Pov ni Aurelia:
“ Aurelia Stelliana Vera ”
“ yes ma’am? ” sagot ko, oo ako si aurelia pero tawag nila sa’kin Liana. I’m the class president na palaging late, hindi ko naman ginusto na maging president sadyang bida bida lang talaga mga classmate ko at ako ang itinulak nila bilang president, galing noh? okay lang naman sa’kin na maging president ng pinas pero hindi dito sa mga gunggung kong mga kaklase. Kakaiba talaga humor ko simula bata pa tarantado na talaga ako^^
“ may bago kayong kaklase si Brianna Lucia Lopez, at gusto kong i tour mo siya sa buong campus. ” AKO?! ako na naman tamad nga ako lumabas tas ako pa mag t-tour sakanya at SA BUONG CAMPUS PA! jusko naman umagang nakakairita, sana hindi madapa si Ma’am Castro.
“ okay po ” nakakahiya naman tumanggi ‘diba.
“ hi, i’m brianna and you are? ” naknampota englishera pala, pag talaga hinamon kita ng englishan maiyak ka.
“ hello bri, i’m aurelia.. uhm aurelia stelliana vera ” eto na naman tayo sa plastikan hehe.
“ uhm let’s go? ” sabi ko, ehe english yan ha.
“ okay ” sabi naman ni brianna at nag smile sa’kin, parang mabait naman siya kaya nakipagkwentohan ako sakanya.
Pagkatapos ko siyang i tour ay nilibre niya ako sa cafeteria, confirmed mabait nga siya kaya naging kaibigan ko siya.
“ so mag bestfriend na tayo? ” tanong ni brianna sa’kin.
“ oo naman, bakit naman hindi ” binigyan ko siya ng matamis na ngiti baka ayaw niya sa maasim HAHAHAHAHA.
“ sabay tayo umuwi later ha ” sabi ni brianna
“ sige ba ” sagot ko.
Hiningal ako kanina pa nung ni tour ko siya and sumikip dibdib ko pero hindi ko naman ipinahalata sa kanya baka magtanong kung anong nangyari sa akin
Uwian na at nag kasabay nga kami umuwi puro lang naman daldal ang ginawa niya, naikwento niya pa ang mga nangyari sa buhay niya mukhang nag lelecture siya dito sa daan dahil lang sa talambuhay niya. Inabutan na kami ng gabi at natapos na din ang mala mmk niyang kwento. Nakauwi na siya at heto ako nasa bus station pa din nag-aantay ng masasakyan.
“ umulan pa nga, malas hays. ” ako na kinakausap ang hangin.
May bus na at sumakay na ako, uupo na sana ako kaso may matanda na nakatayo kaya siya nalang pinaupo ko at eto ako nakatayo.
Nakauwi na ako at sinalubong ako ni mommy ng mahigpit na yakap, hindi ko alam kung bakit siya excited pinabihis niya muna ako bago niya ako sasabihan sa balita niyang ewan hindi ko alam.
YOU ARE READING
THE LOVE THAT WE CAN'T HAVE
Random" You'll be in my 7 minutes, Duke. Until my last breath‚ I'll never forget how my heart loved you at 8.