Chapter 2
Akala ko kaya ko pero first week pa lang parang pinagsasakluban na ako ng langit at lupa. Parang kinakaya ko na lang lahat. Iyong tipong nagpapanggap na lang ako na kaya ko para kina mama... para sa degree.
G*go! Hindi ako nainform na ganito pala ang college.
Parang ayoko na.
Grabe naman! Free trial pala talaga iyong senior high eh.
Nang dumating ang sabado ay parang ayaw ko pumasok. Iniisip ko pa lang na makikita ko na naman si sir parang ayaw ko na.
Ba't ba kasi nauso ang pasok tuwing sabado? Wala nito noong junior high eh.
Pogi siya pero kapag nakikita ko siya ayaw ko natatanaw niya ako at naaalala ko lahat. Mahina ako sa mga ganitong bagay. Iyong mapahiya. Kaya nga napapaisip ako. Kaya ko kaya ang course na pinili ko? Di na rin kasi talaga ako sure eh!
Aabot ba ako sa internship? Kasi grabe naman na ito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Hail na naabutan ako na nakaupo na sa covered court dahil dito ang usapan namin. "Tulala ka ata, Palm?"
Bumuntonghinga ako saka medyo umayos ng upo.
"Kaya ko ba ito, Hail? Sa tingin mo kaya makakasurvive ako?" tanong ko kahit parang hindi bagay para sa akin ang ganitong pagtatanong. Dinaig ko pa ang babae.
"Palm, kaya mo iyan! Kung nakaya nila which means may way ka naman para makayanan mo! Tsaka kung hindi mo kaya ikaw mismo ang aayaw! Wala namang masama itry! You can shift naman if you want kapag second sem eh."
Tumango ako saka ngumiti ng tipid.
Talaga ba? Magagawa ko ba? Tanggal angas ko sa course na ito.
"Zette! Dito!" Napalingon kami sa bagong dating. He's wearing a white t-shirt and a black jogging pants. A white pair of sneakers while wearing a head phones. "Pogi mo diyan ah!"
Natawa siya bahagya. Katabi lang namin ang tumatawag sa kaniya. Pati si Hail ay talagang napopogian kay Zette kahit sa tingin niya ay hindi ito magkakagusto sa babae. Ewan ko sa kaniya... malakas daw pang-amoy niya.
Soft siya tignan. Maputi at dinaig pa ang babae sa linis. Kita ko lang na maalaga siya sa katawan dahil na rin sa kutis niya maging sa makinis niyang mukha.
Mukha siyang hindi lalaki.
Hindi namin siya kaklase totally. Iba ang major niya dahil galing siya sa English. Sama-sama kami kapag sa prof ed at gen ed maging sa PE at Nstp dahil hindi kami ganoon karami.
Mukha rin na galing sa mayaman na pamilya si Zette sa mga suot pa lang nito kaya nagtataka kami na dito siya pumapasok.
"I followed him. Grabe ang IG niya, Palm! Mukha siyang model ng mga damit! He's giving a model vibe! Pero mukhang trip niya lang naman. Wala naman endorsement eh."
Iba rin itong si Hail. Kahit nga IG ko kinuha niya rin kaso hindi naman ako pala-post. Siguro 4 lang posts na nandoon. Kajejehan kaya dapat ko na idelete iyon.
For my eyes only ko lang kasi iyon.
Nang dumating si sir Miah ay lahat kami umayos ng upo. Medyo sa tago ako naupo. Ayaw ko masyadong expose kay sir. Nakakahiya pa rin. Hanggang sa mamatay ata ako hindi ko iyon makakalimutan eh.
"Excuse me. May nakaupo na?" Napaangat ako ng tingin kay Zette. Umiling ako saka ngumiti ng tipid. "Pwedeng makiupo?"
Nakiusyuso si Hail sa amin na nasa kabilang tabi ko. Tumango naman ako bago siya naupo at nagthank you kaya naman itong katabi ko parang nabuhusan ng asin.
![](https://img.wattpad.com/cover/372259339-288-k933408.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)
RomanceBL story Posted: July 3, 2024 x acc: @hazziesssss tiktok acc: @hazziesssss Picture: © JoongDunk's hand