This is a work of fiction. Names,
characters, businesses, places, events are fictitious.Any resemblance to a person living or dead or any actual events are purely coincidental and is not intended to do so.
Any typo or grammatical errors is observed as the story goes on. After the story is done, it is the time I'll edit it, if it should be done.
This is only fictitious story so any scenes and a little bit inappropriate words inside the story is for the novel only. This doesn't apply to anyone or anything.
DATE PUBLISHED: July 10, 2024
DATE FINISHED: July 10, 2024
© Peinstories 2021
-------------------------------------------------------------
Isang araw, habang nasa Mall si Van para bumili ng kailangan niya para sa school, hindi inaasahan na makikita niya ang kaniyang tatay na may kasamang ibang babae. Masaya itong naglalakad habang nagtatawanan.
Napakunot ang noo ni Van, kinikilala kung talagang ang nakita niya ay ang kaniyang Papa. Sinundan niya ang dalawa hanggang makumibinsi siyang ang tama ang nakita niya. Iyon ay ang kaniyang Papa.
Kaya naman, hindi rin nagtagal at umuwi na rin kaagad si Van.
Nang makauwi na siya, sinalubong siya ng kanyang ina na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
"Oh, anak. Akala ko ba mamaya ka pa uuwi? Bakit maaga ka? Nabili mo na ba ang mga kailangan mo?" "Nakangiting tanong ng kanyang ina sa anak na si Van.
"Wala po, Ma. Wala po kasi sa Mall ang hinahanap ko," pilit ang ngiting sagot nya sa kanyang ina.
Napatayo naman si Joana at lumapit sa anak. Pinatitigan nya ang kanyang anak, inaalam kung ano ang problema nito.
"Ayos ka lang ba, anak? May problema ba? Magsabi ka kay Mama," nag aalalang ani ni Joana sa kanyang anak.
Pilit parin ang naging ngiti ni Van sa ina at umiling bilang sagot.
"Wala lang po ito, Ma. Pagod lang po siguro ako," sagot nya. "Akyat lang po ako sa taas."
Walang salitaang nilagpasan ni Van ang kanyang ina na si Joana at dire-diretsong umakyat sa taas sa kanyang kwarto. Sinundan naman ng tingin ni Joana ang kanyang anak. Napabuntong hininga siya sa katamlayan ng anak nyang si Van.
Ipinagsawalang bahala nalang ng nanay ang nangyari at nag asikaso nalang ng bahay. Lumipas ang ilang oras ay umuwi na rin ang kanyang asawa galing sa trabaho.
"Oh, mahal, nakauwi ka na pala. Kamusta ang trabaho?" Malambing na tanong ni Joana sa asawa nyang si Sean.
"Eto, pagod," pagod na sagot ni Sean sa kanyang asawa.
"Anong gusto mo? Gutom ka ba? Ipaghahain kita, teka lang." Akmang kikilos si Joana para ipaghain ang kanyang asawa nang hawakan siya nito sa kamay para pigilan ito sa kanyang gagawin.
"Hindi na. Salamat nalang. Mas gusto ko nalang matulog at magpahinga. Pagod talaga ako, Joana," walang ganang sagot ng lalaki sa asawa.
Ibinaba ng asawang lalaki ang bag nya sa sofa at niluwagan ang necktie nito. Pagkatapos noon ay umakyat na ito sa taas, habang ang asawang babae naman ay mukhang nalungkot ngunit iniintindi nalang ang asawa nito.
Kinabukasan, habang nasa hapagkainan ang panganay, nanay at ang bunso, para kumain, kinamusta ng nanay ang panganay nito. '
"Kamusta ka, anak? Mukhang may problema ka, ah? Pasensya na at hindi kita napuntahan sa kwarto mo kagabi at inasikaso ko ang Papa mo kagabi," napapabuntong hininga nyang sabi sa anak na si Van.