PROLOGUE
"Buhay siya, shai. I saw her kanina sa coffee shop at sure akong siya yon." Sabi ni Samantha sa kaibigan niya.
"My god!! Can you please stop it, Sam?! It's been 3 years at umaasa ka paring buhay siya!" Inis na sabi ni Shai sa kaibigan niya.
"She's not dead. Nakita ko siya—"
"Stop it. Bakit ba pinipilit mo na buhay pa siya?" Tanong niya.
"Bat ba ayaw niyong maniwala? Nakita ko nga siya at hindi ako nagkakamali—"
"How about her?" Biglang sabi ni shai. "Sige sabihin na natin na buhay talaga siya pero pano yung girlfriend mo ngayon?"
"You know that—"
"Of course, i know." Sabi ni shai at tumayo sa inuupuan niya. "Sana pala sinabi ko nalang sa kanya yung totoo—"
"Don't you dare, shai." Tiim bagang na sabi ni samantha at tumayo din.
"Hiwalayan mo nalang siya para hindi na siya lalong masaktan kapag nalaman niya yung totoo." Sabi ni Shai at umalis na sa restaurant.
Pagkalabas ni Shai sa restaurant ay napabuntong hininga nalang si Samantha at umupo ulit.
Kahit pa may girlfriend na siya ngayon ay hinihintay niya parin yung isang taong malabong babalik sa buhay niya. It's been 3 years nang patay ang babaeng unang minahal niya pero umaasa parin siya nabuhay ito at babalikan siya.
She never loves her girlfriend. Ginamit niya lang ito para makalimutan yung nakaraan niya. Alam ni Shai lahat nang iyon pero hinayaan niya lang ang kaibigan niya kasi ayaw niyang makisali.
Totoo na may nakita siyang kamukha ng babaeng una niyang minahal pero hindi talaga yung babaeng matagal na niyang hinintay.
**********
"Shai, nakita mo ba si Samantha? Kanina ko pa kasi siya hinanap e. Hindi din siya pumasok sa class niya." Saad ng girlfriend ni Samantha.
"Oh hindi niya pala sinabi sayo na umuwi siya? Masama daw pakiramdam niya e." Pagsisinungaling ni shai.
"What? Bat hindi niya sinabi sakin?" Tanong niya at nagkibit balikat lang si shai. "Sige una na ako, shai. Pupuntahan ko si Sam baka kasi kung ano na ang nangyari dun."
"Okay, ingat ka."
"Ikaw din."
Pagkaalis nang girlfriend ni Sam ay tinext naman ni shai si sam. Sinani niya na magpanggap ito nang may sakit para hindi mahalata ng girlfriend niya na nagsisinungaling siya.
********