Prologue

7 0 1
                                    

What if?

What if bumalik bigla yung greatest what if mo?

What if magkita kayo ulit?

What if mapatibok nitong muli ang puso mo?

What if you fell the second time around without knowing?

Pero... is it even possible to fall in love for the second time in the same person?

What if yung akala mong galit lang na nararamdaman mo towards that person ay may halo palang pag-aalala?

And what if he still cares too?

What if he still hopes for you to come back?

What if he's just waiting for you to do the move?

Would you lower down your pride and do the first move?

Parang ang pangit naman yata kung babae ang gagawa ng unang hakbang, hindi ba?

Syempre hindi mo 'yon gagawin.

Lalo na kung mayroon kayong mapait na nakaraan.

Yung tipong galit na galit ka sakaniya dahil sa nakaraan niyong hindi mo malimot-limot kahit anong gawin mo.

Yung tipong kahit sa pagkain, pagligo, pagtulog, at paggising ay naiiyak ka nalang dahil lang sa bigla mo siyang naalala.

Yung tipong kahit sa klase hindi ka na masyadong makapag-focus.

Yung kahit anong gawin mong inom hindi talaga matanggal yung bigat sa dibdib.

Isa lang naman ibig-sabihin noon, hindi ba?

Mahal mo talaga siya.

Pero sapat nga ba ang salitang mahal mo siya para mabawasan ang pagmamahal mo sa sarili mo?

Syempre hindi.

Kahit anong pagmamahal kasi yung matangap natin sa iba, iba parin yung manggagaling mismo saatin.

Pero mabalik nga, what if nga magkita ulit kayong dalawa?

Anong gagawin mo?

Iiwas ka ba?

Magbubulag-bulagan?

Lalapitan siya?

Susumbatan siya?

O hahayaan na lang?

Ito yung part na kailangan mong magdesisyon. Pero ang una mong kailangang pagdesisyunan ay kung damdamin ba o utak ang gagamitin mo.

Kasi nga 'di ba, mas mapait at masakit na makita mo ang ex mo kaysa kumilala ng bagong tao?

Kasi hinding-hindi mo makakalimutan yung mga rason kung bakit ba kayo naghiwalay.

Kung bakit ba kayo humantong sa ganoong sitwasyon.

At kung bakit nagkaroon ng lamat ang samahan niyong akala mo ay perpekto na.

Ikaw? Anong gagawin mo? Anong susundin mo?

Puso, isip, o ang galit mo?

This is a work of Fiction. Names, characters, places, and events are just a products of the author's imagination. Any resemblance to an actual persons, living, or dead are purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CRIME!

A/N: Expect typographical and grammatical errors.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blaze Of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon