Prologue

38 1 0
                                    


Prologue

“Ready. .” 

Ang may kaliitang boses ni Barbs ang nagpabuhay sa tenga ko.

“Get set. .” she added. 

Hinigpitan ko ang hawak sa handle ng wheelchair, bahagyang nakaposisyon para sa panghuling hudyat.

“Ready ka na?” sinulyapan ko ang nakababatang kapatid.

Lumingon siya sa akin, nginitian ako nang matamis. “Handa na, ate.”

I smiled back and nodded.

Dumapo ang paningin ko kay Kreece na handa ang posisyon. Ang kanyang kamay ay nasa ibaba bilang suporta sa nakayukod niyang likuran habang ang isang tuhod ay nakalapat sa lupa.

Nilakihan ko nga siya ng mata dahil pakiramdam ko ay may balak siyang sirain ang napag-usapan.

“Go!” sigaw niya na kasunod ng pagtunog ng laruang baril.

Marahan kong sinimulan na pagalawin ang wheelchair habang ang tingin ay nasa daan. Sa gitna ng karera at saglit kong pinapasadahan ng tingin ang kapatid na napapapalakpak sa  tuwa. That sends warmth in my heart. 

“That's a very good start as Sinag Almonte has been consistent. She really has a full-speed run!” Barbs pretends to be an announcer while reading the script I created earlier.

“Malapit na tayo, ate!” she pointed to the finish line meters away from us.

Tanaw ko sa kalayuan ang finish line na minarkahan namin gamit ang chalk. Mayroon din flag sa gilid, ninakaw ko sa ipon na tela ni Raya.

“Ang galing talaga ng Sinag namin!” I cheered, persistently pushing the wheelchair. 

Maingat ang aking pagtakbong tinutulak ang wheelchair para maunahan si Kreece na seryoso ang pagtakbo. Malumanay iyon at may kabagalan gaya ng pinag-usapan.

“They are starting now in a good turn! Sinag is consistent—ano ‘to?” kumunot ang noo ni Barbs sa binabasa. “Ah, basta ang galing mo! Si Kreece ay nahuhuli pa rin, nakakakain na kaya si player from biscuit land?”

Nakasunod lang namin si Barbs hanggang sa inunahan niya na kami roon sa finish line. The truth is, the line is near to us. Kaya ko ‘yon takbuhin sa loob ng kinse segundo pero dahil dahan-dahan lang kami ay tumagal ang pagtakbo.

“Nag-unat ako!” Kreece shot back, still running.

“Ang bagal naman ni Kreece from biscuit land!” Barbs teased, while laughing.

Kumibot ang gilid ng labi ko ngunit agad ko rin napigilan ang pag-alpas ng tawa. Mamaya ko na lang tawanan.

“Full speed mo na ba ‘yan?” I teased too, smirking.

Sumama yata ang timpla ng lalaki dahil sa puntong ito ay mas binilisan niya ang takbo. Kinabahan ako kaya nagseryoso ako.

“And now for the win win. . . ! This is exciting!” Barbs is explaiming. 

“Hoy, Kreece!” I shouted as he already passed us by. “Bagalan m—” pinigilan ko ang sarili dahil baka marinig ng kapatid ko.

Lagot sa akin ‘to mamaya. Ang sabi ko ay papatalo siya, e!

“And the winner, Kreece Laurence Salazar,” Barbs rolled her eyes in annoyance.

We never expected this dahil lagi siyang nagpapatalo. Napahilamos ako ng mukha dahil sa sa ginawa ng lalaki. 

“Talo tayo!” bumadyak ako sa lupa nang lumapit na kami sa finish line.

I flipped my braid hair as it swayed it on the back of my shoulder. 

Miles Towards the Horizon (Trip to Paradise Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon