Aiza P. O. V
"OH! BILI! BILI! NA KAYO NG ISDA SARIWANG SARIWA AT BAGONG HULI AT MASARAP!"
"Magkano sa isda mo?"
"100 po ang kilo, nay, "
"100? Aba'y pag ka mahal naman ng isda mo, ineng,"
"Nay, kahit ho' mahal ang kilo ng isda ko nasisigurado ko naman po ang kalidad nito, dahil bagong huli po ito at sariwang- sariwa."
"talaga nang sariwa yan, ha, "
"oo naman ho, at paniguradong kahit anong klase ng luto nyo sa isad ko ay mas lalo pa itong sasarap. "
"Oh, sya, sige bilhan mo ako ng 1 kilo."
"right away, nay. "
Nakangiting sabi ko at nagmamadaling matimbang at nilinisan ang isda,maya maya pa ay minor ko na ang plastik na may lamang isda kay Nanay.
"Heto na po, nay, " sabi ko sabay abot ng isang supot na may lamang isda.
" Sigurado kang bago at sariwa itong isda mo, ineng, ha? "
"Oo naman ho, nay, ganito na lang kapag napatunayan nyo po na hindi masarap ang mga isdang binibenta ko, bumalik po kayo sa akin at ibabalik ko po ang bayad nyo, nay,"
"oh, sya, sige."
"Sige ho, balik po, kayo nay! " nakangiting sabi ko bago umalis ang customer ko.
"Mukhang marami ka ng benta, Aiza."
Napatingin ako sa katapat kong pwesto dito sa palengke, napangiti ako ng makita si Aling Cora, na kadarating pa lang sa kanyang pwesto.
"Magang umaga po, Aling Cora!"
Nakangiting bati ko sa kanya.
"maganda ka pa sa umaga, aiza."
"naku..kayo talaga Aling Cora ang hilig nyong mambola, eh...di hamak na mas maganda naman hp kayo sa akin."
"Naku! Talagang batang ito, hindi marunong magsinungaling, hahaAhaha!!!!"
Pagkasabi nya noon ay parehas kaming natawa.
"gusto nyo po bang tulungan ko na po kayo dyan sa pag- aayos nyo sa paninda nyo?" tanong ko ng makita kong inaayos na nya ang kanyang mga panindang isda.
"naku, huwag na, kaya ko na ito, anak, salamat sa alok mo." nakangiting sabi nya sa akin.
Napangiti na lang ako sa kanya at pinagmasdan sya sa kanyang ginagawa, sa totoo lang humahanga ako dito kay Aling Cora, dahil kahit na mag isa na lang sya sa buhay ay pilit nyang iginagapang ang kanyang 3 anak, namatay raw kasi ang asawa nya sa nangyaring malaking sunog sa lugar na ito noon.
"hi ate! "
Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ng boses na yon.
"Saan ka galing, Michelle? " tanong ko sa magaling kong kapatid ng makalapit na sa akin.
Na kadrating lang galing sa School na, hindi ko ng alam kung talagang sa school galing ito.
"Ah... Dyan lang ate. "
"Dyan lang? " ulit ko na nakataas pa ang isang kilay at nakapamewang pa habang nakaharap sa kanya.
"O-oo naman ate, dyan lang. "
"Hoy! Michelle ha, baka puro lakwatsa yang inaatupag mo ha, at puro pagpapantasya dyan sa mga idolo mo. Naku, subukan mo lang na kapag bumaba yang grado mo, ng dahil dyan sa mga kalokohan mo, patitigilin talaga kita sa pag aaral. "
"Aish! Oo na ate, alam ko na yan paulit-ulit na lang eh, " inis na sabi nya at nagkamot sa batok.
"Aba' batang to, sumasagot ka na, gusto mong punitin ko yung mga poster na nakadikit sa bahay, huh' "
Pagbabanta ko sa kanya.
"hehhehehe.... Eto naman si ate... Hindi naman kita sinasagot... Nagpapaliwanag lang naman ako... " naglalambing na sabi nya sa akin, habang nakakapit pa sa braso ko.
Huh' takot lang sa akin nito, baka talagang punitin ko nga talaga ang mga basura nyang nakadikit sa bahay, dahil naiirita ako, sa mga poster ng mga idolo nya.
"Ang mabuti pa, para may magawa ka, eh, tulungan mo na lang akong magligpit ng mga gamit at natirang paninda, para nakauwi na tayo ng maaga."