Eight

2 0 0
                                    

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha namin, Amber?" natatawang tanong ni Joice.

Magkakasama kasi kami ulit ngayon. Napapailing na lang ako sa kanila. Mula nang sagutin ko si Louie, parang nagsasawa na sila sa mukha ko, e.

"Ba't hindi 'yong boyfriend mo kasama mo?" nagtatakang tanong ni Francheska.

Umiling na lang ako, "may paplanuhin daw kasi sila ng mga kaibigan niya kaya binigyan niya ako ng friends' time, since friends' time din naman siya."

Napalingon na lang ako kay Masha dahil kanina pa siya tahimik. Minsan lang yan siya maging tahimik at never 'yan tatahimik kung kasama si Mash.

Bigla siyang lumingon sa amin. Napansin niya atang kanina pa namin siya tinitingnan.

"Ikaw ha, porke andoon ex mo sa friends ni Louie, ganiyan na you," pabirong saad ni Joice.

Umirap si Mash kay Joice. Hindi ko alam kung matatawa o hindi.

"'Di ba, andoon si Janella?" tanong ni Mash.

Bigla ay parang dumagundong ang dibdib ko. Tumikhim si Francheska, parang kanina lang ay masama ang timpla niya nang banggitin ang pangalan ni Janella.

"Paano siya mapupunta doon, hindi naman siya lalaki," pilit ang tawa ni Francheska.

Umiling na lang si Mash, "imposible naman siguro na close sila, 'no?" Huminga siyang malalim at tumingin sa akin. "Mag-iingat ka lang, ha. We don't know if they are planning against you. You know, masyado na siyang nakakaduda."

"Wait nga," pigil ko kay Mash. "Hindi niyo kasi siya nakakasama kaya niyo 'yan sinasabi."

Napanganga lang si Joice sa sinabi ko. Hindi ko na maiwasang mainis sa kanila. Bakit ba hindi pa rin nila mapagkatiwalaan si Louie? He have been honest to me, why can't they see us?

Bumuntong-hininga si Francheska, "it's just, he just popped up and says he like you."

"Teka nga," parang may namumuong luha sa mata ko, "you mean to say, walang magkakagusto sa akin, gano'n ba?"

Lumambot ang expression ni Francheska, "that's not like it."

"Louie is a playboy, Amber."

Napapailing na lang ako sa sinabi ni Joice.

"I'll prove it to you, just..." hindi ko na alam ang sasabihin. "I am trusting him, letting him prove himself." Pakiramdam ko ay maiiyak na ako ano mang oras. "Why can't you do the same?"

Napayuko silang tatlo. Agad ding nag-angat ng tingin si Francheska.

"Are we fighting for a guy? Come on, guys. We're not like this."

"Pinaglalaban ko lang si Louie. He shows me something you guys can't see. I trust him."

Tumayo na ako at umalis ng bahay ni Francheska. Minsan lang talaga kami sa bahay nila, tapos ngayon pa na parang pinagtutulungan nila ako.

Mabuti na lang ay same village lang sila Francheska at Louie. Kaya siguro niya nakikilala. Siguro nakikita niya talagang magdala ng babae kaya hindi niya pinagkakatiwalaan. But I trust Louie, he have changed and won't hurt me.

Narinig ko pang tinatawag ako nila Francheska sa likod. Hindi ko ma sila pinansin at dumeretso sa daan papunt kila Louie.

Naiinis na talaga ako. Why can't they trust me? Alam komg hindi ako lolokohin ni Louie. If so, then why he kissed me several times? He let me inside his house. Pumayag siyang pumunta sa bahay. Sinabi niyang sure sa akin.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang pumatak. Natigilan ako dahil may dalawang tao sa harap ko. Kumurap-kurap ako para tingnan dahil sa gitna mismo sila... sa tapat ng bahay ni Louie. Naghahalikan.

"Amber!"

Tuluyan nang luminaw ang mata ko pero sa nasaksihan ko sa harap, parang nanlalabo na naman.

"Janella!"

Hindi ko alam kung ibabagsak ko ba ang luha ko o ipapakita kay Louie na hindi ako apektado. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano siya magpaubaya sa halik ni Janella.

Agad na lumayo si Louie. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kami. Lalapit sana siya sa akin pero agad na humarang si Mash at agad na sinampal si Louie. Rinig na rinig ang hampas niyang 'yon.

"Amber..."

Umiling ako at umatras. Hindi ko na napigilan ang luha kong bumagsak. Pakiramdam ko ay nawawasak na ang kaloob-looban ko.

"Friend time, huh?" sarkastiko kong saad.

"Let me... let me explain."

"I trusted you, Louie," sunod-sunod ang patak ng luha ko, "pi-pinag..." hindi na nakawala ang hikbing pinipigilan ko, "pinaglaban kita sa mga kaibigan ko."

Umiling ako at napayuko, "and here I thought," nag-angat ako ng tingin sa kaniya, "there's really someone who will like me not because of," napatingin ako kay Janella na katabi na ni Francheska, "my friends."

Pinunasan ko ang luha ko at natawa nang sarkastiko.

"Amber..." sabay si Mash at Louie.

"Tama ka, Masha," natatawa nanlang ako sa sarili ko, "tama ka, Francheska." Napayuko lang si Masha at napaiwas ng tingin si Francheska. "Wala... walang magkakagusto sa akin. Lolokohin lang ako."

Sunod-sunod na ang luha sa mata ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong humagulgol, pero gusto ko ipakita sa kanila na malakas ako, na hindi ako magigings ibrang apektado.

"Amber, that's not—" agad kong sinampal si Louie.

Natigilan lang siya. Tumalikod ako at agad na lumakad paalis. Naririnig ko pang tawagin nila pangalan ko pero wala na akong pake. Tuloy-tuloy akong naglakad habang pinupunasan ang mukha ko. Wala na akong pake kung may mabangga ako o ako mismo ang mabangga.

I made a fool of myself. I should have listened to my friends.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon