Chapter 3

6 1 0
                                    

GRADUATION DAY

Hindi na nga talaga nagpakita sa amin si Johannah, walang iba na nakakaalam sa nangyari. Ang pamilya ni Reyster at ako lang ang may alam, hindi rin mahanap ang ibang pamilya ni Johannah para sa kaso. Ang gusto ni Reyster, hayaan na lang daw dahil kahihiyan pa. Pero gusto i-pursue ng magulang niya ang kaso.

Bakit kaya ganon? Kung sino pa ang biktima, sila pa ang makakaisip ng kahihiyan? Pero 'yong mga taong gumawa ng kalokohan, sila pa ang mga walang kahihiyan sa mukha.

Hiling ko lang na nasa maayos na lugar at nakakakain ng tama si Johanna. Dahil sa oras na hindi na niya iyon nagagawa, kunsensya na niya ang magdadala sa kaniya sa tamang landas.

Nakatayo ako sa pilahan, pangalawa sa unahan. Lahat ng kaklase ko, may mga magulang na kasama, samantalang ako ay wala. Pinagtitinginan ako ng mga ibang magulang, nagtatakha kung nasaan ang sarili kong guardian. Bumuntong hininga ako, saka nakayukong sumunod sa paglalakad para umakyat sa stage. Umpisa pa lang ng ceremony, mabigat na agad ang pakiramdam ko.

May pagbabago ba, kung sakaling nandito si Mama?

Bukod sa wala na si Johannah, naroon din ang pangamba ko na mapahiya sa lahat ng estudyante. Ako lang ang walang magulang sa importanteng event sa buhay ko, nakayulo lang ako simula pagdating sa school. Lahat sila ay inaayusan ng mga magulang, samantalang ako ay pasimpleng sinusuklay lang ang buhok, natural na kulot ang buhok ko na bumagay sa akin, kaya hindi na kailangan ayusin. Pinahiran lang ng kaunting make-up ni Erise ang mukha ko kanina, bago siya umalis papuntang trabaho. Pero nahulas na iyon bago pa ako makarating sa school, dahil sa mga luha ko sa daan.

Naiiyak na naman ako, kaya pinalibot ko na lang ang tingin sa lahat ng mga estudyanteng naroon at masayang kinakausap ng magulang.

Iniisip ko na lang, kapag nagkaroon ako ng pamilya. Aksidente man o planado, hinding-hindi ko ipaparanas sa magiging anak ko ang pakiramdam na ganito. Sisiguraduhin kong hindi nila mararamdaman, ang sakit na galing sa magulang.

Matapos ang pagpapakilala sa amin sa stage, nagsimula na ang ceremony na pinangunahan ng prinsipal namin. Sumunod ang Host at ang kasunod ay ang pinaka-ayaw kong mangyari sana.

Ako ang susunod na magsasalita, dahil ako ang salutatorian. Mabuti na lang, dalawang page lang ang babasahin ko. Hindi kagaya ni Rhianna na, umabot sa sampong page ang babasahin niya.

"Good afternoon everyone," pagbati ko sa simula. Kabisado ko ang lahat nang nakasulat doon, kaya hindi ko na kailangan basahin ang papel.

Pinalibot ko muna ang tingin sa buong hall, kung saan mas marami pa ang mga audience kaysa ang gra-graduate. Umaasa pa rin ako na sana, naroon ang inaasahan kong tao na gusto kong makarinig ng speech ko. Pero bumagsak lang ang balikat ko, dahil wala roon si Mama.

Wala ang dahilan, kung bakit ako nagsusumikap mag-aral ng mabuti.

Umakyat ako nang paulit-ulit sa stage, nang walang kasama. Ang matatanggap kong medalya ay nasa dose. Kahit ang mga teacher, hindi ako sinubukan samahan sa pag-akyat.

Nasa panglabing-dalawa na at ito na 'yong huli, nasanay na siguro ang mga tao na wala akong kasamang umaakyat kaya naman hindi ko inaasahan na may tatabi sa akin bigla sa paglalakad.

Narinig ko 'yong mga bulungan, pero mas nakakaagaw ng pansin ang hiyawan ng mga lower grades, mostly 'yong mga kaklase niya.

We were walking at the aisle, hindi ko alam anong trip niya at sinasabayan ako nitong maglakad ngayon. Pero umangat ang kaguwapuhan niya ngayon, nakasuot siya ng poloshirt na black, black jeans siya at off white shoes. Bumagay sa kaniya ang silver na relo, na sa pagkakatanda ko ay regalo ng kapatid niyang si Rhianna.

Solemn in your arms (Reyster Yton)Where stories live. Discover now