EX
NERINE'S POV
Mahaba haba ang tulog ko. Pagkagising ko tiningnan ko kaagad kung anong oras na sa cellphone ko 12:50 na pala. Dali dali akong bumangon at pumasok sa loob ng cr sa kwarto ko. May usapan kami ni Lea ang bestfriend ko, pupunta kami sa videokehan, dahil sunday naman ngayon may time pa kaming magpa chill chill dahil hindi naman tambak ang activities. Dinalian ko na ang pag ligo ko okay lang kahit madali importante nakapag buhos. Pagkalabas na pagkalabas ko agad ng banyo biglang tumunog ang phone ko na nasa kama dali dali kong tiningnan kung sino ang tumatawag.
Si Leana....
Pinindot ko ang green sign upang masagot ang tawag agad naman siyang nagsalita.
“Hello, Nerine! Asan kana ba?? kanina pa kitang hinihintay may balak kapa bang sumama!?” sa paraan ng pagsasalita niya alam na alam kong kanina pa siyang naghihintay, tanghaliin ba naman ng gising.
“Oo na, bababa na. Can you please lower your voice!? Ang lakas lakas parang bingi naman kausap mo!!” nilaksan ko na para naman maramdaman niyang hindi bingi ang kausap niya.
“Okay. Kanina pa kasi akong naghihintay, nakailang tawag na 'ko saiyo hindi ka naman nasagot. Ang usapan twelve o'clock anong oras na Franchesca??” may bahid na pagkainis sa boses niya pero hindi ko na pinansin 'yon at pinatay na ang tawag.
Sadyang napakainipin ng babaeng 'yon ayaw na ayaw niya ng pinaghihintay, tsk tsk. Wala tuloy akong nagawa kundi magbihis na lang ng simpleng satin dress at sandals tas naglagay na din ng light makeup.
Baka may pogi hahahaha
Dali dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Naabutan ko pa si mama at agad na nagpaalam sa kanya.
“Mah, alis na po ako promise po babawi ako ng bonding sa inyo ni papa next weekend, loveyah.” may pa kindat kindat pa 'ko na ikinatawa naman niya.
“Sige, ingat ka ha.” sabay yakap sa sakin
Pagkabitaw namin sa isa't isa, diretso agad ako sa gate ng bahay alam kong kanina pa don ang babaeng 'yon, kahit kelan talaga oh napaka mainipin. at tama nga ako pagkabukas na pagkabukas ko ng gate sumalubong agad sa akin ng nakakunot niyang kilay haha cute.
“Sasama ka pa pala?” sarcastic na sabi niya.
“Eto naman. Nalate lang ng gising 'yung tao. Puyat to bes puyat.” nilakhan ko talaga ang mata ko para makita niya ang kaunting itim sa ilalim ng mga mata ko. Hindi kasi talaga ako nakatulog kakaisip sa punyetang lalaki na 'yon.
“What ever tara na nga.” sabay talikod.
Sungit tapos mamaya magpapalibre sa akin.
Maya maya pa sakto namang may dumaan na taxi at sumakay kami, tahimik naman nitong katabi ko ano kayang nakain nito at tumahimik. Mukhang may problema hindi naman 'to ganito e madaldal to bes madaldal.
“Hoy! May problema ka ba?? Kanina ka pang tahimik diyan ah.” nakatingin talaga ako ng diretso sa mga mata niya.
Mukha namang nakuha niya na seryoso ako at nagsalita.“Ahm.” Parang nag aalangan pa siyang mag sabi “Nerine, baka p-pwede na sa inyo muna ako mag stay. W-wala kasi si mama sa bahay dahil sa work niya. N-natatakot talaga ako sa mga kapitbahay namin.” Bakas sa mukha niya ang lungkot at takot, okay lang naman sa akin kung doon muna siya mag sstay. Papayag din naman si mama at papa dahil kilalang kilala na nila si Lea. Pero syempre kelangan ko pa ding maghingi ng permiso sa kanya.
“Okay lang.” sabay hawak sa dalwang kamay niya. “Pero sasabihin ko muna kina mama at kapag pumayag sila tatawagan kita agad.” nakangiting sabi ko 'yung ngiting totoo talaga para hindi na siya mag isip ng kung ano ano pa.
Mga hanep kasi mga kapitbahay nila mga manyakis kaya kahit ako natatakot din para sa kanya.
Nakarating kami sa videokehan na pupuntahan namin. Pagkababa at pagkababa pa lang namin ng taxi parang walang problema 'tong babaeng 'to ohh ang saya saya. Nagsasayaw pa talaga habang papasok. Madaming tao, siguro dahil na nga weekend ngayon kaya madami din ang tumatambay.
Pagkapasok sa loob naghanap na agad ng maaupuan 'tong si Lea, basta talaga walwalan go na go siya haha. Higit higit niya ang isang kamay ko papunta sa pwesto namin. Hindi ata nakakaramdam 'to na naka sandals ako at may heels, nahihirapan akong maglakad lalo na't higit higit niya ko.
Tumigil kami sa isang pinto at feeling ko kwarto kung nasan ang videoke at mukhang soundproof kasi kahit birit na birit na 'yung ibang kumakanta wala talagang naririnig na kahit ano kundi ang ingay lang nitong si Lea na nasa tabi ko.
“Halika na Nerine sa loob tayo, may mga chix dito.” nakangiting saad niya
Sumunod lang naman ako at umupo sa isang couch, ewan ko ba kung videokehan talaga ito. Malaki at malawak pa sa inaasahan ko tsaka may nag iinom? Nag iinom talaga? Akala ko ba kantahan lang bakit may mga nag iinom? Nabalik lang ako sa katinuan ng biglang tawagin ako ni Lea. Tskk iba kutob ko sa lugar na 'to, ikaw ba naman mag first time dito.
“Psst! Nerine!” tawag niya ulit para mapalingon ako sa kanya.
“Bakit ba??” nakakunot ang kilay kong sabi
“Chix ohh.” sabay nguso kung nasan ang chix daw kineme na sinasabi niya.
Mukhang nabuhayan ako sa pagkakasabi niya.Chixx?? May pogii!!
Agad kong tiningnan ang chix na tinuturo ng mapupula niyang labi, nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto kung sino ang lalaking yon. Bakit ngayon paaaaaaa!????. Bakit kelangang palagi kitang nakikita. Arghhhhh!
“S-si Jake.” bulong ko pero mukhang narinig naman niya.
“Kilala mo? pakilala mo naman ako.” may pag alog alog pa siya ng balikat ko. Sana lang talaga 'wag niyang maalala ang ex kong 'to palagi ko pa namang nakekwento sa kanya 'to nung first year palang namin sa senior high school.
At ang babaeng 'to sarap sapakin may boyfriend na siya tapos magmakaawa sa'kin para makilala niya 'tong manlolokong 'to. Ang galing e kung isumbong kaya kita kay Clark.
“Tumigil ka nga Leana.” sabay alis ng mga kamay nito sa balikat ko. “Isumbong kaya kita sa bf mo tsaka may girlfriend 'yang hinaharot mo.” pagbabanta ko sa kanya.
“Hehe, eto naman hindi mabiro, pero sino ba 'yang gf niyang 'yan. Class A ba?” may pagtaas at baba pa ang kilay niya na kala mo'y nang aasar.
“Aryan Acosta.” walang buhay kong sabi.
Matagal ko ng alam na may gf ang lintek na manlolokong 'yan at talagang class a nga ang peg niya pero hindi pa din ako masisindak haha. Nerine Franchesca ata 'to oh!
“What!?” kitang kita sa kanya ang pag ka gulat. Kilala naman kasi si Aryan bilang isang rich kid sa lugar at school namin.
“Yup, kaya 'wag ka ng papansin diyan.” sabi ko sa kanya habang umiinom ng tubig.
Hindi ko alam kung talagang hindi niya nakikilala si Aryan or hindi lang talaga niya tanda ang babaeng sumira sa relasyon namin ni Jake.
Tumango tango siya ng parang nagegets na niya hanggang sa pinagkatitigan niya na 'to ng parang may naalala o may iniisip.
“OMG! 'di ba yan yung ex boyfriend mo nung senior high school ka? Sabihin mo! Sabihin mo nga! ” sabi niya ng nakatakip pa ang dalwang kamay sa bibig niya. Patay na nga, nalintikan na.
“O-oo, siya nga.” kagat labi kong sagot.
“Sabi na e pamilyar, teka teka.” tumayo siya pero hindi ko na napigilan dahil bigla na lang niyang pinuntahan 'yung impaktong 'yon na nakatingin naman sa gawi ko. Gusto ko ng umuwi.
YOU ARE READING
Unforgettable Love
Teen FictionNerine Franchesca Santiago fell in love with her ex boyfriend named Jake Cyruis Varin. They are lover back then when they're first year in senior high school. Then Jake came back into her life to be with her again.