Chapter 4

1 0 0
                                    

"Kamahalan, gusto niyo ho bang dalhin nalang po namin dito ang inyong umagahan ?." bumaling naman ako sa kanya sa kabila ng malalim kung pag-iisip.

Kanina kopa pinag-iisipan kung totoo bang naghihilom ang sugat ko at kusang gumagaling. Kanina pagkagising ko, ang gaan gaan ng pakiramdam ko at parang kaagad bumalik ang lakas at kapangyarihan na nawala saakin.

Kung paano ko naman nalaman na nag ge-generate ang katawan ko at kusang gumagaling ay nong aksedente kong mabasag ang isang Vase ng matabig ko ito. Nang nasa kalagitnaan ako ng pag pulot ng mga nabasag, aksedente naman akong nasugatan sa talim ng nabasag na Vase.

Ipag-sasawalang bahala kona sana ito ngunit ilang segundo lang kitang kita ng dalawang mata ko ang kusang paghilom ng sugat ko.  Sandali pa akong natahimik at kinusot ang dalawa kong mata. Doon naman pumasok ang isang ideya sa isip ko.

Dali dali akong nag willed ng isang dagger at sinugatan ng malaki ang palad ko. Ilang segundo lang rin ay kusa itong nag hilom na parang walang sugat na nangyari, wala din itong iniwang peklat kaya't kanina pa ako namamangha. 

" No, just prepare my bath. At paki sabihan ang dalawang bisita na hintayin ako sa dining area. Maliligo lang ako." sinunod naman kaagad nila ang pinag-utos ko.

Habang naliligo ako nasa isip kopa rin ang kaganapang iyon, dahil kung hindi ako nagkakamali mahabang panahon na ang nag daan ng may isang taong kayang kaya ring paghilomin ang kanyang sugat. Ngunit ang kahinaan lang nito ay isang golden weapon na gawa sa purong ginto at  malakas na mahikang inilagay doon sa sandata.

Nasusugatan siya nito at matagal maghilom ang sugat depende sa lalim at lakas ng kapangyarihang inilagay sa sandata.

Kaya kung ganon mang kagaya din ako nong taong yon, kailangan walang dapat makaalam na kusang naghihilom ang sugat ko.

Matapos kong maligo ay lumabas na ako't tinulungan nila akong isuot ang damit na pinili nila. Napaka haba nito't napaka daming desenyo at pearls na inilagay. 

Binuhaghag kolang ang mahaba kong buhok at linagyan ng bulaklak na palamuti. Hindi na din ako nagpapalagay ng kolorete sa mukha dahil bakit pa ? hindi nako ang Hirayang pinapanatiling maganda ang impression nilang lahat. Bahala sila sa iisipin nila saakin ang mahalaga ay nagpapakatotoo ako at hindi ako mamamatay.

Pagkatapos nila akong ayusan ay lumabas na ako, medyo nagugutom narin ako dahil simula kagabe ay hindi akon nagpa istorbo at piniling magpahinga na lamang.


Ilang sandali lang ay nakarating narin ako sa dining area kung saan naghihintay saakin ang dalawa. Kaagad bumaling saakin ang kanilang atensyon ng maramdaman nila ang presensya ko.

" Empress ! ."

" Your majesty ."

Nagbigay galang sila saakin saka ako dahan dahang umupo. Tipid lang akong ngumiti sa kanila at sininyasan silang umupo na.

Veronica  Elizabeth  Synxth katamtaman ang haba na itim na itim niyang  buhok, brown eyes, kissable lips at morenang morena. Kaya lang kilos lalaki at madalas nasasangkot sa gulo.

Rhone Dale Earnhardtt  tall, pale white and handsome. Mas mataas ito saakin ng kaunti, ocean blue eyes, at mahaba ang buhok nito na tinirintas lang sa likod. Medyo tahimik na ikinaiinis naman ni Eliza dahil bukod sa maton ito madaldal din.

Well, opposite attack ika nga.

" Bakit ngayon molang kami pinatawag, Empress ? simula ng kinoronahan ka hindi na tayo nagkita kita pa. Ang tagal kaya ng isang taon. " kaagad na bungad saakin ni Eliza

Empress Hiraya Marquez Where stories live. Discover now