Rachel's POV
Veronica Luishall, nag iisang anak ni Marquess Verol Luishall. Kilala siya sa pagiging sociable at palaging nag hohost ng tea parties, sobrang sikat niya sa social circle. Also sikat din siya for degrading others, pag nalaman niya lang na may isang noble lady ang pinag interesen ng mga tao ay ma ti-threaten siya.
Lalo na pagdating kay Prince Vlad, alam na yata ng buong kaharian na gustong gusto niya ito. She will always stalk him and chase after him. Rinirespeto parin ni Prince Vlad si Veronica at hinayaan sa gusto nito kahit sa loob looban nito ay sobra na pagkadigusto nito at pagkairita sa kanya.
Pinilit kasi siya ng hari na kuhain ang loob ng dalaga para makontrol ang Luishall Family. Alam kasi ng hari na gagawin ni Marquess Verol ang lahat para sa anak niya kahit hindi nito pinapakita.
Kaya nang naghahanap ng candidates for crown princess ang hari, si Veronica ang first choice. Nawalan ng pagasa ang ibang kandidata dahil alam nilang in favor ang hari sa kanya. Not until pumasok sa eksena ang bida ng kwento, si Lady Cassy. A cliche twist where Prince Vlad took an interest to Lady Cassy when he saw her in the party where it will be announce the crown princess.
Nagkamabutihan na pala si Prince Vlad at Lady Cassy sa kabilang banda habang si Lady Veronica ay hindi na makapaghintay na mapasakanya ang prinsipe. Nang inanunsyo na kung sino ang magiging crown princess ay nagulat ang lahat lalong na si Veronica nang ibang babae ang pinakilala ng prinsipe.
Nawala ang saya sa puso nito at napalitan ito ng galit at selos. Gumawa ng gulo si Veronica sa party kaya nasira ang reputasyon niya sa social circle. Nagkulong ito ng ilang araw bago nagpakita para makapaghiganti sa bida. She verbally and physically bullied her with her minions.
Nang makarating ito kay Prince Vlad ay malapit niyang napatay si Veronica pero swerte ang gaga dahil may gintong puso itong bida natin kaya pinatawad parin niya ito. Pero ang bruha lapit parin ng lapit sa kamatayan niya kaya in the end natigok parin siya ni Prince Vlad.
Well, route pa lang yun ni Prince Vlad. May dalawa pang routes, kay Duke Ben at kay Rence. Ang hindi gaanong kalupit na kamatayan ni Veronica ay ang route ni Prince Vlad, diretso na kasi siya tigok. Kay Duke Ben, pinainom muna ng maraming lason tapos papagalingin ulit bago pinainom ng asido na dahilan ng kamatayan niya. Pero yung kay Rence, grabe tinorture pa bago pinag chop chop ang mga body parts ugh napangiwi dahil may scene na lumitaw sa isipan ko.
At yung babaeng pinahirapan nila bago pinatay ay ako. Si Veronica Luishall ay ako na. Sa dami daming karakter sa storya naging kontrabida pa talaga ako. Mabuti nga ay naalala ko pa ang plot ng storya dahil mag sisilbi itong knight in shining armor ko para maligtas sa mga kamay ni Lucifer.
Of course una, hindi ako magpapapansin at maghahabol kay Prince Vlad. I think 5 years pa kailangan ang malipas bago mamatay ang bruha kaya safe pa ako. Hindi pa inanunsyo ang paghahanap ng candidates for crown princess kaya may chance pa akong hindi sumali. Hindi ko alam kaninong route ako napunta pero sa pagkakaalam ko ang Veronicang napunta ko ay may gusto kay Prince Vlad so it means kay Prince Vlad ang route na to.
Ngayon ko lang din na gets ang sinabi sa'kin ni Kai (yung kyutipie) nang sabihan niyang nawalan daw ako ng alaala dahil sa pagkahulog ko sa ilog. Well nalaman ko na ang rason kung bakit, grabe talaga ang bruha hindi lang pala stalker, creep rin pala! Sabi nila sinisilipan daw niya si Prince Vlad habang naliligo ito sa ilog.
Hindi ko na talaga mahaharap ang mukhang ito sa kanya! Kung nandito lang yung bruhang yun sinasakal ko na sana yun shet! Dinagdagan niya ang mga problema ko para mapahaba ang buhay ko sa mundong ito.
Nakarinig ako ng katok kaya binuksan ko ito at nakita ko ang kyut na si Kai.
"Milady, ipapaalam ko muna sayo na may tea party kang iho-host ngayon."
Shet na malagkit! Arghh ang sarap mo talagang tisirin Veronica!
________________
_______◇ROSE WITH THREE THORNS◇
THE FEMALE LEAD KNOWN FOR BEING THE EPITOME OF PURITY AND KINDNESS.
~Cassandra Petersburg~
▪︎Curly brown hair and hazelnut eyes
▪︎Commoner
▪︎OrphanTHE FIRST MALE LEAD KNOWN FOR BEING PERFECT AND CHARMING.
~Vladimir Anderson~
▪︎Blonde hair and bright diamond eyes
▪︎Crown PrinceTHE SECOND MALE LEAD KNOWN FOR HIS ELEGANCE AND CALM DEMEANOR.
~Benedict Olivier~
▪︎Half lidded emerald eyes and ash grey hair
▪︎DukeTHE THIRD MALE LEAD KNOWN FOR BEING PLAYFUL AND MISCHIEVOUS.
~Terrence Cooper~
▪︎Dark blue hair and sharp ruby eyes
▪︎Assassin
▪︎Duke Ben's half brotherTHE VILLAINESS KNOWN FOR BEING TRASHY AND SPOILED.
~Veronica Luishall~
▪︎Long straight black hair with bangs and sharp amethyst eyes
▪︎Marquess Verol's only daughter

BINABASA MO ANG
The Villain's Charm
Romance"Rose with Three Thorns" is a typical romance novel I read just because of its beautiful book cover. I realized how foolish I am and wasted my time on reading some childish novel instead of embracing my bed early. Fast-forward to the situation I'm f...