Prologue

14 2 0
                                    

Prologue

AELIANA

"Stop dragging me into your troubles!"

Hindi ko siya sinagot dahil kailangan naming makatakas ngayon sa mga humahabol sa amin. Hinahayaan niya akong hatakin siya sa kung saan pero walang tigil naman siya sa pagrereklamo!

Nang may matanaw akong puwede naming pagtaguan ay hinatak ko siya papunta doon. He was about to yap again so I immediately covered his mouth.

Inis siyang tumingin sa akin.

Nang marinig ko ang mga yapak nila papalapit sa pwesto namin ay hinatak ko 'tong kasama ko paupo para makapagtago kami sa mga patong patong na kahon dito.

We were so close to each other now.

"Maghiwa-hiwalay tayo, nandito lang sila sa paligid." said by one of them.

Lahat sila sumang-ayon doon kaya naghiwa-hiwalay na sila ng direksyon. Thankfully, hindi sila dumaan sa puwesto namin dahil masyado nang madilim sa eskenitang ito.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya agad kong tinanggal iyon sa pagkakatakip sa bibig niya.

"Ang baho ng kamay mo."

Napairap ako. "Napaka-arte mo!"

Lumayo ako sa kanya at umalis na pinagtaguan namin. Sinilip ko pang muli ang kalsadang dinaanan ng mga nanghahabol sa amin at ang laki ng pasasalamat ko nang makitang wala nang bakas nila.

"Palagi mo na lang talaga akong dinadawit sa gulo mo ano?" he started complaining again.

Irita akong napakamot sa ulo ko. "Sino ba kasing may sabi na humarang ka sa usapan namin ng mga hayop na 'yon?"

He sighed. "Ang hilig mo kasing sumali sa away! Palagi na lang may nadadamay sa'yo."

I gasped. "Wow! E'di sorry ha? Sorry nadamay ka nanaman!"

Umalis ako sa harapan niya at inis na naglakad palayo sa kanya. I can't stand his attitude anymore! Palagi na lang niyang pinamumukha sa akin na mali ako at puro gulo lang ang alam ko. Kung titignan mo ay siya naman itong may kasalanan kaya lumaki ang gulo kanina.

Puro na lang siya reklamo at palagi niyang sinisisi sa akin lahat. As if naman na ginusto ko 'yon!

"Hey! Where are you going? Do you even know this place?" narinig ko ang mga yapak niya sa likod ko kaya malamang sinusundan niya ako.

"Malamang hindi! Lalayo na ako kasi sobrang ingay mo!" I yelled.

Narinig ko ang mabilis na yapak niya at naramdaman ko ang paghila niya sa akin paharap sa kanya.

"Kailan mo ba 'to ititigil?" he seriously asked.

"Kapag tumahimik ka na." pangbabara ko.

He heavily sighed. "Look, hindi ka ba naaawa kay Tita? Palagi ka na lang gumagawa ng gulo. Alam mo ba kung paano siya palaging mag-alala sa'yo? Bakit ba sarili mo lang ang iniisip mo?"

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at matalim ko siyang tinignan. "Huwag kang magsalita na parang kilala mo na ako." madiin kong sabi.

"But I've known you since we were kid! Palagi kitang binabantayan at palagi akong kasama sa mga gulong sinasali mo."

Umiwas ako ng tingin at pinipigilan ang sarili ko sa emosyong dumadaloy sa sistema ko ngayon. Kahit na naiinis ako sa kanya ay hindi ko pa rin kayang pagsalitaan siya ng masama.

Dahil katulad ng sinabi niya, simula pa lang noon ay binabantayan na niya ako.

"Pero hindi ko naman kailangan ng pagbabantay mo." mahinang sabi ko.

Sunrise, Coffee, And YouWhere stories live. Discover now