'unwanted love affair ' (21-26+epilogue)

2 0 0
                                    

CHAPTER 21

Mara’s

AKO naman ang nagtanong, ewan ko ba kung bakit gulat na gulat ako sa sagot ni Gabriel sa akin. Nagulat ba ako dahil sa sagot niya, o nagulat ako kasi diretsahan ang sagot niya sa akin, walang ligoy, walang paliwanag, basta sinabi niyang oo, gusto niya ako. Ni hindi siya kumurap nang sagutin niya ang tanong kong iyon. Ngayon, nasa akin na ang bola, ako na ang sasagot, at mukhang naghihintay talaga siya, anong sasabihin ko? Gusto ko ba si Gabriel?

“You cannot tell me that you don’t like me, Mara, nagpahalik ka sa akin.” Mayabang at siguradong – siguradong wika niya. Titig na titig naman ako sa kanya. Itinaas niya iyong dalawang daliri niya para bumuo ng number two. “And that’s twice Mara. That counts, so, you cannot tell me you don’t like me because that would make you a liar.”

“Alam mo napakayabang mo kamo! Por que nagpahalik sako sa’yo, aasta kang ganyan, paano kung napilitan lang ako!”

“I clearly asked you that if you want me to kiss you, say yes and you did say yes, Mara. Both times. Ako iyong tipo ng lalaki na hindi nanghahalik nang walang permiso. I don’t force things to happen. I make them happen.”

Halos mamula ang buong pagkatao ko sa narinig ko. Bigla kong naisip na oo nga, nagtanong nga pala siya at oo, sumagot ako ng yes at ninamnam ko bawat haplos at hagod ng labi ni Gabriel sa akin. I liked the feeling of our lips colliding with each other, masarap sa pakiramdam. Oo, hindi niya rin ako pinilit, sa mga pagkakataong iyon, alam kong gusto ko ang nangyayari. Hindi nga ako pwedeng tumanggi. Oo, gusto ko rin si Gabriel pero naiisip ko rin na wala kaming something in common.

“Umuwi ka na. Gusto man kita o hindi, akin na lang iyon. Saka ano pa bang pakay mo? We don’t have something in common, this will never work.”

“We share the same marriage certificate. That is enough.”

Muli na naman akong namula. Wala talaga akong masabi kay Gabriel. Diretso siya magsalita, walang ligoy, direct to the point. Tinalikuran ko na lang siya para bumalik sa kusina. Wala akong panlaban kay Gabriel ngayon, maaga pa, tulog pa ang kalahati ng brain cells ko, hindi ko siya mababara. Hindi ko alam kung umalis na siya kasi pagkatapos kong magkape ay pumasok na muli ako sa silid na tinutulugan namin ni MyraE para humiga mula. Nakaidlip ako, nagising lang ako ng mga bandang alas diez ng umaga, naisip kong kailangan ko nang bumalik sa pagtatrabaho kaya agad akong naligo. Wala na si Myra sa tabi ko, malamang lumabas na iyon.

Suot ko lang ang simpleng blusa at pantalon. Mamaya ay papatungan ko rin naman ng lab gown iyon. Hindi ko alam kung may bangkay sa loob na eembalsamo ko o baka naman may susunduin kaming bangkay sa morgue. Kailangan kong i-check muna bago magsimula ang araw ko.

Paglabas ko ay nakita ko agad si Papa na kausap si Gabriel. Hindi pa pala umaalis ang loko. Napansin kong may hawak siyang plano tapos si Papa ay nagsasalita. Nilapitan ako ni Ate Sonya kaya nawala agad ang atensyon ko sa kanilang dalawa, may pagkarot pa sa singit iyon kaya napasigaw ako.

“Napakagaga mo! Asawa mo na si Gabriel, pero pinahihirapan mo pa!”

“Aray naman, Ate Sonya!” Sabi ko sa kanya habang palihim na hinahaplos ang singit kong may injury na. “Masakit no!”

“Araw – araw mo siyang papuputahin rito, Mara?” Tanong ni Baby Girl sa akin. “Hoy, Mara, hindi ka masyadong kagandahan, h’wag kang pahirap sa buhay ni Gabriel.” Nanlalaki talaga ang butas ng ilong ko. “Ikaw na nga ang sinusuyo ni Gabriel tapos CONSUNJI pa siya, masyado ka naman yata!”

“Heh! Tigilan ninyo nga ako!” Inis na inis na iniwanan ko sila, napalakas yata ang sigaw ko kasi noong lingunin ko sila Papa ay nakatingin silang dalawa ni Gabriel sa akin. Inirapan ko lang ang huli tapos ay pumasok na ako sa punerarya. Dumiretso ako sa opisina at doon, ni-check ko ang mga inventory noong wala ako. Okay naman ang punerarya, wala namang pagbabago, may patay palang nakaburol ngayon sa room C, may apat na bangkay sa loob ng morgue namin at may schedule ng sundo ngayon sa morgue ng ospital. Tinawagan ko si Junnie para sabihing siya na lang ang magpunta ng ospital, sisimulan ko na kasi ang mga bangkay sa loob.

my bookshelf ( fave)Where stories live. Discover now