Chapter 01: New school. New life
MAUI'S POINT OF VIEW.
@Del Buena Mansion
Masayang kumakain habang nag uusap ang buong pamilya. While me on the other hand. Heto, tahimik na kumakain habang nakayuko. Gusto ko sanang magpaalam kay Dad tungkol sa lakad namin ni Milan mamaya pero ayaw ko naman i-interrupt ang conversation nila. Lalo na at nandito ang buong pamilya ni Dad.
It's been three months since kinasal sina Mom at Dad, then lumipat kami sa mansyon niya. Three months na rin mula no'ng palitan niya ang apelyedo ko at pinakilala sa buong pamilya at mga kaibigan niya na anak niya 'ko — officially and legally. Still 'di pa rin ako makapaniwala, 'yong feeling na ' Sa wakas may Daddy na 'ko! '. That moment — it was very heart-warming and talagang thankful ako kasi 'di lang si Mom ang tinanggap nila — tinanggap din nila ako as a new family member.
Kaso 'di pa rin ako sanay, lalo na kapag bumibisita ang buong pamilya. It always felt like I'm still dreaming.
" Why are you so quiet, may problema ka ba, iha? " Nag-aalalang tanong ni Mamita, 'yong Mama ni Dad. Agad ko namang inangat ang ulo ko at tiningnan si Mamita.
Napansin ko namang naagaw ko pala ang atensyon ng lahat at lahat sila ay nakatingin sa 'kin ngayon.
" P-Po? No — wala po akong problema. Okay na okay po ako. " Sagot ko naman na minsan na-uutal pa habang awkward na nakangiti.
" Are you sure, Maui dear? O baka naman masama ang pakiramdam mo. If you're thinking about us — it's okay, you don't need to worry about us, you can go now and rest. Your health matter most, Maui dear. " Nag-aalalang ani naman ni Tita Melissa, nakababatang kapatid na babae ni Dad.
" Thank you Tita Mel, pero I'm really fine. Ano kasi — magpapaalam po sana ako, balak po kasi sana naming mamili ngayon ni Milan ng school supplies. Tatlong araw nalang po kasi at pasukan na at 'di pa po ako nakakapaghanda. " Nahihiya ko namang confession.
Napatingin naman ako kay Dad nang mapatampal siya sa kanyang noo, after niyang marinig ang sinabi ko.
" How negligent of me. The first day of school is in three days na pala? "
'Di makapaniwalang tanong ni Dad, na parang 'di pa rin siya makapaniwalang nakalimutan niya ang bagay na 'yon.
" O s'ya, anong oras na din. Magpahatid na kayo kay Mang Erning after mong kumain para 'di na kayo mag commute. " Ani ni Dad at tiningnan ang relo niya. 'Saka niya ako tiningnan.
" Manang Fe, pakisabihan nga po si Mang Erning na paki-handa ang sasakyan dahil may mapupuntahan sina Maureen at Milan. " Utos ni Dad sa mayordoma na si Manang Fe. Agad namang pinuntahan ni Manang Fe si Manong Erning gaya ng iniutos sa kanya.
" By the way, where's Milan? "
Tanong naman ni Dad. Sasagutin ko na sana ang tanong nang biglang may narinig kaming nag i-echo na boses mula sa entrance ng dinning area.
" GOOD AFTERNOON MY BELOVED FAMILY! DID SOMEONE JUST MENTIONED MY PRETTY NAME? "
" Just sit down and eat. May lakad pala kayo Maui, pero nagpa-late ka pa ka para makapag grand entrance ka. Ano ka gold? " Sarcastic namang comment ni Tita Miranda sa anak niya.
And kung gusto niyo, after niyang mamili ng school supplies ay mamasyal na rin kayo. Siguradong 'di ka pa masyadong nakakapasyal mula no'ng lumipat ka dito. But be sure na babalik kayo ni Milan before maghapunan. Is that okay with you?
BINABASA MO ANG
Under A Love Potion
Teen FictionKaylani got transferred to a prestigious school after living with her new family. Her Mom got married to her current Dad a few months ago. Her current Dad's family is so welcoming, and she's very thankful for that. Her current Dad even treated her l...