bukas na kami mag f-film at nag kulang ang mga palda na gagamitin namin, kailangan namin bumili ngayon at tahiin nila ito.
“dia, ikaw na lang mag tahi ng palda nila niyan kasi ayaw daw nilang mag tahi. kapag nag reklamo ako bahala” sabi ng direktor namin sa akin at tumango lamang ako.
Magreklamo lang talaga sila ay gigisahin ko sila, dapat sila ang magtahi no'n napaka arte nila masyado.
“dia, tara na!” sabi naman nina hera sa kabilang banda.
tatlo lang kami ngayon na aalis papunta sa bilihan ng tela, si hera, aud at ako.
“ayaw raw nila mag tahi ng mga palda nila beh, jusko naman!” sabi ko ng makalayo-layo na kami sa mga kaklase namin
“tatahiin mo rin? dapat hindi mo tinanggap.” gusto ko ring hindi tanggapin kaso parang nakakaguilty rin na hindi sila tahian, sila rin naman may kasalanan kung bakit wala silang palda. Eh kasi naman, hindi halos nag a-attend.
“bayaan mo na beh, ako bahala.” sabi ko sabay ngiti sakanila hehehe
Nang makarating na rin kami sa bibilhan ng tela ay agad naming kinuha yung tela na katulad sa palda namin at pagtapos ay umuwi na kami, hindi na rin kami masiyadong umikot at kailangan na rin nilang masukatan.
“ay ayan na sila!” rinig kong sabi ng mga kaklase namin at agad kaming ngumiti sakanila.
“asan na yung mga walang palda? pumunta na kayo rito nang masukatan na kayo!” pagsisimula ko sakanila at agad na nagsipuntahan yung mga walang palda.
“hay naku! salamat at natapos din natin, magf-film na lang tayo niyan!” sabi ko sakanila at nakipag apir naman itong si zacch.
hindi rin ito nakipag asaran sa akin ngayon dahil parehas kaming may ginagawa pero ang ginagawa niya ay yung bintana na props lang namin at ako naman ay nag sukat sa apat na girls at nilinis yung mga sayaw.
“ang hirap pala maging mabait teh, dalawang task binibigay!”pag rereklamo ko at napangisi si zacch, sila ate avi naman ay tumawa.
EH KASI NAMAN, BAKIT AKO NA CHOREOGRAPHER AKO PA TONG MAG TATAHI NG MGA PALDA NILA ANG HILIG PA NAMAN NILANG MAG REKLAMO!
At wala na rin ang mga kaklase namin kaya nagsalita na ako at kami na lang ulit ang natira.
“kung sinong mag reklamo bukas na hindi maayos ang palda at maraming late bukas ay talaga namang bibirahin ko sila!” reklamo ko kila ate avi at tumatawa lang sila dahil sa ingay ng bunganga ko.
“joke lang pala, yung ibang mal-late na may work okay lang kasi baka napuyat sila sa work nila or pagod sila hehe, kaya okay lang na ma-late sila!” muli kong sabi at patuloy silang tumatawa.
“sabay tayo ulit bukas ha?” tanong ni zacch sa akin ng mag tama ang aming mga tingin
“okay, message mo ako ha?” tanong ko pabalik sakaniya, ngumiti ito sa akin at tumango.
“sus! parang hindi naman kayo magkikita pa mamaya, hahatid ka pa naman dia!” pangangasar ni kuya ryu at tumawa lang kaming lahat.
“tara na dia, baka hinahanap ka na nila tita eh!” sabi naman ni zacch pag tapos naming mag tawanan.
Nang maihatid na ako nito sa bahay ulit ay yung dating gawi lang at nagpahinga muna ako.
Hindi ko maiwasang isipin kung kaibigan lang ba talaga ang tingin niya sa akin dahil ang gulo niya, sobrang gulo.
Kung kaibigan lang ang tingin niya sa akin bakit ganoon siya umasta at bakit gano'n siya sa akin? at kung kaibigan lang talaga ang tingin sa akin nito ay hindi naman ako i-hahatid sundo at lalambingin nito hindi ba?
Kung gusto niya ako ay hindi naman ako makakasigurado roon dahil sinabi niya na wala siyang interest sa ganito at kaibigan lang daw niya ako.
YOU ARE READING
Classmate
RomanceNadia and Zacch are in the same class, and they always fight in the classroom or when they meet on campus, but they are really best friends. Nadia knows that Zacch thinks of Nadia as a younger sister, But what Nadia didn't know was that Zacch likes...