Chapter 1

26 6 0
                                    

Samantha's POV

"Baby, shai told me na masama daw pakiramdam mo kaya dika pumasok." Rinig kong sabi ni Lauren sakin.

Nakahiga ako sa kama ko ngayon habang nakatalikod kay lauren. Nung narinig ko kasi na bumukas yung pinto ay tumalikod na ako kasi ayokong makita si Lauren ngayon, at ayaw kong makipag usap sa kahit kanino.

"Don't worry, i'm okay." Sabi ko habang nakatalikod parin sa kanya.

"Are you sure? Nagdala ako ng meds para sayo."

"Thank you, pwede ka nang umuwi."

"Okay, baby. Just call me kapag may kailangan ka." Sabi niya at naramdaman ko na sumampa siya sa kama ko para humalik sa ulo ko. "Pahinga ka muna, i'll call you later. I love you." Sabi niya.

"Okay." Sabi ko.

Nang narinig ko na lumabas na siya sa kwarto ko ay bumangon ako at saka umupo sa kama. Napabuntong hininga nalang ako sa ginawa kong pakikipag usap kay Lauren. I know na nagtatampo yon dahil ganun ko siya kinausap pero wala akong naramdaman na guilt.

I don't love her anyway. Ginamit ko lang siya para hindi ko maalala yung babaeng minahal ko. Kala ko kapag nakipagrelasyon ako sa kanya makakalimutan kona yung nangyari sa past ko pero nagkakamali pala ako.

Tinignan ko yung relo ko, 7pm na pala at hindi ko man lang namalayan. Napaisip parin talaga ako na si coleen yung nakita ko kaninang umaga sa coffee shop. I'm sure na siya yon, the way lumakad ay parang si coleen talaga. Pero imposible naman yata na buhay siya, pero may parte parin talaga sakin na umaasang buhay siya.

I need to see that girl again para ma-confirm ko na siya ba talaga si coleen o hindi.

I miss her so much.

***********

7:30 am palang ay nandito na ako sa coffee shop kung saan ko nakita yung kamukha ni coleen. Halos 30 mins na akong maghintay pero hindi ko parin talaga siya nakita.

Saturday ngayon kaya wala kaming class, hindi rin nagtext sakin si shai kaya hindi ko nalang siya niyaya na gumala sa labas dahil alam kong galit parin ito sakin.

From: Lauren
Okay kana ba? You didn't answer my call last night e, baka tulog kana nun.

Text sakin ni lauren.

Kagabi hindi naman talaga ako natulog dahil iniisip ko parin yung kamukha ni coleen. Nung makita ko na tumawag si Lauren kagabi ay hinayaan ko nalang yon na magring at hindi sinagot.

To:Lauren
Yes, okay na ako. Sorry, nakatulog ako kagabi kaya hindi ko nasagot yung tawag mo.

Pagkatapos kong magreply sa kanya ay inoff ko na yung cellphone ko. Ayaw ko muna na kausapin siya. Siguro tama nga yung sinabi sakin ni shai dati, dapat hiniwalayan ko nalang si Lauren para hindi siya masaktan pa dahil sa mga ginawa ko.

Aalis na sana ako sa coffee shop nang bigla kong nakita yung kamukha ni Coleen na seryosong naglalakad papasok sa coffee shop kung nasaan ako. Tinignan ko lang siya at napatulala ako. Sobrang kamukha niya talaga pero ang kaibahan lang ay yung pananamit nila.

"Don't worry, alam ko naman yung gagawin ko." Rinig ko pa na sabi niya.

Lalapitan ko na sana siya nang biglang may lumapit sa kanyang isang babaeng matangkad at maikli yung buhok. Pamilyar yung babae lumapit sa kanya at hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita dati.

*******

Lauren's POV

From: Babyyy
Yes, okay na ako. Sorry, nakatulog ako kagabi kaya hindi ko nasagot yung tawag mo.

Napabuntong hininga nalang ako nang makita ko yung reply niya sakin. Akala ko pa naman na magsosorry siya sakin the way niya ako kausapin ka kagabi na para bang hindi niya ako girlfriend.

Pero kahit na ganun siya ay mahal na mahal ko parin yon. Kahit yata itulak niya ako palayo ay hahanap parin ako nang way para bumalik sa kanya.

To: Babyyy
I miss you, pwede bakong pumunta diyan later?

Ilang minuto kong hinintay yung reply niya. Para na akong tanga na tingin ng tingin sa phone ko para tignan kung nagreply ba siya o hindi.

"Ate, para kang tanga." Sabi ng kapatid ko kaya binatukan ko siya.

"Tumahimik ka nga!" Inis na sabi ko.

"Tsk! Hindi ka naman mahal niyan."

Babatuhin  ko sana siya ng remote control buti nalang talaga at tumakbo ito palabas ng bahay namin.

Kainis talaga.

Halos lahat yata sila sinasabi sakin na hindi ako mahal ni Samantha. Palibhasa kasi hindi nila nakikita ma sweet sakin si sam pagkami lang dalawa.

Ay mali pala...

Sweet lang pala siya sakin kapag nakainom siya o may ginawa siyang hindi ko nagustuhan.

Ramdam ko naman na mahal niya ako kaya hindi ko na need ang opinion nila. Hindi namn sila si samantha para sabihin sakin na hindi niya ako mahal. Maniniwala lang ako sa kanila pag si samantha ma mismo ang magsasabi na hindi niya talaga ako mahal.

******

"Anak, gumising ka diyan. Nasa labas si Samantha hinahanap ka."

Agad akong napabangon nang marinig ko yung sinabi ni mama. Tinignan ko yung oras at alas 3 na pala ng hapon. Hindi ko pala napansin kanina na nakatulog ako habang nagbabasa ng libro.

Lumabas naman kaagad ako sa bahay at nakita ko kaagad sa harap yung kotse ni Samantha. Alam kong nasa loob siya ng kotse niya kaya agad akong pumasok don.

Ewan ko ba bakit siya hindi lumalabas sa kotse niya kapag pumupunta siya sa bahay. Dati nga nung hinatid niya ako ay pinilit ko siyang pumasok sa loob para makilala niya sila mama pero ay palagi niya lang sinasabi na next time na lang daw.

"Are you okay? Umiiyak ka ba?" Tanong ko.

Nabigla naman ako ng lumapit siya sakin saka niyakap ako. Rinig ko yung mahinang paghagulgol niya habang nakayakap siya sakin. Hindi ko alam kung bakit siya umiyak ngayon, yung iyak niya ay para bang sobra siyang nasaktan.

"Tahan na." Mahinahon na sabi ko habang dahan dahang tinapik yung likod niya.

Ilang minuto lang ay tumigil na siya sa pag-iyak pero hindi parin siya kumalas sa pagkakayakap sakin. Magsasalita na sana ako para tanungin kung bakit siya umiyak kanina pero naunahan niya akong magsalita.

"I'm sorry, love. I didn't na paalisin ka kagabi sa condo ko. Sorry kasi kinausap kita ng ganun." Sabi niya.

"It's okay, baby." Sabi ko saka hindi mapigilan na hindi mapangiti. "Kaya ba umiyak ka kasi na-gguilty ka?"

"Yeah." Sabi niya sabay dahan dahang tumango.

"Kala ko pa naman kung ano na ang nangyari." Sabi ko pa at mahinang natawa.

"Are you mad?" Tanong niya at kumalas na sa pagyakap sakin saka tinignan ako sa mata ko.

Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa tanong niya. "What do you think?" Sabi ko pa.

"Galit ka nga." Sabi niya.

Magsasalita na sana ako para sabihin sa kanya na hindi ako galit nang bigla niya akong halikan sa lips. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi kaagad ako nakagalaw. Hindi naman ito yung first time na hinalikan niya ako pero nabibigla parin talaga akong siya yung humalik sakin.

**********



Eyyyyyy

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In Another Universe Where stories live. Discover now