PROLOGUE

0 0 0
                                    


It's April 2020 and kasagsagan ng Lockdown, maaga natapos ang school year dahil sabi sa balita one week walang pasok, anyare na 1 month na kaming pasok!

Palakad lakad lang ako sa bahay, paikot-ikot, hindi ko alam gagawin para mawala lang 'tong boredom. Nagpatugtog na ako, nag sayaw na ako, kumanta na ako, wala pa rin, hindi naman na ako makapag wattpad kasi tapos ko na basahin lahat ng story sa Reading List ko.

Nag open ako ng Roleplay Account ko, kahit bored nag scroll pa rin ako, wala ako magawa eh. Habang nag scroll ako may nakita akong post.

"MAY DISCORD ACCOUNT KA? SALI KANA SA SERVER KO" yan ang nakalagay sa post.

Dahil familiar sa akin yung app which is dinownload ko lang Last month, kaya nag comment ako.

"sayang kakadelete ko lang ng Discord ko" comment ko sa post.

Agad naman may nagnotif na nareply yung nag post

"download mo ulit, tapos sali ka sa server ko"  reply naman n'ya

Nag chat din s'ya sa akin at binigay yung Link ng Server. Agad mo naman Dinownload ulit yung discord, try lang if masaya sa server n'ya diba?

Pagkadownload ko ng Discord agad na ako nag log in at pinindot ang server link na sinend sa akin. Pag pasok ko ng server sobrang ingay nila, tipong magkakaclose na sila agad. Nag chat naman ako agad if papansinin nila ako.

"Hi" chat ko

Pero wala man lang pumansin sa akin sa Server na yon, kaya nilibot ko muna yung server para ma-familiar ako.

12am napansin ko tahimik na sa Server kaya  nag chat ako ulit if merong sasagot.

"hi" chat ko

Naghintay ako ng ilang minuto wala pa rin  sumasagot, kaya ni replyan ko nalang sarili ko, since boang naman ako.

"hi self, musta na?" reply ko sa sarili ko

"ok naman, ikaw ba self?"  parang tanga ako na kinakausap yung sarili napaghahalataan na di ako friendly na tao eh

Habang kinakausap ko sarili ko may bigla nalang sumingit sa amin time namin ng sarili ko.

"what are you doing?" tanong n'ya

"wala, kinakausap sarili, wala ako kausap eh" sagot ko naman

"same, boring no?" tanong n'ya naman

"Oo eh, nagchat ako kanina dito, wala pumapansin sa akin"

"it's fine, ako nga rin wala kausap"

"tayo nalang mag-usap"

Napahaba ang usapan namin and naikwento ko sa kanya mga ginawa ko this Pandemic, until na mention ko may Nii-chan ako sa RPW

"i hope magkaroon din ako ng lil sis like you" sagot naman n'ya

"Actually naghahanap ako ng Nii-chan dito, kasi di na active yung Nii-chan ko sa RPW"  sagot ko naman sa kanya

And we both agreed na maging Internet Siblings ang weird diba? We are not very close like a real siblings talaga but he always protects me.

2 days passed bigla nalang nag develop yung feelings ko for my Nii-chan, naging crush ko s'ya pero hindi ako umamin kasi takot ako ma reject pero marupok ako.

Sa hindi inaasahang na topic namin ng Nii-chan ko is about crushes ganon and of course ako kinakabahan kasi s'ya yung gusto ko pero sinabi ko na wala ako crusb now and buti nalang wala crush si Nii-chan kaso kakagaling n'ya sa break up.

I feel sad for Nii-chan lalo na yung nag open s'ya sa akin ano reason ng break up nila. His girlfriend cheated on him! I thought lalaki lang ang nagloloko, pati rin pala babae nagloloko.

" it's fine Nii-chan, di mo s'ya deserve no"  yan nalamang ang sabi ko.

Why people choose to cheat kahit nasa kanila na yung taon sobrang mahal sila? Like ano pa ba yung kulang? May something ba hinahanap na di maibigay kaya hinanap sa iba?

After ilang days namin magka usap ni Nii-chan, hindi na kami nag-usap bigla and I don't why, basta ganon, nag-uusap kami but sa Server nalang and di na kami nag uusap thru private chat.

After one month na pag-iingay ko sa server nagkaroon ako ng mga kaibigan, we talk every night yung tipong umaga na talaga kami natutulog and unexpected may sumingit na naman sa buhay ko.

Someone mentioned me

"naghahanap ka ng Natsu mo diba? Ako nalang Natsu mo"  message n'ya sa akin

Nag reply naman ako "Luhh, ayaw ko nga gusto ko totoong Natsu"

and d'yan nagsimula ang asaran ng mga kaibigan ko lagi kami pinagsship until nagkagusto na rin ako sa kanya.

He's name is Mikko, mas matanda lang din s'ya sa akin ng isang taon kaya no problem, sobrang bait n'ya sa akin but hindi s'yang sweet na tao. I like him pero hindi ganon ka gusto.

We talk sa private chat but hindi s'ya nanliligaw, masaya s'ya kausap pero minsan nauubusan din kami ng topic then nagiging na yung usapan namin.

Then one night nagulat ako may isang nag-iingay sa Server, kinakausap sarili and that's my Nii-chan kaya agad naman ako nag chat agad.

"bat mo kinakausap sarili mo Nii-chan?" tanong ko sa kanya

"wala naman, wala lang ako makausap"  sagot naman n'ya

"ako nalang kausap mo Nii-chan"  dagdag ko naman and feeling ko napagaan ko naman ang loob n'ya but hindi ko inaasahan na makikipala ni Mikko yung usapan namin ng Nii-chan ko, kaya agad naman n'ya ako chinat

"bagay kayo nung Hiroto" chat n'ya sa akin

"ahh yon? Nii-chan ko lang yon, wala dapat ikabahala" sagot ko naman sa kanya

And hindi na s'ya nag reply sa akin, I think nagseselos yon, pero hindi ba n'ya nakikita na nag-uusap non tuwing umaga? Imposible rin magkagusto sa akin si Nii-chan kasi may gusto na yong iba

When I remember na may gustong iba si Nii-chan parang may something na kumurot sa puso ko na parang ang sakit na malaman na iba gusto n'ya. Kahit hindi n'ya sabihin alam ko sa galaw n'ya kung sino yung gusto n'ya.

Bakit ba ako nasasaktan? Mau gusto rin naman akong iba diba? Nandyan naman si Mikko but si Nii-chan nasa isip ko, although sobrang mysterious n'yang tao. I don't know his face, his age and kung saan s'ya nakatira di ko alam.

INTERNET + LOVE? (Ongoing) Where stories live. Discover now