24 - GUARDIAN OF WAIXERISUS

152 10 0
                                    

MYXSICA'S POV

Habang nakatingin ako sa katawan ni Octabina ay hindi ko maiwasan ang hindi mairita. Hindi ko kasi siya mapatay-patay. Nabubuo lang paulit-ulit ang kaniyang mga galamay. Hingal akong napahinto habang hawak ang kaliwang dibdib ko. Ayon na naman ang init at nakakainis dahil ngayon pa ito nangyari.

"Hindi mo ako kaya Prinsesa ng Haterial. Kung inaakala mong mapapatay mo ako ay h'wag ka nang umasa," mayabang na sabi nito.

"H'wag kang magmadali Octabina. Hindi mo pa man sinasabi ay nabibigyan mo na ako ng ideya sa kung paano kitang tatapusin," saad ko habang nakangisi.

Nawala ang ngiti sa labi niya at nakita ko kung paanong napakuyom ito ng kamay niya. "Isa ka lang namang mahinang nilalang na nagtatapang-tapangan!" galit na sabi niya at saka ako inatake.

Mabilis ko itong inilagan at saka tumingin sa kaniya. Inatake niy ako ng inatake at ako naman ay iniilagan lang siya. May isa pa itong katulong at totoong nahihirapan ako. Habang nakatingin sa kanila ay nararamdaman kong mas lalo pa silang dumadami. Hindi ko na matitiis ito kaya kailangan ko na rin ng katulong. Sa huling tirada sa akin ni Octabina ay hindi ko nailagan dahilan para tumalsik ako. Sa pagkakataon na 'yon ay tumama ako sa matigas na bato at ang malala ay naramdaman ko ang matinding init sa puso ko.

Putang ina.

Sinubukan kong bumangon pero hindi kaya ng katawan ko. Mabilis na pinuntahan ako ni Xiphus at saka niya ako inalalayan. "Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin.

"Fuck shit! Mukha ba akong ayos? Bobo ka ba?" galit kong sabi at halos maiyak ako sa pag-inda sa puso ko. "Gumagawa ng ritwal ang mangkukulam," inis na sabi ko. "Kailangan ko ulit ng yelo," dagdag ko pa.

"Abri-"

Napatingin ako sa kinaroroonan nila Abriya. Pare-pareho silang nakakulong at mga walang malay. Si Xiphus, ako, Hyx at Prinsipe na lang ang natitira. Hawak naman ni Octabina ang Hari, Reyna at maski ang Prinsesa. Sinubukan kong alisin ang init na nararamdaman ko sa pamamagitan ng tubig pero hindi iyon umuubra. Mas lalo pa itong lumalala. Tumawa ng malakas si Octabina na tila nagtagumpay na ito sa kaniyang pakay. Tumingin siya sa akin at saka ako nito sinakal sa leeg.

Kikilos sana ang tatlo pero hindi na nila nagawa dahil sa kung ano'ng bagay na pumulupot sa kanilang mga paa. Pilit akong pumiglas pero ang kapit ng bawat galamay ni Octabina. Masama ko s'yang tinignan at nakikita ko ang pag-aalala ng Hari at Reyna.

"Pakiusap, Octabina. Itigil mo na ito," pakiusap ng Reyna.

"Titigil lang ako sa oras ng makuha ko na ang gusto ko," sagot naman nito.

"Wala kang makukuha," saad ko naman at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa leeg ko.

"Manahimik ka! Isa ka lang namang walang k'wentang nilalang. Masyado ka kasing nangingialam."

Napapikit ako ng mariin at saka naramdaman ang presensya ni Warilina. Nagmulat ako ng mata ko at saka ako tumingin kay Octabina. Nakita ko kung paanong mangunot ang noo niya at ngumisi ako sa kaniya. Mas lalo n'yang hinigpitan pa ang pagkakasakal sa akin dahil sa ginawa ko pero hindi ko ito pinansin kahit na halos hindi na ako makahinga.

"Kung inaakala mong mahina lang akong nilalang. P'wes nagkakamali ka," ani ko at malakas na bumuwelta dahilan para matanggal ang galamay nito sa leeg ko.

Itinapat ko ang espada ko sa kaniya at saka mabilis na sinugod at lumapit sa mukha niya. Nagulat siya sa ginawa ko at nagawa kong gasgasan ang kaniyang mukha. Alam kong mabilis lang s'yang gumagaling kaya naman nang makalapag ako ay itinapat ko ang parehong palad ko sa lupa. Nagliwanag ang buong paligid at nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Octabina.

"A-Anong..."

"Hindi ako basta Prinsesa lang ng Haterial, Octabina. Kahit na sino pa ang kalaban ko ay hindi n'yo ako mapapatay hangga't nakakaya kong lumaban."

Nabitawan nito ang Hari, Reyna at Prinsesa. Nawala naman ang mga galamay na kumapit sa mga paa nina Xiphus, Hyx at ang Prinsipe. Mabilis silang kumilos at lumaban na. Muling umingay ang buong paligid dahil sa pagkiskis ng mga espada at pati na rin ang mga kapangyarihan na kung saan-saan nanggagaling. Mula sa kinapupuwestuhan ko ay nakita ko ang isang malaking bibig. Halos langgam lang ako sa laki nito. Umangat ako sa ere at nakita ko ang natatakot na mukha ni Octabina. Mas lalo akong napangisi dahil sa itsura ng mukha niya.

Itinaas ko ang kamay ko at sinenyasan ko ang nilalang na iyon na sugurin si Octabina at maski ang ibang kasama nito. Bali kasi limang malahiganteng nilalang ang lumabas. Para silang mga bulate sa dagat pero sa ibang anyo. Nakakatakot ang mga ito at hindi nila magagawang labanan ito ng basta-basta. Gumawa ako ng barrier para sa mga walang malay kong mga kaibigan. Isinantabi ko muna sila at ang Prinsipe, Hari, Reyna at Prinsesa naman ay nasa tabi ko. Maski sina Hyx, at Xiphus.

"Ang laki nila," hindi makapaniwalang sabi ng Prinsipe.

"Ang mga nilalang na iyan ay ang bantay ng Waixerisus. Pero dahil sa nangyari matagal nang panahon ang nakaraan ay nakulong sila sa ilalim," sabi ng Hari.

"Paanong nagawa mo silang pakawalan?" tanong naman ng Reyna sa akin.

"Hindi ako ang may gawa niyan kung hindi si Warilina," sagot ko naman.

Bigla ay sumulpot sa harapan namin si Warilina at agad na yumuko silang lahat maliban sa akin. "Mas lalong hindi ko gawa 'yan," sabi nito at seryoso ang mukha.

"Imposibleng ako ang may gawa niyan dahil-" napahinto ako sa pagsasalita nang mayroon akong napagtanto.

"Hindi ka lang basta Prinsesa at alam mo 'yan, Myxsica," makahulugang saad niya.

"Hindi p'wedeng mangyari ang nasa isip ko," saad ko at saka ako napatingin sa buong paligid.

"Kung inaakala mong pinapabaan ka talaga namin ay nagkakamali ka. Kikilos pa lang kami nagagawa mo na ang mga bagay na tanging ikaw lang ang nakakatuklas. Mga kapangyarihan at lakas na hindi mo inaasahan."

Muli akong tumingin sa kaniya at naisip ang sinabi niya. Kung gano'n ay magagawa kong alising ang sumpang inilagay ng babaing mangkukulam na 'yon sa loob ng katawan ko. Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko at saka ko ipinikit ang parehong mata ko. Sa pagkakataon na 'yon ay unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko na kanina lang ay mabigat. Nang imulat ko ang mata ko ay nakaramdam ako ng lakas.

"Waw, it works," mahinang usal ko. "Kung sinabi kaagad ni Albus ang bagay na 'yon ay hindi ko sana siya kakalabanin," sabi ko at saka siya napangiwi.

Narinig namin ang malakas na sigaw ni Octabina at napatawa ako ng pagak. "Patay si tanga," bulong ko at narinig kong natawa si Hyx at Xiphus.

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon