45 ִִֶֶָָ࣪☾. narration

41 7 0
                                    

4:15pm

Zephanie Lynn



Habang nasa National book store kami ay busy sila sa school supplies section kaya nagpaalam muna ako na pumunta kung saan nakalagay ang mga books. Pumunta ako sa romance section para magtingin-tingin ng mga new published books.


Kumuha ako ng apat na libro na halos teen fiction rin.

Ngunit may isa pang nakakuha ng interes ko kaya pilit kong inaabot ang libro na nasa bandang itaas.


I tiptoed and tried to reach for it but it was unsuccessful.

Napabuntong hininga ako at akmang tatawagin si Scarlett na mas matangkad sa'kin nang may isang matangkad na lalaking umabot non.

"Is this what you want, Miss?" He asked politely.

"Ah opo maraming salamat." Sagot ko ngunit napatigil ako. Parang familiar ang boses kaya nilingon ko ang lalaki.


"Azrythior?"


Nandito rin pala siya.

He smiled at me and i saw his dimple beside his lips.


"Zephanie," he greets back.

"Ano palang bibilhin mo at narito ka?"

"Some books and highlighters." He answered.


"May kasama ka?" I asked again.

"Yep. They're outside."

"Bakit hindi mo kasama?"

"I want to be alone for a moment."

"Ah kaya pala."


After a few moments, he suddenly ruffled my hair and i looked up at him.

"Anong meron?" I asked confused.

"Nothing." He replied. "I just missed ruffling your hair." I heard him mumbled pero hindi ko na naintindihan.

"Azi!"

Nakarinig ako ng lalaking tumatawag sakaniya.

"Oh i think they're calling for me now. Take care, Zephanie."

"Take care rin, Azi. See you when i see you." I waved my hand at him.




Nang makalayo na sila ay biglang sumulpot si Eveline sa gilid ko.

"Isn't that Azrythior Quintero?" Tanong niya.

"Ah oo siya nga."

"Narinig ko na tinawag mo siya using his nickname." Her eyes narrowed at me.

"Sabi niya tawagin ko siya ng Azi eh." I shrugged.

"His closest friends and family only calls him Azi."

"So? Ano ang pinapahiwatig mo?"

"Close kayo?"

"Close-up oo"

She pinched my cheeks.


"Ow!"


"I'm serious. Matagal na kayong magkakilala?"

"Uh since first year of highschool."




I Got A Wrong NumberWhere stories live. Discover now