letters never sent #1

4 0 0
                                    

07/04/2024

Maaaring nagtataka ka ngayon kung bakit "Gads" ang napili kong palayaw para sa 'yo. Tulad ng hiling mo noong isang gabi, gusto mo magkaroon ng pangalan na ako lang ang pwedeng tumawag sa 'yo. Medyo corny at cringe ang naisip ko pero kahit ganon, para sa akin, sobrang halaga ng pangalan na "Gads". Natatawa ako kasi kahit na sabi ko "bawal magtanong kung bakit at anong ibig-sabihin ng gads", tinanggap mo pa rin 'yung pangalan.


07/04/2024

Kakaiba ka, gads. Sa simpleng pags-send mo ng mga picture ng mga bulaklak na sabi mo ay para sa akin, napapangiti mo ako.


07/04/2024

Sana, lahat ng kalungkutan na nararamdaman mo ay mapalitan ng kasiyahan na karapat-dapat para sa 'yo.


07/04/2024

Sa mahigit isang buwan nating pag-uusap, napagtanto ko na takot akong mawala ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka, Gads. Kaya sana manatili ka muna, huwag ka munang aalis.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

para kay gads.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon