Chapter 2

1 0 0
                                    

Maaga palang gumising na ako, hindi pa nga siguro na nagigising ang mga tagapag-silbi ng magising ako. Hindi kona sila hinintay pa at na mismo ang naghanda ng aking masusuot at naghanda ng aking paliliguan.

Wala ngayon sa tabi ko sina Stella at Vin dahil for sure mabilisan nilang tinatapos ang mga pinag-uutos  ko. I just gave them a short period of time para sa mga trabaho nila dahil ka-kailanganin ko  nayon sa lalong madaling panahon.

Kailangan malinis mona dito sa loob ng emperyo para walang sagabal sa lahat ng mga plano ko. Ayukong mag sayang ng oras dahil mayroon lamang akong tatlong taon para maghanda sa muling pag kikita namin. Kailangan prepared ako. Walang puwang sa mundong to ang mahihina at yon ang napatunayan ko sa nakaraang buhay ko.

" K-kamahalan gising napo pala kayo. Pasinsya na ho at hindi kami maagang gumising, Kamahalan." I just stared at her, kasama nito sa likod ang nasa sampung tagapag-silbi na kasalukuyang nakayuko lahat.

Ramdam ko lahat ang kanilang panginginig at lakas ng tibok ng puso. Marahil naikwento na ng aking personal na tagapag-silbi ang mga pagbabago saakin nitong nakalipas na araw. Sa mga panahong iyon hindi kopa ulit nalilibot ang buong imperial palace. Ayos lang naman since sa mga panahong ito wala pang masyadong lantarang gumagawa ng ikasisira ng buong emperyo.

Pwes ngayon palang puputulin kona ang pinapatubo nilang sungay sa harap ko.

" I'm going to eat my breakfast on my office. Call the head butler and all the General knights. I want them early in this morning. Now go." nagmamadali naman itong lumabas sa aking silid kasama ang dalawang pang tagapag-silbi.

Matapos kong tapusin ang binabasa kong libro, kaagad akong lumabas at nakasunod saakin ang iba pang tagapag-silbi. Subrang aga pa nga para simulan ang araw na ito pero hihintayin ko pabang nakatirik na ang araw bago simulan ang lahat. I've learned my lesson.

Nadaanan kopa ang aking napakalawak na Hardin na saksi din sa lahat ng pagtangis ko noon. Tass noo ko itong linampasan hanggang sa makarating ako saaking silid na pinag tra-trabahuan.


Nadatnan ko itong malinis at maayos na nakasalansan lahat ng mga tambak na papeles na kailangan kong basahin at pirmahan. Alam kong mula nanaman ito sa iba't ibang Kaharian na nasasakupan ko. Hindi na sumunod pa ang ibang tagapag-silbi na nakasunod saakin. Nandoon lamang ito sa labas nakatayo at nakahanay. Binabantayan kung may mga panauhing nais akong kausapin.

Marahil sa mga oras na ito nasa labas narin ang mga knights na itinalaga ko noon na bantayan ang aking kaligtasan.

Ramdam korin ang ilang mga shadow knights kong nagbabantay mula sa malayo.

Inilibot ko muna ang tingin sa buong silid na ito. Napakalawak nito at punong puno ng mga libro.  Huminga muna ako ng malalim saka sinimulan ng basahin ang ilang mga importanting dokumento.

Ilang minuto lang ay may marahang kumatok sa pinto habang nasa kasalukuyan ako sa pagbabasa.

Ilang sandali lang ay pumasok si Jeny kasama ang dalawang tagapag-silbi dala dala ang mga pagkaing aking pinag-utos sa kanya.

" Put it there." turo ko sa balkunahing may lamesa at mga upuan. Hindi pa naman gaanong lumalabas ang araw at tamang tama rin dahil mula doon ay kitang kita ang sunrise.

" Masusunod Kamahalan." madali naman nila itong inayos.

" Kamahalan, ilang minuto lang papunta narin daw po dito ang head butler niyo kasama ang mga General knights. May kaunti lang daw Po silang inaasikaso sa bilang ng mga knights sa buong emperyo." tumango lang ako saka sininyasan silang lumabas na. Napansin kopa ang namumuong luha sa mga mata ni Jeny bago umalis.

Empress Hiraya Marquez Where stories live. Discover now