PROLOGUE

4 0 0
                                    

Nerine's POV

Kanina ko pa talagang feel mambato ng bote ng alak. Sipol kasi ng sipol itong nasa likod ko, hindi ko malingon lingon dahil naiinis ako. Ewan ko ba, nagpunta ako sa bar para magsaya pero hindi makisabay ang mood ko dahil naiirita ako sa lakas ng music.

Hindi pa din siya tumitigil kaka sipol kahit sobrang lakas ng music. Naririnig ko pa din 'yon dahil nasa counter lang siya at nasa harap lang ako ng counter, alam kong ako lang ang sinisipulan n'ya dahil malakas ang instinct ko. Nilingon ko siya at masamang tiningnan pero nawala din ang tingin na 'yon ng makilala ko siya.

“J-jake! I-ikaw pala 'yan.” kamot batok kong sabi.

Mukha namang nakilala niya agad ako kasi kanina pa nga siya dyan sa likod ko. “Nerine.” nababakas ko sa mukha niya ang ngiti.

“Jake ikaw pala 'yan akala ko kung sino. Bat ka ba kasi sipol ng sipol?” sabi ko sa kanya ng nakangiti pero ramdam kong parang ngibit 'yon.

“Kanina ka pa kasing nag iisa diyan.” sabi niya habang papalapit sa kinauupuan ko.

“Pauwi na din naman ako inuubos ko lang 'to.” sabay taas ng baso ng alak na hawak ko ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

Nabalot na naman kami ng katahimikan at tanging lakas lang ng music sa dance floor ang pumapagitan sa katahimikan namin. Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko, meron talagang kakaiba e hindi ko maipaliwanag. Akward kaya nag desisyon akong tumayo at magpaalam sa kanya.

“Uwi na 'ko, may kailangan pa pala akong gawin e.” usal ko ng nagmamadaling umalis, tanging pag ngiti na lang ang naisagot niya sa akin.

Pinilit ko talagang makalabas sa bar na 'yon kahit sobrang daming tao ang nagsasayaw halos maipit na nga ako sa gitna.

Pagka-uwi ko sa bahay patay na ang mga ilaw pero alam kong gising pa si mama, sigurado akong hinihintay na niya ko. Sakto namang aakyat na ako papunta sa kwarto ko ng makita  niya ko.

“Oh anak andyan kana pala, kumain kana ba? May pagkain sa kusina. Kumain ka muna.” mahinahon niyang sabi.

“Kumain na po ako mah, akyat na po ako sa taas goodnight po!” nakangiti kong sabi at agad naman niya akong hinayaan umakyat.

Siguro kasi sanay na si mama at papa sa akin na gabi na talaga ako umuwi dahil kapag may pasok madami namang activities at groupings kaya ang ending sa bahay ng kaklase gagawa non kaya kahit medyo madilim na 'ko umuwi hindi na ko napapagalitan dahil may tiwala naman daw sila sakin kaya hindi ko sisirain ang tiwalang yon. Pero hindi naman sila nagkukulang na palagi akong paalalahanan.

Pagkapasok ko sa kwarto humiga agad ako sa malambot na malambot kong kama, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na lamang pag nakikita ko ang lalaking kinabaliwan ko ng matagal na panahon at 'yon ay si Jake.

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now