“ sana panaginip lang lahat ng ‘to. ”
-dukePrologue
Nakita ko si duke sa mall, naghahanap pala siya ng singsing na babagay sa mapapangasawa niya.“ duke ! ” tinawag ko siya, lumingon siya at lumapit sa’kin.
“ oh pandak ano ginagawa mo dito? ” tanong ni duke sa’kin.
“ natatae ako eh dito ako tatae ” biro ko sakanya. tumawa naman siya at hindi ko mapigilan sarili ko na titigan siya kasi mas pogi siya pag naka ngiti.
“ siraulo ka talaga ” sabi ni duke, binatokan ko siya at tinulak.
“ malapit ka na pala ikasal no? ilang araw nalang binata na rant buddy ko ” sabi ko
“ punta ka ha? ikaw kakanta sa kasal ko ” sabi niya at naka-akbay sa’kin.
“ oo naman, hindi ako mawawala sa kasal mo no ” sabi ko at ngumiti sakanya.
“ the best ka talaga, tara ililibre kita ng paborito mong ice cream gusto mo yon ‘diba? ” sabi niya
“ ayoko, ayokong tumanggi ano tara na ! ” sabi ko. excited ako eh fav flavor ko sa ice cream ay strawberry.
Bigla niya akong binatukan kaya naghabolan kami papuntang park kasi malapit lang naman, pagkarating namin sa park ay pumunta muna kami sa may duyan dahil napagod kami kakatakbo.
Mga ilang oras ay tumayo siya para bumili ng ice cream yung nasa cone hulaan niyo ilan binili niya para sa’kin, tatlo oo tatlo nga shuta kala mo naman sobrang takaw ko, isa lang binili niya para sa sarili niya tas nung lumapit siya sa’kin pinahid niya sa mukha ko yung ice cream yan tuloy naghabulan na naman kami na parang bata: )
Napagod ako at biglang sumakit yung dibdib ko, nahirapan din ako huminga hindi ko alam kung ano gagawin ko.. ayokong maabala siya kaya nagpaalam na agad ako sakanya at umuwi....
YOU ARE READING
THE LOVE THAT WE CAN'T HAVE
Random" You'll be in my 7 minutes, Duke. Until my last breath‚ I'll never forget how my heart loved you at 8.