Prologue

673 14 1
                                    

Prologue

Enrollment pa lang pagod na ako. Yes! Hindi ko inaakala na ganito pala sa college. Naculture shocked ako ng sobra. Aba malay ko ba na ganito ito. Hindi naman ganito ginagawa ko sa high school at senior high. Si mama pa nga nag-eenroll sa akin eh. Ngayon ako lang mag-isa.

Tanggal angas kapag mukha akong tanga kasi wala pa akong idea.

Pash*t! Dapat sinama ko si mama.

After ko makapasa sa college admission test ay tuwang-tuwa pa sina mama. Magpatuloy na raw ako. Samantalang ako ito mukhang walang plano sa buhay. Walang pangarap.

Kailangan namin ng police clearance, medical certificate, pictures na 1x1 at 2x2, grades noong senior high. Syempre bago ka makakuha ng police clearance kailangan mo makakuha ng baragay clearance at cedula at lahat ng iyon may bayad pa. Sa ibang school nagulat pa ako dahil mas madami pang requirements iyong tipong may drug test at kung ano-ano pang test. Mabuti na nga lang kung may pera kami. Kaya nga ako nagcommunity college kasi wala kami pera. Pero gusto nina mama na magkadegree ako.

Dakilang tambay kung baga.

Basta sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay enrollment pa lang pagod na pagod na ako. Parang ayoko na. Ayoko sa stressful na buhay kaso iwan ko ba bakit educ napili ko. No choice. Pagkakuha ko ng form sa registrar ay nagfill up na ako. Sa dami ng copy ng matriculation form pagod na pagod kaagad ang katawang lupa ko. Halos 6 ata copy iyon.

Kulang na lang magtanong na ako kung wala ba silang printer?

Kung kasama ko si mama baka sinabihan na akong napakareklamador ko. Sana pala sinama ko talaga si mama.

Pwede ba magdala ng nanay sa enrollment sa college?

Tumingin ako a paligid at halos lahat busy. Ang boring wala akong kausap. Ikamamatay ko.

Madaldal naman ako depende sa tao.

"Excuse me."

Nagulat pa nga.

"Po?" Itinuro ko pa ang sarili ko.

Tumango siya at may matipid na ngiti. Ang puti ni kuya. Mukhang hindi nasisinagan ng araw. Ganyan din ako eh kaso nabilad ako ng halos isang linggo sa requirements na inipon ko para lang makapasok sa school na ito.

Maputi. May makapal na kilay. Medyo masungit kung titignan pero ang hinhin naman. Pati boses niya ang ganda sa tainga. Matangkad. Medyo nakababa ang buhok para nagmukhang bangs. Sikat ba na hairstyle sa South Korea ganoon ang atake.

"Ay bakit po, kuya?" tanong ko pa.

Lumabas na lang bigla sa bibig ko ang salitang kuya. Hindi ko alam paano siya iaddress.

P're ba?

"Kuya?" pabalik niyang tanong.

Mas nagulohan ako dahil hindi ko nakukuha ang ibig niyang sabihin.

Patanong ba?

"Kukuha ako ng tubig. Excuse me." Pagtingin ko sa may likuran ko nandoon ang water dispenser.

Gusto ko na magpalamon sa lupa.

Baka hindi talaga para sa akin ang pagcocollege. Ang dami-dami ko ng kamalasan. Pero in fairness may porma si kuya. Ang hinhin nga lang gumalaw. Parang takot makabasag pinggan.

Maputi. Siguro mga 5'9 or 6'0 ang taas kasi ako 6'1. Mas mataas pa rin ako sa kaniya. Alagang basketball ata ito sa liga sa barangay namin.

"Kuya, pwede magtanong?" tanong ko. Tumango naman siya. "Pagkatapos ko ito mafill-up-an saan sunod?" tanong ko.

Love Me Like U Do (Chalk & Heartstrings Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon