01

16 10 0
                                    

CHAPTER ONE

Napakainit ng araw ngayun, kakaligo ko lang pero parang gusto kong maligo ulit. Lumapit ako sa bintana habang sinusuklay ang hanggang balikat na buhok at pinagmasdan ang paligid sa labas. Tahimik ang paligid sa labas, may dumadaan namang mga sasakyan pero iilan lang atsaka walang tao sa labas dahil na rin sa init ng panahon.

Naglakad ako palapit sa kama, umupo at inabot ang cellphone na nasa gilid lang na nakapatong sa maliit na cabinet, itinabi ko na rin ang suklay. Nag-online ako sa instagram account ko at nagscroll sa feed, puno iyon ng mga outing pictures ng mga kaklase at kaibigan. Nilike ko lahat ng iyon at kung minsan ay nagcocomment pa.

Malapit ng matapos ang bakasyon pero hindi man lang ako nakapag-outing, kahit beach man lang. Pinatay ko ang cellphone at pabagsak na humiga sa kama. Marami namang umaaya sa'king sumama sa mga outing nila pero nakakahiya at ayaw kong iwan si Mama na mag-isa dito sa bahay. Ayaw ko nga ring naiiwang mag-isa dito e tapos iiwan ko pa si Mama, sabi nga nila "Do not do unto others, what you do not want to do unto you." Tama ba iyan?

Boring! Gumulong-gulong ako sa kama, tumigil lang ng marinig ang katok sa pinto. Tamad akong bumangon at binuksan ang kumakatok. Hindi na ako gaanung nagulat ng bumungad saakin ang isang matangkad na lalaki, mas nagulat ako sa inakto ng puso na ilang buwan ko nang napapansin sa tuwing nasa paligid siya.

"Kailangan mo?" nilawakan ko ang bukas ng pinto at muling bumalik sa kama. Mula dito ay pinagmasdan ko siyang humakbang at sumandig sa pader hindi kalayuan sa pintuang nakabukas.

"Nag-aaya sina Fin na magbasketball, sama ka? Walang kasama si Abegail kung hihindi ka." nginiwian ko siya sa sinabi.  Para namang may choice akong humindi sa sinabi niya palang, suplada pa naman iyong kapatid niya.

Kung hindi ko lang siya naging kaibigan, hindi ko talaga papansinin ang kapatid niyang iyon, napakabully noong mga bata pa lamang kami. Gustong-gustong makitang akong umiiyak, napakasama!

Pero kaibigan ko naman na rin ngayun, bukod sa suplada ay makulit at madaldal pa si Abe. Classmate kami at palagi niya akong inaasar hanggang sa hindi nalang namin namalayang nagsasabihan na kami ng mga sekreto at problema.

"Grabe, may choice ako?" sarkastiko kong sambit sa kaniya.

"Siguro?" sinuklay niya ang kulot na buhok palikod, dinilaan ang pang-ibabang labi at ngumisi. Agad akong umiwas ng tingin ng kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa nasaksihan.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at naglakad palabas ng pinto, nilalagpasan siya. Nanuot pa sandali sa ilong ko ang mabango niyang amoy, sumunod naman agad siya.

"Hindi kana magbibihis?" sandali ko siyang tiningala na nasa gilid ko na ngayon at binaba ang tingin sa suot na puting malaking damit at maong shorts.

"Ayos na 'to, diyan lang naman tayo sa kanto."

Pagkababa sa first floor ay naabutan namin si Mama na nanonood ng telebisyon, nilingon niya kami at nginitian ng marinig ang mga yapak na papalapit. Umupo ako sa tabi niya habang nanatiling nakatayo si Ares sa gilid.

"Saan kayo?" mula kay Ares ay sa'kin naman tumingin si Mama. Yumakap ako at hinagod niya naman kaagad ang maikli kong buhok, pumikit ako at inamoy ang nakakagaan ng loob na amoy ni Mama.

"Papasama lang po magbasketball, Tita, diyan lang po sa kanto." salita ni Ares ng nanatili akong tahimik pagkalipas ng ilang minuto.

"Magbabasketball lang, papasama pa?" si Mama na puno ng malisya at pang-aasar ang tono ng boses. Agad akong kumalas mula sa pagkakayakap sa kaniya at tumayo.

"Sasamahan ko lang po si Abe, 'Ma. Kayo talaga." agaran kong sagot.

"Para naman po may inspirasyon." alam ko namang sinasabayan lang ni Ares ang trip ni Mama ngunit hindi ko maiwasang kiligin at pamulahan ng mukha.

Risking EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon