05

4 3 0
                                    

CHAPTER FIVE

Ilang araw ang nagdaan at kapansin-pansin ang madalas na pagkatulala ni Abe saamin ni Ares. Kaya todo pigil ako sa sarili na huwag masyadong magpahalata ng nararamdaman.

Bukod sa nahihiya akong malaman ni Abe ay natatakot pa ako sa maaari niyang sabihin o gawin sa oras na malaman niya. Mataray at totoo sa sarili si Abe, straight forward na kung ano 'yong nasa isip niya ay iyon agad ang sasabihin. Masakit pa naman magsalita iyon lalo na kapag may hindi siya nagustuhan.

Agad na sumalubong saakin ang naniningkit na mata ni Abe pagkababa ng second floor, hindi ko siya inurungan at sinalubong ang kaniyang mga tingin. Napaiwas lang ako ng tuluyan nang makalapit.

Tanghali na at hindi pa ako nakakaligo nang pumunta silang dalawa ni Ares dito upang yayain akong bumili ng mga gamit pang-eskwela at makipagkita na rin sa mga kaibigang sasama sa pinaplanong camping. Kitang-kita ang pagkayamot ng dalawang magkapatid na ikinaismid ko, hindi kasi nagsasabi, gusto talagang nangbibigla.

Umupo ako sa single sofa na kaharap lang nang inuupuan nila, naglalaro ng kung anong online games si Ares kaya't para itong walang paki. Ramdam ko parin ang mga tingin ni Abe habang nagtatanggal ako ng tuwalya na pinulupot ko sa ulo.

"Tagal pa!" mahina akong natawa sa sarkastikong sambit ni Abe. Hindi ako sumagot at nagsimulang magsuklay ng basang buhok.

"Hayaan mo muna siya." sabay naming tiningnan si Ares na nasa cellphone pa rin ang tingin. Napaismid ako at napairap, kung hindi ko lang ito kilala ay kikiligin na sana ako sa kanyang konsiderasyon pero hindi e, kilala ko siya. Kilalang-kilala na alam kong mas iniisip niya ang nilalaro kaysa sa akin kaya pinapatigil si Abe sa pagpapabilis saakin.

Nagkatinginan kami ni Abe, mabilis kong tinapos ang pagsusuklay at pag-aayos sa sarili para makaalis kaagad. Hindi nagtagal ay parehas na kaming nakaupo ni Abe sa harap ni Ares, hinihintay siyang matapos sa ginagawa niya.

"Yes!" kapansin-pansin ang saya ni Ares ng manalo sa nilalaro. Masaya niyang binulsa ang cellphone at nakangiti kaming tiningnan. Ang kaninang inis ko tuloy ay biglang nawala.

"Let's go? Naghihintay na si Fin sa Mall." may ngiti sa labi niyang sambit.

"Si Fin lang? How about the others?" tanong ni Abe at naunang tumayo sa sofa.

"Bibili pa naman tayo, mamaya na raw sila." sagot ni Ares at nauna nang maglakad palabas ng bahay.

Sumunod naman kaagad si Abe habang kinuha ko pa muna ang susi ng bahay sa kwarto ni Mama. Aligaga pa ako dahil kanina pa naiinip si Abe at paniguradong handa na sila sa sasakyan. Kaya laking gulat ko nang makitang nakasandal sa gilid ng pintuan si Ares at nagtitipa sa kaniyang cellphone.

Napalunok ako at napatikhim.

"Bakit nandito ka?" tanong ko ng makalabas, hindi man lang siya tinapunan ng tingin at inasikaso ang pagla-lock ng pinto.

Ramdam ko ang pag-ayos niya ng tayo at pagdungaw sakin. "Nandito ka pa e."

Agad kong nabitawan ang hawak na susi pagkarinig ng kaniyang isinagot. Mahina akong tumawa upang pagtakpan ang kaba at pinulot ang susi.

"Sira! Umalis na tayo." agad akong umalis at tinungo ang kotseng nasa harapan lang ng bahay.

Saglit pa akong napatigil ng masalubong ang mapanuring tingin ni Abe sa sasakyan, agad akong nakaramdam ng hiya dahil parang may alam siya sa nararamdaman ko ngayun. Kaagad kong binuksan ang pintuan ng backseat at sapilitan siyang pinausog sa gilid.

"Uy! Uy!" rinig ko pang sambit ni Ares bago ko tuluyang naisara ang pinto.

Hindi na sinubukan pang buksan ni Ares ang pinto at dumiritso sa driver seat, kaagad niya itong pinaandar papaalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Risking EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon