..
Daniel
"Eto ang gusto ko itanong, kumusta kayo ni Clyde?" Tanong ni Kyleen kay Isaac na bigla namang natawa.
Narito kami sa couch ng clinic nila Isaac, hindi naman problema kay Isaac na makipag kwentuhan dahil kakarating lang nung isang intern na kaklase niya rito para mag-duty.
Gusto makipag kwentuhan kasi ni Isaac kaya hindi muna kami umalis ni Kyleen since kailangan ko rin naman magpahinga sabi ni Isaac dahil kakalagay niya lang ng ointment.
"Clyde? Sinong Clyde?" Tanong ko dahil isang tao yung pumasok sa isip ko, edi yung kapatid ni sir Caile.
"Si Clyde, yung crush niya. Ang tagal na rin nung nagsimula tong mangulit at pa-sikretong nanliligaw." Natatawang sagot ni Kyleen at si Isaac naman ay natatawa rin.
Habang pinagmamasdan ko si Isaac ay lumalabas ang pagiging makulit niya ngayon, nagiging teenager ang dating niya.
"Crush mo? Si Clyde Mulford!?" Gulat kong tanong dahil ang pagkakaalam ko sa sinabi noon ni Chloe ay may jowa si Clyde, so paanong mangungulit itong si Isaac kung may jowa na si Clyde.
Natigilan naman silang dalawa sa pagtawa, "What? Hindi si Clyde Mulford." Natatawang sambit ni Kyleen kaya napaawang ang labi ko.
"Si ASHE Clyde Martinez ang tinutukoy namin, si Aiden Sage Hayes Edison Clyde Martinez, anak at isa sa tagapagmana ni Don Martinez." Sagot naman ni Isaac kaya natigilan ako at napatango tango.
"Grabe yung pangalan." Ngiwi kong saad at natawa naman si Isaac.
"Ganoon talaga ang pangalan ng mga anak ni Don Martinez, kahit yung kambal niyang si Clive mahaba rin ang pangalan." Saad ni Isaac kaya lalo akong nangiwi.
"Hindi ko na lang tatanungin. Nakakaawa rin sila ha, lalo na nung mga bata sila siguradong nagreklamo na sila sa magulang nila dahil sa haba nang isinulat nila." Saad ko na lang na sinang ayunan nila, "Pero, maiba ako. Bakit mo siya nagustuhan?" Tanong ko dahil curious ako sa ideyang iyan.
"Bakit? Simple lang kasi siya itinibok nito." Sagot ni Isaac at itinuro ang dibdib niya, "Sigurado ako na kami ang itinadhana." Nakangiting dugtong ni Isaac na nakikita kong siguradong sigurado siya.
"Ehh sa pagkakaintindi ko sa pangungulit mo mukhang hindi ka gusto...?" May pag-iingat sa boses ko nang itanong ko iyon.
Pabirong umismid si Isaac at sumulyap saglit kay Kyleen, "He can't endure my charm, sinasabi ko sayo, Daniel. Soon enough mahuhulog din siya sa akin kaunting pikot lang sa kaniya, kaunting suyo ay bibigay rin yun sakin! Pasasaan pa't nag-aaral ako ng medisina, matinding pasensya ang kailangan dito at nahahasa ko rin iyon sa pagsuyo kay Clyde." Mahabang sagot ni Isaac at makikita ko talagang determinado siya sa kaniyang sinasabi na parang sigurado at tansyado na niya.
"Nakakabilib naman yang determinasyon mo." Namamangha kong saad kaya napatingin sila sa akin.
"Bakit? Hindi ka pa ba nai-inlove?" Sabay na tanong nila kaya napakunot ang noo ko.
Nagtaka naman ako sa tingin at tanong nila, "Bakit? May masama ba ron?" Inosente kong tanong sa kanila, una namang nag-react si Kyleen.
"Ha wala naman, nagulat lang kami kasi sa edad mong yan hindi ka pa pala na-iinlove." Sagot ni Kyleen na tinanguan ni Isaac.
"Eh nagka-crush ka na?" Tanong ni Isaac kaya napaisip naman ako.
"Oo..? Hindi ko sigurado, pero sa pagkakaalam ko pag-hanga ang crush diba? Edi kung tutuusin, oo, nagka-crush na ako." Sagot ko sa kaniyang tanong at ewan ko ba pero biglang lumabas sa isip ko ang imahe ni Caile na nakasimangot sa akin kaya bigla akong kinabahan kaya napa-iling ako saka tinutok na lang ang atensyon sa kanila.
"Yung crush ba na yan, ay yung ngayon?" Tanong ni Kyleen kaya napatango naman agad ako.
"Hindi ko sigurado, magulo kasi isip ko." Natatawa kong sabi kasi bigla na lang sumagi sa isip ko yung makulit na ngiti ni Zayche.
Napabuntong hininga ako dahil sa kung ano ano namang pumapasok sa isip ko. Ano ba to? Nag-iimagine na naman ako.
Narinig ko ang pagtawa ni Kyleen, "Kung crush ang pag uusapan ay pwedeng pwede ang kuya ko Daniel, pogi na matangkad yun." Taas baba ang kilay ni Kyleen nang sabihin niya iyon kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit naman napasok si Zayche sa usapan?" Tanong ko sa kaniya na siyang ikina-kibit balikat niya.
"Ohh right, kuya Zayche is crushable naman." Sang-ayon ni Isaac na ikinatingin namin ni Kyleen.
"Dibaaa! Pwede 'no? Bagay sila ni Daniel, kape't gatas." Natatawang sabi ni Kyleen na ikinatawa ko rin.
"Marinig ka ng kuya mo magbabangayan na naman kayo non." Sabi ko sa kaniya na nagmamalaking umayos nang upo.
"Paano ba yan? Wala siya rito." Sambit nito na ikinatawa namin ni Isaac.
Habang kami'y nagk-kwentuhan at nagtatawanan, hindi namin namalayan na may lalaki palang nakatayo sa tabi namin kaya nagulat kami nung nagsalita ito.
"Mind if I join you guys?" Tanong ng isang lalaking matangkad, may pagka-tisoy ito at kita sa mukha niyang nakangiti ang pagka-pilyo nito.
"Clive! Naparito ka?" Gulat na sambit ni Isaac kaya napatingin ako sa kanila.
"Siya yung tinutukoy niyong Clive?" Tanong ko at agad namang napatingin yung lalaking tinawag nilang Clive sa akin.
"You're talking about me? Ohh, I'm taken na." Sambit nito na ikinakunot ng noo ko.
Umismid si Isaac, "As if naman magugustuhan kita o niya, hello! My taste ako no!" Umikot pa mata ni Isaac nang sabihin niya iyon kay Clive.
"Nginang taste yan, your taste is my kuya, diba?" Sagot ni Clive at naupo sa kabilang couch katapat namin ni Kyleen.
"Yes, I want to taste your kuya." Malagkit na sagot ni Isaac at dumila pa ito sa labi niya.
Nakita ko naman ang pandidiri ni Clive, "Eww! You're so kadiri naman." Saad ni Clive kaya natawa kami ni Kyleen sa usapan nung dalawa.
"Wow! Kung maka-"you're so kadiri naman." Parang hindi ka tumikim ng tite ah! Bakit, hindi mo pa ba natitikman si Ismael?" Matapang na singhal ni Isaac kaya napaawang labi naming dalawa ni Clive habang si Kyleen ay humalakhak.
"Grabe talaga bibig ng mga medicine student." Humahalakhak na saad ni Kyleen.
"Gosh! I can't stand with your boldness, Isaac." Naiiling na saad ni Clive at sumandal sa couch, "I was supposed to say to you pa naman na my kuya's gotta attend Papa's charity for the orphans." Kunwari'y nalulungkot na sabi ni Clive at nanlalaki ang matang tumingin si Isaac sa kaniya.
"Oh my gosh for real?? Mabuti at hindi pa ako nagbibigay ng sagot kay Don Martinez kung sasama ako sa charity niya." Humalakhak na parang baliw si Isaac.
"Baliw." Sabit na lang ni Clive at tumingin sa amin ni Kyleen at nag-sign na may saltik na sa isip si Isaac kaya pare parehas na lang kaming natawa.
______<18>______
![](https://img.wattpad.com/cover/362120412-288-k519381.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy Caile × Daniel ⚠️Credits to the real owner of the photo⚠️