18- Charming Smile

108 8 0
                                    

Rachel's POV

Alam mo yung feeling na parang natatae ka na pero ayaw nitong lumabas?

Ganito ang ekspresyon ko habang hindi makatingin sa lalaking nasa harapan ko.

Paano ako napunta dito? Last time I remember tulog mantika pa akong nakahiga sa malaking kama.

Tumikhim-tikhim ako para pagaanin ang mabigat na hangin na nakapalibot sa amin pero wala naman akong narinig na salita galing sa kanya sa halip ay mas lumala ang mga madidiing titig niya.

Juskopo! Bakit parang nasa isang korte ako kasama si kamatayan para alamin kung saan mapupunta ang kaluluwa ko?

Kailangan ko na ba aminin ang mga kagaguhang ginawa ko sa buhay ko?

Napadaan sa isipan ko yung time na na delete ko ang file na dapat ipresent ng katrabaho ko pero nilihim ko lang. Aishh pramis naguilty din ako no pero nanaig ang kademonyohan ko e.

"Hindi ko naman alam na hindi pala yun na save-"

Napatakip ako bigla ng bunganga dahil nasabi ko pala na dapat sa utak ko lang. Nanaig ang katahimikan sa amin kaya paunti unti kong inangat ang ulo ko.

His ruby eyes staring at mine with a little smirk on his face.

"Ang gwapo shet..."

Shet beh kunin mo na ako- waahhh ang lakas talaga ng karisma ng lalaking to!

"Finally meeting you, huh?"

Napatulala nalang ako at wala sa sariling napahawak sa bibig para alamin kung tulo laway ako.

Nakamaskara na nga ang lakas ng appeal, pano nalang kung tanggalin niya yan?

"Curios behind this mask, milady?"

Di ko nalamayang unti unti na pala itong lumalapit sa akin. Ilang sandali kung nakalimutang huminga hanggang sa hindi ko na naramdaman na wala na akong nalasap na oxygen.

F-focus! Focus sa goal Rachel! Wag kang tanga. Remember devil in disguise tong lalaking nasa harap mo. Matibay ang concrete na ginamit para hindi makalabas ang malandi side ko. Kapit lang self!

"Cute." Biglang sabi nito pagkatapos ay lumayo sa akin.

Cute ako? Ohmygad! Buti pa tong isang to marunong magsabi ng totoo.

"W-why did you bring me here?" Mahinahon kong tanong.

Pagkatapos kung malaman na third male lead pala to ay sinantabi ko ang pagkamaldita ko. Baka patayin ako nito ayaw pa man niya ng maingay at annoying na tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: an hour ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Villain's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon