PROLOGUE

2.4K 33 0
                                    

~Ethrejal World~

Ang lahat ay nagtipon-tipon mula sa coliseum circle ng Arendelle. Ang mga ito’y nagtitipon upang tignan at usisain sa kung sino sa sampung magigiting na estud’yante ng Arendelle ang pinakamahusay at bihasa sa lahat ng bagay. Habang naghihintay ay naroon na ang sampung estud’yante. Naroon ay nahagip ng paningin ng hari, reyna at maski ang prinsipe at prinsesa ang isang babaing mayroong lila at dilaw na mga mata at maski ang kakaibang buhok nitong ang dulo’y ginto.

“Sino ang babaing iyon?” tanong ng reyna.

“Siya si Xyca Myxsica Frijado. Siya ay nagmula sa mundo ng mga tao at halos dalawang taon na s’ya dito sa ating mundo, Mahal na Reyna,” sagot naman ng kan’yang alalay.

Narinig ng prinsipe ang sinabi nito at nanatili lamang ang kan’yang tingin sa babae. Tila ba hindi alam ni Myxsica ang kung ano ang kan’yang gagawin at halos mapatanong sa kan’yang sarili sa kung bakit napasama siya sa sampung napili.

“Sisiguraduhin kong ako ang mananalo,” saad ng isang lalaki na no’n ay kumpyansa sa kan’yang lakas.

“Hindi ka sigurado d’yan, Hyx,” sabi naman ng isang lalaking mayroong sungay sa kan’yang ulo.

“Bakit ano’ng akala mo ay mas malakas ka na sa akin, Hexon?” tila nanghahamon na sabi ni Hyx.

Napapailing naman si Myxsica sa kan’yang nakikita. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, e’di sana hindi ko na lang ginalingan,” sabi naman nito sa kan’yang sarili. “Eh, bakit ba naman kasi ako pumayag na pumasok sa paaralan na ‘to?”

“Hoy, Myxsica, ano’t kinakausap mo ang sarili mo?” tanong sa kan’ya ni Fracia.

Napangiwi ito at saka tila nag-aalala sa kung ano ang maaring mangyari sa kanila. “Mamamatay ba tayo dito?” tanong nito.

“Walang namamatay sa simpleng laban lang. Pero ang pagkakaintindi ko ay may limang lebel ang kailangan nating maipasa. Kapag isa na lang ang natira siya ang ipapadala sa bundok ng mga dragon at kapag nagawa mo’ng makuha ang mahiwagang espada isa ka sa hihirangin bilang isang mandirigma. Gayon pa man ay isa ka rin sa mapipili upang…” sandali itong napahinto at saka napalingon sa gawi kung nasaan ang prinsipe. “Mapangasawa ng prinsipe,” saad nito na tila kinikilig.

“Gusto ko na lang magpatalo. Ayaw ko masakal—este makasal. Hindi ko rin gustong pumunta sa pugad ng mga dragon,” sabi nito at natawa naman si Fracia.

“Ikaw ang bahala. Ang alam ko’y gumaganti ka kapag nasasaktan ka na. Tignan natin ‘yang sinabi mo. Tignan natin ang kalalabasan,” sabi nito na tila alam kung sino ang matitira sa kanilang sampu.

Pumunta na sa entablado ang isang guro. Ito ay ang namumuno sa lahat ng mga guro at s’ya ang nagdidisisyon sa kung ano ang potensyal na kakayahan ng isang nilalang. Gayon pa man ay natahimik ang lahat.

“Kinagagalak kong kayo ay masilayan dito sa ating Colesium. Dito ay ating masasaksihan ang tapang at galing ng ating magigiting na mga mag-aaral. Ipapakilala ko muna ang aming mga napili sa paligsahan na ito. Narito sina, Baston, Jari, Abriya, Akia, Jelaia, Kelson, Hexon, Hyx, Fracia at Myxsica.” Kinuha nito ang isang iskril at binasa ang alituntunin na kailangan nilang gawin. “Ang unang lebel ay ang paglalabas ng in’yong kapangyarihan, pangalawa ay ang palaso, pangatlo ay ang espada, pang-apat ay ang pasusuot ng baluti at pakikipaglaban sa isa’t-isa. Ang huling matitira ay ang pupunta sa bundok ng mga dragon at doon ay kailangan n’yang makuha ang mahiwagang espada at makabalik ng buhay dito sa ating kaharian,” anunsyo nito at saka pumalakpak ang lahat ng mga naroroon.

Ramdam ng bawat isang estudyante ang kaba sa kanilang mga dibdib. Ngunit sila ay sabik manalo at hirangin bilang isang warrior ng kaharian ng Arendelle.

“Umpisahan na ang paligsahan!”

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon