CHAPTER 36

63 4 0
                                    

Mas lalo pa na lumalaki ang pangyayari sa labas nang palasyo tungkol sa pagnanakaw nang mga di kilalang grupo nang mga kalalakihan at pati ang Emperor ay umaksyon narin.

Kamakailan lang ay nakalaban ni Hellios ang Ilan sa mga ito at akala ko ay tapos na pero hindi pa pala.

Kahapon naman nagkausap kami ni Prince Nicolai at sinabi niya sakin na napag-utosan siya nang Emperor na mag patrolya sa labas nang palasyo.

Naka posisyon narin ang iba pang mga kawal nang palasyo sa labas. Marami ding mga malalaki at maliliit na tindahan ang nanakawan kaya ay nababahala na ako sa mga pangyayari.

"What are you thinking, My love". Nabara ang aking mga iniisip nang marinig ko ang boses ni Hellios mula sa likuran ko.

Agad ako na napatayo sa aking kinauupuan at tumingin sakanya. "Hellios".

"Sa tingin ko may malalim kang iniisip". Sabi nito at tumpak siya sa kanyang sinabi.

"Actually tama ka". I sigh.

"Is there something wrong? Do you need anything? Just tell me". Sunod'sunod na saad nito.

"Wala akong kailangan, iniisip ko'lang ang mga pangyayari sa labas nang palasyo".

"Kaya pala ang lalim nang iniisip mo".

"Wala parin bang balita tungkol sa mga di kilalang grupo na nagnanakaw sa mga tindahan?". Tanong ko'pa at nagbabakasakali na tapos na ang problema.

Pero sa tingin ko ay hindi parin dahil bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.

"Hindi parin, pero naka pwesto na ang mga tauhan ko sa labas at kahit ano mang oras na mamataan nila ang mga lalaking yun ay agad nila itong dadakpin at kung sakali na manlaban sila ay hindi mag'aalangan ang mga tauhan ko na gamitin ang kanilang mga patalim". Medyo nakaramdam ako nang takot sa kanyang sinabi.

Tama rin naman si Hellios patungkol sa sinabi niya. Talagang manlalaban ang mga lalaking yun, nilaban nga nila si Hellios eh.

"Nakakabahala talaga ang mga pangyayari, pero nakatuon naman din ang atensyon nang mga kawal ni Prince Nicolai at panigurado ako na mareresolba niya rin ito". Sabi ko'pa ngunit nag'iba ang expresyon sa mukha nito.

May mali ba sa sinabi ko?

"Napaka confident mo naman sa pamangkin kung si Nicolai". He coldly said.

"Magaling naman si Prince Nicolai, at tsaka wala namang masama kundi ang manalig sakanya diba?". Rason ko'pa.

He sarcastically smirk and crosses his arms. "Ganun ba? So sinasabi mo rin na mas magaling si Prince Nicolai keysa sakin?".

Ha? Pinagsasabi niya? Ba't umabot siya sa tanong nayan?

"Hindi naman sa ganun, ang ibig kulang sabihin ay matapang si prince nicolai at tsaka malakas din siya kaya walang mali ang manalig sakanya na madadakip niya at nang mga kasamahan niya yung mga magnanakaw". Mataas na paliwanag ko.

"Sa tingin ko na impluwensyahan kana talaga ni Nicolai simula nung umalis ako". Galit na tono nang pananalita nito.

" Magkaibigan lang kami ni Prince Nicolai at tsaka mabait siya sakin kaya ay sinuklian ko din siya nang kabaitan". Diretsa kung tugon.

"Sige naniniwala naman ako pero kumukulo lang talaga ang dugo ko kapag bumabanggit ka nang pangalan nang lalaki". Jealousy sourrounded his face. Am I hearing it right? Or am I just hallucinating?.

"Are you jealous?".

"What do you think, Cassandria?".

Kung ganun totoo nga na nagseselos siya? Napalunok ako nang laway at bumilis ang tibok nang aking dibdib dahilan na hindi ko manlang maibuka ang aking bibig.

Dancing in the Middle of  FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon