04

5 0 0
                                    

Today is the day

Mage-exam na kami, makikita ko ulit si zacch

"dia, sabay ka na kay papa mo ha?" sabi sa akin ni mama at lumingon ako sakanya't tumango.
papunta kasi siya sa work, sasabay na lang din ako

At nang makarating naman kami sa school ko ay nagpasalamat lang ako kay papa at umalis na ito.

Pumasok na rin ako sa gate ng school at dumiretso sa classroom ko. onti pa lang kaming nandito. Maaga kasi ang pasok namin tuwing monday kaya bilang lang kaming mga nandito, may flag ceremony pa kasi kaya maaga.

Maya maya pa ay nandito na si hera, sol, xan, at ate avi.

"almusal tayo, babe!" pag aya sa amin ni ate avi at kaagad naman kaming sumama sakaniya habang wala pang pumipila

"kuya may lugaw na po?" tanong ko sa nagtitinda rito at umiling ito

"sopas po?" tanong ko ulit sakaniya
"meron nak, isa?" sagot at tanong nito sa akin at tumango lang ako

at nang makuha na namin lahat ng binili namin ay nag announce na rin ang teachers namin na kami raw ay pumila na para makapag simula na ng flag ceremony.

"hoy andali lang naman ʼte!" sigaw ko sakanila dahil nasa labas na ang mga classmates ko at nag tawanan lamang sila

"beh ang oa mo" sabi ng isa kong kaklase na si jazi

at lalo kamin nag tawanan, sumenyas lang si ma'am na tumahimik kami at sinunod naman namin ito kaagad.

Papasok na kami sa classroom dahil tapos na ang flag ceremony.

"goodmorning, class! i have something to announce" pag bati ni ma'am na nakakuha ng attention naming lahat

"ang bibilis niyo talagang tumingin kapag sinabing may ia-announce" pabirong sabi ni ma'am at napatawa rin kami dahil totoong totoo ang sinabi niya, nakatingin kami sakaniya at buhay buhay kaming tingnan kapag ganiyan ang sinasabi niya sa amin. kapag naman sinabi niyang
"okay class, our next lesson is" ay hindi kami kaagad lumilingon sakaniya o 'di kaya naman ay nakatingin kami sakaniya ngunit nakabusangot o mukhang inaantok pa.

"okay so,'yung unang subject na it-take ninyo for today is a.p lang then yung pangalawa ir iresched na lang, imo-move ko na lang yun which is yung English. ne?
and the rest, you can do whatever you want daw. you can use your phones, yieeee!!" sabi at pangangasar ni ma'am sa amin.

"pwede po matulog?" tanong ni ate avi sakaniya at napangisi kami ni Hera sa tanong niya kasi halatang halata sa mukha niya na inaantok pa siya.

"bawal daw matulog! kung gusto niyo naman matulog ibaba niyo yung kurtina at isara niyo yung door" saad ni ma'am at kaagad silang nag hiyawan
bigla ring sumabat si zacch sa gitna ng hiyawan at napatahimik ang buong klase para makinig sakaniya

"ma'am! ma'am!" habang naka taas ang kaniyang kanang kamay.

"oh napano ka nak?" tanong naman sakaniya ni ma'am.
lumingon ito sa akin at halatang may balak nanaman si gago.

"pwede po ba rito si dia sa tabi ko?" nakangiti nitong sabi at lumingon ito sa akin muli at tinarayan ko ito.

umiiling iling ako kay ma'am dahil naka tingin ito sa akin habang nakangiti rin
"dia, anak oh" sabi niya habang tinuturo si zacch
tumayo si zacch at pumunta sa gawi ko at hinila ang upuan niyang isa para umupo at hinawakan ang aking mga kamay. Paraan na rin para mag hiyawan sila ang aming mga kaklase

"zacch ano ba?" iritado kong tanong sakaniya habang siya naman ay seryosong nakatingin sa akin kanina ay napatawa.
"dia, galit ka nanaman?" natatawa niyang sabi
"ang pula ng pisngi mo, wala ka namang blush diba? hindi nag lagay?" dagdag niya at hindi na nito mapigilan kundi tumawa lang.
tinarayan ko na lamang ito at pilit na inaalis ang aking kamay sa pagkaka hawak niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Classmate Where stories live. Discover now