Chapter 1 || Dasurv

1 0 0
                                    

ZENAIAH'S POV


"AYAAAAAAAA!"

Agad akong napatalikod nang marinig ang pamilyar na boses. Tumuwid ang pagkakatayo ko at dahan-dahang naglakad palayo—trying hard not to caught any attention. Kaso sa lakas ng boses ng babaitang ito imposibleng makapagtago pa ako.

Lagot ka talaga sa'kin mamaya, Trix!

"Zenaiaaaahh!!!"

Mariin akong napapikit at halos magdugo na ang pang-ibabang labi ko sa pagkakakagat ko rito.Talagang binuo niya pa talagang isigaw ang pangalan ko!

"Naya?"

Nanlaki ang mga mata ko. Lumabas siya! At nakita niya akoooo! Nakita ako ng crush ko na nasa labas ng room nila!

Para akong manikang unti-unting pumihit paharap sa kaniya. Suot ang pilit at kabadong ngiti, itinaas ko ang kanang kamay ko at bahagyang ikinaway ito sa harap niya.

"H-Hello, Kobe! M-Mauna na ako!"

"Mr. Villermo, sinong nandyan?!" Hindi ko na hinintay na labasin pa ako ni Mrs. Heraldo at kaladkarin papuntang Dean's Office. Paano ba naman kasi oras ng klase ay nandito ako sa tapat ng room nila Kobe samantalang nasa kabilang building ang room ko. Kumaripas na ako ng takbo pababa—palayo sa muntik nang maging gulo.

Hinihingal akong tumigil at umupo sa huling baitang ng hagdan para habulin ang hininga ko. Maya-maya ay rinig ko na ang pababang hakbang ng bruhildang kaibigan ko na siyang dahilan kung bakit ako halos kapusin ng hininga ngayon.

"Lakas din ng amats mo sa ulo, 'no?" bungad ko rito pero sa halip na patulan ang pambabara ko, itinapat pa niya sa mukha ko ang iPhone niya. Halos maduling pa ako sa sobrang lapit nito kaya padabog kong inilayo ang kamay niya. Salubong pa rin ang kilay ko sa ginawa niya.

Inayos ko ang bag ko at ang uniform kong nagkandagusot-gusot na sa katatakbo ko kanina saka walang pasabing tumayo at naglakad papunta sa cafeteria sa kabilang building. Meron naman dito sa Building A kaso exclusive for STEM students at Engineering or Architecture students. Actually tig-iisang cafeteria ang tatlong building rito. Yung isa nasa amin, sa Building C, kaso exclusive rin for ABM and Businesses related courses yun. 'Yung nasa Building B lang ang free para sa lahat. Mababait daw kasi ang HUMSS. Pero ang chika, clout chaser lang daw kasi 'yung tindera doon.


Since iyon ang pinaka malapit sa amin ngayon, doon ang gustong destination nitong kumakalam kong sikmura.

"Siiizzaaaams! Omggg! Hindi ka maniniwala!" biglang tili ni Trix na nakasunod na pala sa'kin. Hindi ko alam kung bakit 'di maalis ang ngiti niya samantalang halos sumayad na sa lupa ang pagkakabagsak ng mukha ko.

Sayaang kasi! Tiyak bawas points iyong ginawa ko kanina kay Kobe!

"Hindi talaga! Maniwala ka mag-isa mo!"

"Ows? Memetey? Kahit tungkol pa ito kay Giann?"

Tumigil ako sa paglalakad, ilang metro nalang ang layo sa pakay ko. Halos amoy ko na ang nakakatakam na aroma ng chicken pastil na paborito ko!

"Huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan niyan ngayon lalo't nagugutom ako, Estrella Xianna!"

"Ang kadiri ng Estrella, ghurl!" Umakto pa siyang nasusuka. OA talaga. "Pero affected pa rin? Uyy! One month na rin, ghurl. Move on, move on din, ha?"

Hindi ko nalang siya pinansin at dumeretso na ako agad sa counter para umorder. Daldal pa rin siya nang daldal pero hindi na ako nakikinig. Bukod kasi sa gutom na ako ay talagang nanghihinayang ako kanina. Panigurado sira na image ko roon kay Kobe. Tsk. Ito kasing buwiset na ito—panira talaga ng love life ko e.


"Nakikinig ka ba?!" pansin niya nang tuloy-tuloy lang ako sa paglamon.

"Mukha ba?!" singhal ko matapos lumunok.

"Hindi ka na nakakatuwa, alam mo ba 'yun?" irap niya sabay lapag ng kanina niya pa tinititigan na iPhone niya.

"Hindi ka rin po kasi nakakatuwa, alam mo po ba 'yun?" pambabara ko ulit sa kaniya.

"Ano bang ikinapuputok ng butse mo riyan, ha? Para namang hindi loko-loko 'yung Kobe na 'yun kung makapag-alala ka dyan sa image mo! At isa pa, kahit na magpaka anghel ka pa sa paningin nun, hindi ikaw tipo n'un, ghurl! Mas bet ng mokong na 'yun iyong mga bitchy girls at yung may..." Tumingin siya sa harap ko na puno ng panghuhusga. Can anyone please remind me to pull her hair hard later? "...'yung may hinaharap."

Ngumiti ako sa kaniya. 'Yung klase ng ngiting mananakbo ka na ngayon pa lang para isalba ang buhay mo. "Pasmado rin talaga bibig mo, 'no?"

"Pakinggan mo kasi ako!"

"Ano ba kasi 'yan?!"


Oras pa ng klase ngayon kaya malaya kaming magsigawan dito nang walang nagagambala. May mangilan-ngilang estudyante ring nandito pero mga bumibili lang ng snacks tapos umaalis din. Buti nalang at hindi pumasok si prof kaya dalawang oras kaming vacant.


Nang makaupo kami, agad na itinapat ulit ni Trix sa mukha ko ang iPhone niya, sapat lang para makita ko ang kung ano mang kinababaliwan niya kanina pa.


"Thrilton Hawks Vs. Cremsons Lions will happen next week na!"


"The fudge, Trixie?! Sinira mo moment ko kanina para lang d'yan?! Mukha ba akong fan ng basketball na 'yan?" Hindi ako makapaniwala sa kabaliwan ng isang 'to. I refuse to look closely sa post ng page namin na ipinapakita niya.


"Bebs," Ibinaba niya ang phone niya saka tumingin sa'kin na para bang ang tanga ko sa mga oras na 'to. "Volleyball kasi 'yan. Meaning, kasali si Giann. Attend tayooo!"


"Bebs," Ginaya ko ang tono niya. "Una sa lahat, exam na natin next week. Baka lang naman gusto mong magreview, 'no? At saka mainit pa dugo ko sa mokong na 'yun! Hayaan mo muna siya. Panigurado pupunta rin naman ang BFF niya roon."


Giann Ryle Villoso is our friend since 1st year high school. Since then, palagi na kaming magkakaklase, ngayong senior high lang kami nagkahiwa-hiwalay kasi iba-ibang strand ang pinili namin. Nasa ABM ako, HUMSS si Trixie, at STEM naman si Giann. Varsity siya ng volleyball team namin at dakilang huwaran ng mga chicboy.


"Seryoso, nagtatampo ka pa rin?"


Inirapan ko siya. Padabog kong ibinaba ang mga kubyertos ko na ikinagulat niya. "Ilang beses ba kasi natin siya pinayuhan na landiin niya na lahat ng babae rito sa campus—'wag lang ang Eunice na 'yun! Nakinig ba siya? Oo nang oo tapos malalaman ko, sila na?! Bulag ba siya?!"


Sinubukan akong awatin ni Trix sa pagtaas ng kamay niya pero hindi ako nagpaawat.


"May pa 'I will never settle for less' pa siyang nalalaman. E higit pa sa pagiging less ang buong pagkatao ng babaeng iyon, e! Napaka clout chaser!Masyadong pa-victim amp*ta! Kagigil much!"


"Ayaaa!"


"Bakit ba?!"


Sa halip na sagutin ako ay ngumuso lang siya sa likuran ko. Sa entrance ng cafeteria. Hindi pa man siya nagsasalita parang gusto ko nang lamunin ng lupa sa klase ng ngiti niya.


"N-Nasa likod siya, 'di ba?" bulong ko sapat lang para marinig ng kaharap ko.


Mabagal siyang tumango. Mariin ang naging pagpikit ko. "Silang dalawa."


"Pagkabilang ko ng tatlo siguraduhin mong susunod ka sa'kin."


Pikit-mata akong nagbilang saka kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria. Pilit binalewala ang presensya nila Giann sa pinto. Bahagya pang nakaawang ang bibig nila nang lagpasan ko. Nakuu! Ang bibig ko talaga hindi mapigilan kapag nasimulan nang sumatsat!


"Sorry!" sigaw ko nang bahagya kong mabunggo ang balikat ni Eunice. Doon handa akong mag-sorry pero sa mga sinabi ko tungkol sa kaniya?


I think she deserves it.


—imapsycho—

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My IkigaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon