Hindi pa, feeling ko nga, may nagbabago na sa'kin eh,] sagot ni Gwenn habang nakadapa sa kaniyang kama.
[Ano namang nagbago sayo? Bumabait ka na? Bago nga 'yun!] Nang-aasar naman na saad ni Walt habang nagluluto ng kaniyang hapunan.
Bilib din ako dito, dis-oras na ng gabi tsaka lang kakain. Hindi pa nagm-mute ang ingay tuloy.
[Ulol, kung ikaw nga walang pinagbago eh, pangit ka pa rin! Tsaka mag-mute ka naman boi, rinig namin bawat ingay mo eh,] pambabara naman ni Gwenn dito.
Sinungitan naman siya ni Walt. [Sus, mukhang wala namang pinagbago eh. By the way pala guys, nag-luluto ako now ng Tofu Sisig.]
['Tong dalawang 'to ang hilig mag-away, siguro gusto ang isa't isa 'no?] Inasar pa ni Mayi ang dalawa kaya mas lalong umasim ang mukha ni Gwenn.
[Pre naman baka kidlatan ka sa mga sinasabi mo, tsaka diko yan type 'no! Lagi ba naman akong binibira, anong klaseng kaibigan ka!] Umaaktong nasasaktan pang sabi ni Walt.
[Luh, 'di yan pasok sa standards ko no! Ang pangit kaya niyan,] laban ni Gwenn.
[Nakakasakit ka na ah,] si Walt.
[Tse,] pangbabaliwala ni Gwenn sa sinabi ni Walt.
Napatawa nalang kaming dalawa ni Mayi sa kanilang mga sinabi. In fairness may chemistry nga.
Ang naaalala kong pagkakakilala naming apat ay noong third-year high school kami dahil nag-aral kaming apat sa iisang eskwelahan. Si Mayi at si Gwenn ay childhood best friends kaya matagal na silang magkakilala at kaya sila ang palaging magkasama, habang kami naman ni Walter ang mas close dahil palagi kaming magka-section.
Naalala ko pa noong intrams sa school namin, may muntik nang tumamang bola ng volleyball sa akin at buti nalang ay dumaan ni Walt sa akin ng hindi sinasadya, sa kaniya tuloy tumama yung bola. Tinulungan ko siya kaya ayun naging magkaibigan na kaming dalawa.
"Tama na nga kayong dalawa, ikaw Walter kumain ka na dyan," sabi ko dalawa.
[Mabuti pa nga,] pagsang-ayon ni Mayi.
[Ay! Oo nga pala, may chika ako sa inyo guys!] Parang kinikilig sa sabi ni Gwenn.
"Ow, what's up! I-spill na yan," sabi ko pagkatapos uminom ng tubig mula sa aking bedside table.

BINABASA MO ANG
Indescribable Feelings
RomanceTangled in indescribable feelings, Lauv just got too much on her plate. Work, work, and life. She thinks that maybe she's settling too much on her career, maybe it's time for a change? Not sure of this so-called 'change' she's talking about, she goe...