37 ִִֶֶָָ࣪☾. narration

48 9 0
                                    

Zephanie Lynn

Maya-maya pa ay nakita ko si mama na pumasok galing sa labas.

"Oh, ba't nandito na kayo agad hijo, hija?" Tanong ni mama habang dala-dala ang mga pinamili niya sa malapit na 7/11 sa amin.

"Good afternoon po, Tita. May nakalimutan daw po kase si Lysander." Sagot ni ate Fiona kay Mama.

"Hay, talagang batang iyon ay makakalimutin." Napabuntong hininga si mama.

Pagkatapos ng ilang minuto ay narinig ko ang ingay ng doorbell sa labas ng bahay na'min.

Mukhang nandito na sila Quilla.

Sakto rin at hindi pa umaalis sina kuya.

Dali-dali akong pumunta sa labas para buksan ang gate at nakita ko sila Tita Ally at si Quilla.

"Good afternoon Tita Ally" I hugged her

"Good afternoon rin hija"

Pagkatapos ko silang i greet ay niyakap ko naman si Quillla.

"Tara dali uy," hinawakan ko ka agad ang wrist ni Quilla at naglakad papasok ng bahay.

"Wait nga lang! Bakit parang nagmamadali ka, Zeph?"

"Bumalik ulit si kuya. May nakalimutan daw." Bulong ko sakaniya.

Napansin kong parang umaliwalas ang kaniyang mukha. Sabagay, ganiyan rin naman ako pagdating kay ano. Hehe.

Nang makarating kami sa sala ay naroon pa rin sila Kuya Adonis na naka-upo sa couch habang nagkukuwentuhan. Mukhang nagstay pa yata sila ng sandali.

"Hi, Primrose. What's up?" Nagsalita si Kuya Adonis ng mapansin niya kami.

"Hello po, Kuya Adonis." Quilla greet politely.

"No need to be formal. Just call me Adonis." Sabi niya.

"Ah pero mas matanda ka ho ng ilang taon-"

"It's fine."

"Hep-hep, pagdating sa'kin ginagawa mo akong bata Kuya Adonis ha." Reklamo ko naman.

"Bata ka pa rin naman talaga, Zeph."

"Pero magkasing-edad lang kami ni Quilla eh?"

Napakamot nalang sa batok si Kuya Adonis at narinig ko namang tumawa si Kuya Dave sa gilid niya.

"Hayaan mona. May ano kase yan
kay-" hindi pa natatapos ang sinasabi ni Kuya Dave ng tumahimik siya dahil si Kuya Adonis ay sinamaan siya ng tingin.

"May ano utang ha-ha. What i mean is may utang siya kaya parang nakalimutan niya ang edad niyo dahil doon."

Binatukan naman ni Kuya Adonis si Kuya Dave. "Tamo manahimik ka nga." Inis na salita niya.

Si Quilla naman ay tumatawa sa gilid ko nang may narinig kaming nagsalita sa likuran.

"What's going on here?"

Napatayo naman ng tuwid ang dalawa habang si Ate Fiona ay humalakhak ng mahina.

Akmang magsasalita si Quilla ngunit nagsalita agad si Kuya.

"Tara na, magpapaalam lang ako kay mama." Sabi ni Kuya.

Napansin ko naman na bumagsak ang balikat ni Quilla at mukhang dissapointed.

Nagpaalam na siya kay mama na nasa kusina kasama si Tita Ally na nagkukuwentuhan ng kung ano-ano.

"Sige mag-iingat kayo, anak."

"Opo, mama." Sagot ni Kuya at bago umalis ay hinalikan niya ang noo ko.

"Bye, lil sis."

Lumingon rin siya kay Quilla at ngumiti at lumitaw ang dimple niya sa pisngi. Aba-aba, nagpapa pogi points pa yata.

"Goodbye, Primrose."

Kinawayan ko naman sila na papaalis na. Pagka-alis nila ay napansin kong tahimik si Quilla sa gilid ko habang ang mga tenga at pisnge ay pumupula. Wait tama nga ba ako?

"Shocks, kinikilig ka ano?" I teased her.

"Shuushh," tinakpan niya ang bibig ko pero tinawanan ko lamang siya.

"Mukha kanang kamatis HAHAHAH" pang-iinis ko pero hinabol niya ako at tumakbo ako sa hagdan.

"Hala joke lang! Sis 'wag!" Sabi ko sabay tawa at habang tumatakbo.

"Halika rito. Kakalbuhin kitang babaita ka!"










I Got A Wrong NumberWhere stories live. Discover now