Her Name's Paris

12 0 0
                                    

Chapter 2: Her Name's Paris

Nagmamadaling lumabas si Paris dahil sa takot na makatikim pa s'yang muli ng pananakit sa dating kasintahan. Nag pupumilit itong makipag balikan sa kan'ya pero hindi n'ya kayang tanggapin dahil sa ginawa nitong pananakit at panloloko sa kan'ya.

"Pattricia, sandali! I'm sorry, hindi ko sinasadya"

Kahit naglaglagan na ang mga gamit n'yang hindi naiayos ilagay sa bag ay hindi na n'ya magawa pang balikan at pulitin dahil baka abutan lamang s'ya nito.

Nanginginig ang mga kamay at nanlalabo na ang mga mata dahil sa walang ampat na pagluhang nagmamadaling bumaba ito ng hagdanan, palayo sa kan'yang dorm.

Hindi ito ang unang beses na nag punta ito sa kan'ya matapos nilang mag hiwalay at sa tuwing hindi s'ya papayag ay pinagbubuhatan s'ya nito ng kamay at tatakutin na lalo pa s'yang masasaktan kung patuloy na mag mamatigas.

Paris grew up in abusive family. Bata pa lamang ay madalas na s'yang makatikim ng pananakit mula kan'yang Ama dahil isinisisi nito sa kan'ya ang pagkawala ng kan'yang Ina na namatay sa panganganak sa kan'ya tuwing ito'y nakakainom. Ang stepmother naman n'ya ay ganon din, imbis na pakitaan s'ya ng pagmamahal ay tinuturing pa s'ya nitong alila kapag wala ang kan'yang Ama sa loob ng pamamahay, kapag naman hindi agad nasusunod ang gusto ng stepmom n'ya ay gumagawa pa ito ng kwento sa kan'yang Ama na dahilan para saktan s'ya nito at ikulong sa kan'yang kwarto.

Akala n'ya ay ganito ang pag mamahal. Bata palamang s'ya ay palaging sinasabi ng kan'yang ama na nasasaktan lamang s'ya nito dahil mahal na mahal s'ya at gusto s'yang lumaki ng maayos, na ang pananakit ay parte lamang ng pagdedisiplina sa kan'ya dahil mahal s'ya nito. Kaya naman nakatagal s'ya ng halos apat na taon sa pang aabuso ng kan'yang dating kasintahan dahil akala n'ya, iyon ang pagmamahal katulad ng nakagisnan n'ya.

"Pattricia! Tangina sinabing sandali! Kapag naabutan kita ay talagang malilintikan ka sa'kin"

Napahagulgol na lamang si Paris habang nagmamadaling binubuksan ang gate palabas sa kanilang dorm. Pabalik balik ang mga mata sa lock ng gate at sa likod n'ya dahil baka maabutan s'ya nito. Please.. please!

Nagtambol ang kan'yang dibdib sa takot ng makitang malapit na ito sa kan'ya at nang mabuksan ang gate ay hindi na napansin ang sasakyang paparating na muntik pang makasagasa sa kan'ya kung hindi lamang ito naka preno kaagad.

Kahit pa nagulat sa bilis ng pangyayari ay mas pinili na lamang n'yang humingi ng tulong sa kung sino man ang nagmamay ari ng sasakyang iyon kaysa naman maabutan at masaktan pa lalo sa kamay ng kan'yang dating nobyo.

"Please! Please.. Help me! Parang aw n'yo na.."

Pag-iyak n'ya habang kinakalampag ang bintana ng sasakyan. Agad namang bumukas ang pintuan niyon na s'yang kina atras n'ya. Kahit pa nanlalabo na ang mga mata mula sa mga luha n'ya aya agad n'yang nakilala ang lalaking nanlalaki rin ang mga matang nakatingin sa kan'ya ngayon.

"Pattricia!"

Nag panic s'ya ng makitang lumabas ang lalaki mula sa gate at madilim ang mga matang nakatingin sa kan'ya. Muli n'yag nilingon ang lalaking nakasama n'ya ng gabing iyon, ang lalaking pinagbigyan n'ya ng sarili. Ang estrangherong binatang inangkin s'ya ng may pag-iingat na sa tanan ng buhay n'ya ay dito n'ya lang naranasan, sa ganoong sitwasyon pa.

Beyond The One-night Stand [Vallemo Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon