Seven

2 0 0
                                    

I awkwardly smile as I drink water. Nakangiti lang sa akin 'yong dumating which is yaya pala ni Louie dati. Si Louie naman ay nagsistart na magluto ng Sinigang.

"Pasensiya ka na talaga, 'neng. Joke joke ko lang naman 'yon."

Tumango lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin.

"As in, promise! Hindi ko pa talaga nakikitang magdala ng babae dito si Louie, ikaw pa lang."

Inosente akong ngumiti, "baka po nagdadala kapag wala kayo."

Hindi makapaniwalang lumingon si Louie, "pinagdududahan mo boyfriend mo ha, Amber?"

Agad na natawa at umiling si Manang, "nako! Ako ang nagtitrack ng CCTV sa bahay na 'to. Gusto mo bigay ko pa sa 'yo."

Nabigla naman ako doon. May CCTV?

"Don't worry, Amber." Napalingon ako kay Louie na nagsalita. "My parents don't look at CCTV footage. Wala na 'yan kay Manang Karing kasi nakita niyang live—"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya.

"Hay," napalingon agad ako sa bumuntong-hininga na si Manang Karing, "nagbibinata na 'yang si Jacob. Parang dati kami pa lang ang nakakasama dito sa bahay, ngayon parang may gusto nang ibahay."

Nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Manang Karing. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko. Maski si Louie ay natigilan.

Natahimik ako sa sinabi ni Manang. Napaiwas ako ng tingin nang tumingin sa akin si Louie.

"Oh siya, maiwan ko muna kayo. Huwag na kayo maglaplapan at baka mapag-untog ko kayo."

Pilit na lang akong napangiti. Sakto ay kakatapos lang din ni Louie magluto. Buti na lang ay may sinaing daw kanina.

"Oh, eto na, asawa ko."

Nagpout lang ako sa kaniya.

"Oh? Gusto mo ulit ng kiss? Halika—"

"Louie naman!"

Natawa siya nang malakas at hinainan na ako. May tuwa sa puso ko habang nakain. Sana lang ay walang magbago sa amin bigla. Pero may part sa akin na handa kung sakaling niloloko niya nga talaga ako.

Nang matapos kumain, niyaya ako ni Louie umakyat sa second floor.

"Promise, wala ako gagawing kalokohan. Tsaka ikaw nag-initiate—"

"Shh!"

Tumawa lang siya nang malakas na ikinairap ko. Nahihiya na talaga ako. Parang ayoko na tuloy bumalik dito.

Nakaakyat na kami at dinala niya ako sa isang kwarto. Hindi ako pumasok kaya lumingon siya sa akin. Nakasama lang ang tingin ko sa kaniya.

Natawa lang siya at binuksan nang malawak 'yong pinto. Nanlaki pa ng kaunti ang mata ko nang makita kung ano meron sa loob. Tumingin ako kay Louie, nagkibit-balikat lang siya.

Dahan-dahan akong pumasok.

"Wala na nagamit niyan. Naisip kita bigla, so why don't you take it with you?"

"B-but..."

"Nah, Amber, wala na gumagamit niyan."

Napatingin lang ako sa mga sewing machine na andoon. Tumingin ulit ako kay Louie, nakasandal na siya ngayon sa pinto at magkakrus ang braso.

He tilt his head, "so? What do you think?"

"It's too much."

"Come on, Amber. No one use that." Lumapit sa akin si Louie at hinawakan ang kamay ko. "You can have it."

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon